Kinikilig ba ako? Well, sino ba naman ang hindi kikiligin kapag sinorpresa ka ng ganito kagwapo di’ba?
Habang nagdadrive sya ay panay ang tingin ko rito, napansin nya siguro ang panaka-naka kong pagtingin sa kanya kaya ngumisi sya at tiningnan lang ako saglit saka muling binaling ang tingin sa kalsada.
“May dumi ba sa mukha ko? O gwapung-gwapo kana sa ‘kin?” Sambit nito. I rolled my eyes. Heto nanaman sya sa kayabangan nya.
“Huwag mo na ulit gagawin iyon.” Sambit ko, ngumiti sya bago sumagot.
“Ang alin?” Tanong nito, huminto ang sasakyan nang matapat kami sa intersection. “Huwag ka nang pupunta sa school na may dalang bulaklak, ayokong pag-usapan sa school dahil sayo.” Sambit ko, tumawa naman ito at saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito, muling nagrambulan ang pagtibok ng puso ko.
“I just want to surprise you, but if you don’t want it, then I won’t do that again babe.” Nakangiti nitong sambit habang nakatingin sa akin. Muli nyang pinaandar ang kotse nang magpalit ang ilaw ng stop light.
Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko kapag tinatawag nya akong ‘babe’. Nahulog na ba ako? Ang bilis naman?
Pinagbuksan nya ako ng pinto saka muling hinawakan ang kamay ko pagkababa ng sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan kami pero tiyak na lumabas kami ng probinsya namin, pumunta kami sa isang restaurant na ngayon ko lang napuntahan. Mukang pang mayaman ang kainan na ‘to.
Agad kaming sinalubong ng isang lalaki na nakauniporme at sinamahan kami sa isang table for two, kaunti lang ang kumakain. Pinaghila ako ni Mr. De Vera ng upuan saka umupo narin dito.
“Thank you” Sambit ko makaraang makaupo na. Isang matamis na ngiti naman ang pinakawalan nito.
“What do you want to eat?” Tanong nito habang nakatingin sa menu. Napakamot ako ng ulo dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pagkaing nasa menu wala ring picture, puro pangalan lang ng pagkain ang nakalagay don.
“Pwede bang ikaw nalang ako umorder para sa’kin?” Sambit ko, nginitian nya ako saka muling binaling ang mata sa menu. “Sure.” Sambit pa nito.
Matapos nyang umorder ay umalis narin ang waiter saka nya muling binaling ang tingin sa akin, naiilang ako sa mga titig nya kaya tumikhim ako at nagsalita.
“Paano mo nga pala nalaman kung saan ako nagtatrabaho?” Tanong ko rito.
“I ask Tatang Anton at pinagpaalam kita na hindi ka makakauwi ngayong gabi.” Baritonong sambit nito, saka ininom ang tubig na nasa wine glass. Napaawang ang labi ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. Tatang narin ang tawag nya rito na parang matagal na nya iyong kakilala.
“Ano? B-bakit san mo ko dadalhin?” Kinakabahan kong tugon.
“We’re going on a date.” Sambit nito saka ngumiti, ha? Hindi pa ba ito date? Not to assume pero parang date narin itong pagkain namin sa restaurant nang kami lang dalawa.
Magsasalita pa sana ako nang dumako ang tingin ko sa pagkaing inilapag ng waiter, saka ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Tahimik kaming kumain at hindi ko nalang siya pinansin inenjoy ko nalang ang pagkaing nakahain sa harapan ko, saka ko na sya kokomprontahin kapag busog na ang sikmura ko.
Muli kaming bumalik sa sasakyan at nagdrive sya papunta sa rancho, tinanong ko sya kanina kung saan nya ako dadalhin. May sorpresa pa raw sya sa akin. Hindi na ako nagprotesta at sumunod nalang sa kanya. May kung ano sa puso ko na gusto ko ang ginagawa nya. Pero may parte parin sa akin na nagaalinlangan sa totoong motibo nito sa akin. Lalong lalo na sa Poblacion Estancia.
Agad kaming nakarating sa rancho at dumeretso sa malaking bahay, muli kaming sinalubong ng mga kasambahay nito, nakangiti at tila ba kinikilig pa nang makita kaming magkahawak kamay. Mula nang lumabas kami sa restaurant ay hindi na nya binitawan pa ang kamay ko.
Muling namuo ang pamumula sa pisngi ko dahil sa mga reaksyon ng mga mukha nila. Dumeretso kami sa garden at pagbukas nya ng malaking pinto ay tumambad sa akin ang ganda ng garden na pinalilibutan ng mga maliliit na ilaw at may table sa gitna na may mga rosas at isang wine. May dalawang upuan na magkatapat.
“This is my surprise for you.” Sambit nito, napaawang ang labi ko. Namangha ako sa ganda ng pagkakaayos nang garden pero nasobrahan yata ang pagkacheesy nito. Kumunot ang noo nya at tiningnan ako nang makaupo na kami.
“Why? Hindi mo ba nagustuhan?” Tanong nya habang kunot ang noo. Ayoko syang ipahiya kaya iminowestra ko ang kamay at saka sumagot.
“Hindi, nagustuhan ko. H-hindi lang ako sanay sa mga ganito, ikaw palang kasi ang gumagawa nito sa ‘kin.” Sambit ko, lumuwag ang ngiti nito saka sinalinan ng wine ang mga baso namin.
“Mabuti naman,akala ko mababaliwala lang ang effort ko.” Aniya. “Bella, I know this is so sudden, but the first time that I saw you, I know that you’re the one that I want to be with, I know you’re the one that I want to marry.” Malumanay na sambit nito.
Nanlaki ang mga mata ko at bahagya pang natigilan, hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot sa sinabi nya o dapat bang may sabihin rin ako? Kinakabahan ako at ang bilis ng kalabog ng dibdib ko, ramdam ko rin ang init ng pisngi ko.
“I’m serious about you, at gusto kong iparamdam sa iyon ‘yon araw-araw. Kung papayagan mo akong papasukin sa buhay mo.” Muling sambit nito. I bit my lip. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bumaba ang tingin ko sa baso at tinitigan iyon. Dapat ba akong tumanggi? Masyadong mabilis ang pangyayari, paano kung may iba syang intensyon sa akin?
Tumikhim ako saka sumagot. “Connor..” Sambit ko, halos magaralgal pa.
“Don’t worry, I wont force you if you don’t want me, pero sana pagisipan mong maigi. I really like you Bella.” Sambit pa nito. Hindi na ako sumagto pa at tinaas na nya ang baso nya para makipag-cheers sa akin, kinuha ko ang sa’kin at ginaya ang ginawa nya.