Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Connor sa bahay. hindi ako mapalagay at parang nawala ang tapang ko habang kumakain kami, minsa’y mahuhuli ko syang nakatingin sa akin habang kumakain. Tingin na para bang ako ang pinakaimportanteng tao sa buong mundo kaya kahit anong dami at sarap ng mga nakahain sa lamesa ay hindi ko rin iyon naenjoy.
Bumagsak ako sa kama pagkapasok ko sa kwarto ko. Ano itong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko kanina nung magkalapit ang mukha naming sa isa’t isa? No! no bella! Hindi kaa pwedeng mahulog sa sirang tuktok na taga-Maynila na iyon! Hindi pwede.
Connor.
“What’s happening there? Bakit ang tagal ni Mr. Cruz?” I said, while looking at the window of my car.
“I’m sorry sir, mukhang nagagalit ang mga taga-Poblacion at mukhang naguluhan sila sa pagpunta natin.” Sambit ng tauhan ko na nakaupo sa driver seat. Nabaling ang atensyon ko sa isang babae, who’s that? I furrowed my eyebrow she’s looking back at me with fiery eyes.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sabay-sabay silang nilingon ako nang makalabas ako rito. They looked amused and mad at the same time, deretso akong nakatingin sa babae. Why she looked at me like that?
Tumahimik ang lahat nang lumapit sa akin nang bahagya ang babae. Humarap ako rito, I stunned. Her brown hair tumbled over her shoulder, a paired of arch eyebrows looked down on sweeping eyelashes, a pointed nose and pinkish heart-shape lips. My heart beat stop, how can she be so beautiful without wearing any make up on?
“Mr. De Vera.” I blinked twice as I heard her sweet voice calling my name. “Sorry pero hindi namin maintindihan, paanong ikaw ang may-ari ng Poblacion Estancia? Matagal nang binigay itong lupain na ‘to sa mga tao dito.”
“Hindi nyo naman kailangang umalis sa lupain ko, I just need this certain area to build a new hotel.” I said, nakita ko ang pagkunot ng noo ng babae, ganun din ang iba pang kasamahan nito.
[“Hindi pupwede iyon, paano naman ang kabuhayan naming? Itong kapasan lang ang kinabubuhay naming bukod sa pagtatanim ng saging.” ]
[“Tama iyon!” ]
We didn’t settled, I expected it. Kaya sinabihan ko ang mga tauhan ko na bumalik nalang sa Rancho malaipit sa Poblacion Estancia. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang imahe ng babaeng iyon. Sino ba sya?
Dalawang katok sa pinto ang pumukaw sa atensyon ko. “Come in.” Sambit ko, tumayo ako at lumapit sa sofa para doon umupo, lumapit sa akin si Randy, and assistant ko saka umupo rin sa katapat kong upuan.
“Sir Connor, mukhang may malaki tayong problema sa Poblacion.” Sambit nito, kumunot ang noo ko.
“What seems to be the problem?” Kunot-noo kong sambit, inabot nito ang hawak na envelop at folder, binuksan ko iyon at binasa ang mga papel na nasa loob. “It says that 70% of that land ay kay Ms. Clemente nakapangalan, nilipat ni Mr. Anton Clemente ang titulo ng lupa kay Ms. Celemte a year ago.” Tugon ng lalaking kaharap ko, lalong kumunot ang noo saka muling binaling ang tingin rito.
“Do you have the information of Ms. Clemente?” Tanong ko, may kinuhang isa pang folder sa bag nito saka inabot sa akin. Muli syang nagsalita habang binabasa ko ang ilang impormasyon tungkol dito.
“She’s a elementary teacher, and her biological father died when she was young.”Sambit nito, umangat muli ang paningin ko sa mukha nito. “Biological father?” Kunot-noo kong tanong.
“Yes, she was adopted by Mr. and Mrs. Clemente. And her biological mother..” Huminto sya sa pagsasalita, I furrowed my eyebrow then he continued. “Her mother is Mrs. Sandra Ibanez of IBNZ INC.” Siwalat nito.
Napasandal ako sa upuan at saka ngumisi. “This is interesting.”
I know IBNZ Inc., they’re my rivals in business. Who would have thought that Poblacion Estancia seems connected to the Madam of the IBNZ? I need to move quick, baka maunahan pa ako ni Austin Ibanez. I knew him, sya ang katunggali ko sa lahat lalong lalo na sa business, he’s the only son of Ibanez at tagapag-mana ng IBNZ Inc.
“I need to get this land and build a new hotel as soon as possible.” Mariin kong sambit kay Randy. Binaba nya ang hawak nya at saka pinagsaklop ang dalawang kamay. “There is a easiest and fastest way of claiming that land Sir Connor.” Sambit nito, sumeryoso ang mukha ko at saka umayos nang pagkakaupo.
“What is it?”
“Marriage. Marry Ms. Clemente at mapupunta sa’yo ang buong kalupaan ng Poblacion Estancia. I think as a lawyer that’s the easiest and legal way that you can do.” Sambit pa nito, sandali akong nag-isip, tama si Randy. Kailangan kong maunahan ang mga Ibanez,bago pa nila makuha ang lupa ng Poblacion Estancia. Tumango ako saka muling tiningnan ang information sheet ni Ms. Clemente.
“Bella Celine Clemente..”
Pagkatapos ko sa huli kong klase ay dumeretso na ako ng faculty para kunin ang mga gamit ko at umuwi na, ngunit natigilan ako sa pintuan at napanganga dahil yung lalaking may tuktok ay nandon at nakaupo sa may table ko. Habang ang ibang co-teachers ko ay pinagmamasdan ito habang kumikinang pa ang mga mata. Nilapitan ako ng isa kong co-teacher. “Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo.” Bulong nito sa akin habang nakangisi, nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi nang lingunin ako ng lalaki at ngumiti, kinuha nya ang bulaklak at lumapit sa akin.
“Hi babe, for you.” Sambit nito, napaawang lalo ang bibig ko habang ang mga taong naroon ay kinikilig sa amin at humihiyaw. May manigilan-ngilan ding mga estudyante ang nakadungaw sa bintana ng faculty at pinapanuod ang kaguluhang nagaganap.
Nakaramdam ako ng hiya, hindi ako sanay sa atensyon na binibigay nila, agad kong hinatak palabas ng faculty si Mr. De Vera at kinausap sa hindi mataong lugar.
“Ano bang ginagawa mo dito?” Tanong ko habang nakatingin ng masama rito.
“Sinusundo ka,bakit? Hindi mo ba nagustuhan tong bulaklak?” Sambit nito habang ako ay tumitingin-tingin sa paligid kung may ibang tao bang nanunuod sa amin.
“Umalis ka na nga. Nakakahiya ang ginawa mo.” Sambit ko pa.
“Let’s go we need to go somewhere.” Sambit pa nito saka hinawakan ang kamay ko at pinasakay sa sasakyan nito, hindi ko alam kung bakit pero ang bilis ng t***k ng puso ko habang hawak nya ang kamay ko. Bahagya ko pang tiningnan iyon at nagsimulang mamuli muli ang mga pisngi ko.