“Mr. De Vera, hindi ako sumagot sa offer mo, pero hindi ibig sabihin non e, pumapayag na ako.” Sambit ko.
“You’re my girl, either you like it or not.” Tumayo ito at inayos pa ang coat,saka muling nagsalita.”I’ll be back tomorrow to fetch you, be ready before 9am.” Dugtong nito, saka umalis na.
Tumaas ang kilay ko at nilingon ang pintuan na nilabasan nito, napaawang ang labi ko saka natawa nalang sa nangyari.
Pumasok si Nanay at Tatang na nagtataka. “Bakit umalis na kaagad si Mr. De Vera? Hindi ba kayo nakapg-usap ng maayos?” Tanong ni Nanay.
“Anak, hindi mo naman sinabi sa amin na may boyfriend ka palang taga-maynila. Kaya ba tinatanggihan mo yung anak ni pareng Pedro?” sambit pa nito, tumayo ako saka humarap sa kanila.
“Nay, tatang. Hindi ko sya boyfriend, hindi ko nga alam kung anong motibo ng lalaking iyon bakit sya nandito e, baka kinukuha nya lang ang loob natin para makamkam nya ang gapasan.” Sambit ko pa.
“Ano ka ba naman Lala! Huwag ka ngang magsalita nang ganyan, nakikita ko namang mabuting tao si Mr. De Vera, isa pa sinabi nya sa amin na kakausapin nya ang lahat ng taga-rito para mapaliwanag ang tungkol sa gapasan.” Sambit ni Nanay.
Hindi na ako sumagot at muling pumasok sa kwarto ko, hindi parin ako kumbinsido sa lalaking iyon, hindi ko nga alam kung anong tunay na pakay non dito sa Poblacion Estancia. Alam kong may iba syang balak kaya sya nandito.
KINABUKASAN ay abala ako sa pagdidilig ng mga halaman naming nang may humintong sasakyan sa tapat nang bahay namin. May kutob na ako kung sino ito, pero napakunot ang noo ko nang ibang mukha ng lalaki ang lumabas dito. Lumapit sa akin si Nanay na noon ay nahinto sa pagwawalis.
“Mukhang pinapasundo kana ng boyfriend mo,anak.” Sambit nito. “Nay..” Kunot-noo kong sambit.
“Ms. Clemente, pinapasundo po kayo ni Mr. De Vera.” Sambit ng matangkad na lalaki nang makalapit ito sa amin. Tinarayan ko lang ito saka nagsalita. “Pakisabi dyan sa amo mo, wala akong panahon para sumabay sa trip nya.” Sambit ko. Narinig ko ang boses ni Tatang na papalabas ng bahay.
“Ano kaba Lala! Magbihis kana, at baka mainip sa paghihintay si Mr. De Vera.” Sambit nito nang makalapit sa amin. Napaawang ang labi ko.
“Oo nga naman, naku. Pasensya kana ha, sandal lang pagbibihisin lang namin itong si Lala.” Tugon naman ni Nanay sa lalaki,ska ako hinawakan sa siko at dinala sa loob ng bahay.
“Nay, ano ba kayo, ayokong sumama don.” Sambit ko nang makapasok kami sa loob.
“Lala, gamitin mo itong pagkakataon na ‘to para mabago ang isip ni Mr. De Vera, malay natin ikaw lang pala ang sagot para magbago ang isip nya na tanggalin ang gapasan.” Sambit nito.
Kumunot lalo ang noo ko sa tinuran nito. Hindi ko maintindihan sila nanay at tatang, ano bang pinakain sa kanila nung sirang tuktok na lalaking iyon at botong-boto sila don.
“Nay, kahit akitin ko pa yung sirang-tuktok na taga Maynila na iyon, wala na tayong magagawa sa gapasan dahil sya naman daw ang may-ari non.” Sambit ko pa.
“Edi mas maganda kung siya ang magiging mapapangasawa mo, hindi na kami kailangang mag-alala pa ng tatang mo sa magiging kalagayan mo, kaya sige na at nakakahiya naghihintay yung tauhan nya sa labas.” Huling sambit nito bago ako talikuran at umalis na.
Naiwan akong nakaawang ang labi at halos hindi makapaniwala.
Nagsuot lang ako ng blouse at maong pants saka lumabas na sa bahay nang nakabusangot, mamaya kakausapin ko ang sirang tuktok na iyon na tigilan na ako. Sinamahan pa ako nila Tatang at nanay palabas ng bahay, nakita ko rin ang ilang mga kapitbahay namin na nakikiusyoso nang makita nila ang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Agad nalang akong pumasok sa sasakyan para hindi ko na makita pa ang mga mata nila na halos hindi maalis ang tingin sa akin.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa lalaki na nasa driver seat hindi ito sumagot bagkus ay nginitian lang ako, hindi na ako nagpumilit pang magtanong at tumingin nalang sa labas nakita kong palabas kami ng Bario Estancia. Saan kami pupunta?
