“Let’s go inside, babe.” Napabalikwas ako nang tawagin nya akong ‘babe’ saka hinawakan ang kamay ko para pumasok na sa loob. Sinalubong kami ng isang matandang babae at dalawa pang babae na pare-parehas nang suot na uniform, nakangiti ito habang nakatingin sa binata.
“Sir Connor, kamusta po ang pamamasyal nyo sa rancho? Nagugutom na po ba kayo? Gusto nyo po bang ipaghain ko kayo ng makakain?” Sambit ng matandang babae. Ngumiti naman si De Vera at saka binaling ang tingin sa akin.
“Are you hungry?” Baritonong tanong nito, umiling lang ako. Nakita kong tiningnan ng matanda ang magkahawak naming kamay saka muling inangat ang tingin sa akin, at ngumiti.
“Bring her to the living room upstairs, magpapalit lang ako.” Sambit nito sa matanda, saka muling tumingin sa akin. “I’ll be back,okay?” Malambing na boses nito, nagalangan akong sumagot kaya isang wirdong ngiti ang nabitawan ko, I saw him smirking then leave.
Lumapit naman sa akin ang matanda saka minowestra na sundan ko sya, ngumiti ako saka sinundan ito. Nakita ko ang pagtataka at pagbubulungan ng dalawang kasama nito.
This house doesn’t failed to amazed me, the interior is combination of victorian and Filipino style, napakalawak nang pasilyo papunta sa living room, pagpasok ko sa loob at agad kong nabungaran ang dalawang malalaking glass door na abot mula kisame hanggang sahig papunta iyon sa balcony, sumasayaw sa hangin ang puting kurtina nito. May malalaking set ng sofa at may lamesita sa gitna. May mga nakadisplay ding mamahaling vase at paintings sa paligid ng silid.
Grabe, iba talaga kapag mayaman.
“Maiwan ko na po kayo Ms, Bella. Pakihintay nalang po si Sir Connor dito.” Sambit ng matandang babae, napalingon ako dito at nagulat pa dahil alam nya ang pangalan ko, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin pa ito dahil dere-deretso lang ito palabas ng silid.
Lumapit ako ng bahagya sa sofa at umupo rito tiningnan pa ang mga nakadisplay na nadaanan ko. Mahal siguro ng mga gamit dito. Bulong ko sa sarili.
Napatayo ako nang biglang magbukas ang malaking pintuan at iniluwa non si Mr. De Vera, he’s smiling while walking towards me. I felt uneasy, nakaramdam ako nang biglang pagkabalisa dahil sa pagdagundong nanaman nang puso ko, nakapag-palit na sya ng damit. Nakasweater na ito nang puti at nakapants na grey. Naguumapaw parin ang kagwapuhan nito kahit sa simpleng pananamit lang, pero sira parin ang tuktok nya para sa akin.
“Are you okay?” Tanong nito nang makaupo na sa malaking sofa na nasa harapan ko. Muli akong umupo saka tiningnan ito ng masama. “Why are you looking at me like that? Narealize mo naba kung gaano ako kagandang lalaki?” Dugtong nito.
Sarkastiko akong tumawa saka tinaas ang kilay bago sumagot. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako pinapunta dito?” Sambit ko, hanggang ngayon ay hindi ko parin malaman kung anong pakay nya sa akin, baka gusto lang ipamukha kung gaano sya kayaman. Tsk! Mayabang talaga.
“I just want to have a meal with my girlfriend.” Baritonong sambit nito.
Nanliliit ang mata ko saka muling binaling ang tingin sa buong silid. “Sa iyo bang lahat ng ito? Ikaw ang may-ari nitong bahay? pati nung rancho?” Tanong ko. He just nodded. I knew it!”So pinapunta mo ako dito para yabangan ako ganun ba?” Nakataas-kilay kong sambit.
Narinig ko ang pagtawa nito. “You’re really cute, specially when you’re mad.” Aniya, sinimangutan ko lang sya at hindi na nagsalita pa, baka kung ano pang masabi ko at may gawin syang masama sa’kin lalo pa’t nandito ako sa teritoryo nya.
“Ano bang balak mo sa mga taga- Poblacion Estancia?”
“Like what I’ve said, I need that land to build a new hotel in this province, I will pay every households and give them other job if that’s what they concerned of.” He said.
“B-Bakit mo pa ako ginugulo kung ganon? Wala naman akong kinalaman sa lupain mo.” Sambit ko, ngumiti ito saka muling nagsalita.
“Because I like you, I want you.” Baritonong sambit nito saka tumitig sa akin, samu’t-saring gamu-gamo at paru-paro yata ang biglang nagliparan sa tyan ko, muli ring dumagundong ang dibdib ko sa narinig. He likes me?
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tumayo ako at lumapit sa balcony para hindi nito Makita ang pamumula ng pisngi ko, ano bang meron sya at nagkakaganito ako? Bella! Ano bang nangyayari sayo?
Napahawak ako sa dibdib ko na noon ay walang humpay ang pagkabog, hindi ko namalayan na nasa likuran ko na sya, agad na dumapo sa ilong ko ang napakabango nitong amoy dahilan para mapaharap ako at mapaatras. “I’m serious about you, babe.” Baritonong sambit nito, habang papalapit sa’kin habang ako naman ay paatras ng paatras.
Nagulat ako nang biglang natisod ang paa ko sa hagdan na isang baitang bago tuluyang makalabas ng balcony,pinikit ko ang mata ko at naghanda sa pagsakit ng balakang ko ngunit naramdaman ko nalang ang pagharang ng malaking braso sa baywang ko.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nabungaran ang napakagwapong mukha ng lalaking iyon, pakiramdam ko at dumoble ang pamumula ng pisngi ko nang magtama ang mga mata namin, he’s deep brown eyes makes me paralyze.
Bumalik ako sa ulirat nang may kumatok sa pinto at pumasok “Sir Connor, nakahanda na po ang lunch sa garden.” Sambit nito.
Ngumiti sya saka inalalayan akong makatayo. “Are you okay?” Tanong nito habang nakahawak parin sa baywang ko, tumikhim ako saka yumuko at muling pumasok sa loob. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito?
“Let’s go?” Sambit nito habang papalapit sa akin saka tinaas ng bahagya ang kamay sa ere, tiningnan ko iyon at muling tumingin sa mukha nito, tumaas ang dalawang kilay nito at hinihintay na iabot ko ang kamay ko sa kanya. Pero para na naman akong napako sa kinatatayuan ko at nakatingin lang ako sa kamay nito, hanggang sa sya na ang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Let’s go, I’m hungry.” Nakangiting sambit nito, muli nanamang dumagundong ang dibdib ko.