Napukaw ang atensyon ko nang pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate, napanganga ako nang Makita kong kusa itong nagbukas nang tumapat kami rito, may napansin din akong dalawang security camera sa taas non. May ganito pala rito sa probinsya namin? Bakit ngayon ko lang nalaman?
Pagpasok sa loob ay agad kong nabungaran ang isang malawak na rancho at iilang mga kabayo na pinaliliguan ng ilang tauhan don, ngayon lang ako nakakita nang ganito kalawak na lupain, pagmamay-ari rin ba ito nung sira ang tuktok na yon? Tsk. Dinala nya ba ako rito para magyabang sa ‘kin?
Huminto ang sasakyan sa tapat nito at pinagbuksan ako ng pinto ng lalaking sumundo sa akin. Nagalangan pa akong lumabas, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko sa di kalayuan ang isang puting-puti na kabayo, pamilyar sa akin ang lalaking sakay nito. Nakasuot sya ng fitted na short sleeve white shirt, long breeches pants at boots na hanggang tuhod.
Bumilis ang kalabog ng dibdib ko nang makita kong papalapit na ito,nakakaintimidate ang aura nya lalo kong naaninagan ang kagwapuhan nito, bumagay ang suot nito sa malalaki nyang braso at katawan. I saw him smirked, nang makita nya ako na nakatitig sa kanya. Kaya binaba ko ang tingin nang makalapit ito sa akin, ramdam ko ang paginit ng pisngi ko at pamumula nito. Bella Celine kumalma ka lalaki lang yan!
Lalong bumugso ang dibdib ko nang bumaba ito nang kabayo nya at marahang lumapit sa akin, inalalayan naman sya ng tauhan nya. “You’re finally here.” Sambit nito habang nakangiti.
May kung anong kinang ang lumalabas sa paligid nya habang nakangiti sya,namamalik- mata ba ko? Bakit lumiliwanag sya sa paningin ko?
Ilang beses akong umiling at saka muli syang tiningnan. “Gusto mo bang sumakay sa kabayo?” Tanong nito, napasinghap ako nang muling marinig ang baritonong boses nito. “Bakit mo ba ako pinapunta dito? Anong kailangan mo?” Sambit ko habang nakataas ang kilay.
Pero tiningnan nya lang ako saka ngumiti at hinawakan ang kamay ko. “Come on, let me introduce you Angela.” Sambit nito saka ako hinila palapit sa kabayo niya. Inferness naman ang ganda ng kabayong ‘to, puting-puti ang kulay mukhang alagang-alaga ng amo nya.
Tumawa ako saka muli syang tiningnan. “Mr. De Vera, pinapunta mo ba ako dito para ipakilala sa kabayo mo? Wag mong sabihing lahat ng kabayo dito ipapakilala mo rin sa akin?” sarkastiko kong sambit, napaliyad ako ng bahagya nang yumuko sya at nilapit ang gwapo nitong mukha sa akin.
“We’ll do that if you want.” Napaawang ang labi ko na syang kinangisi nito, ngising demonyo.
Pinasakay nya akong muli sa sasakyan at muling nagmaneho ang tauhan nya, may kasama na kaming isa pang lalaki na may hawak na ipad at nakaupo sa passenger seat. Habang sya ay nakaupo kasama ko sa likuran.
“Saan mo naman ako dadalhin Mr. De Vera?”Tanong ko rito.
“You’ll see, and stop calling me Mr. De Vera, I’m your boyfriend you should call me babe, right?” Tugon nito habang nakatingin sa akin. Babe? Tsk, ibang klase..
“Mr. De Vera, tigilan mo na nga yang kakatawag mo sa sarili mo na boyfriend ko, hindi naman totoo at hindi ka naman nanligaw sa akin.” Sambit ko rito saka nirolyo ang mata.
He chuckled. “Don’t worry, inadvance ko lang. I’m still courting you.” Tugon nito, napailing nalang ako nang marinig ko ang sinabi nito.
Nakarating kami sa bandang dulo ng rancho may isang malaking bahay doon, dito ba sya nagsstay? Lalong napaawang ang labi ko nang Makita ko sa malapitan ang bahay, hindi lang iyon basta bahay! Mansion! Hindi ako makapaniwalang may ganito dito sa probinsya namin, paano nanyari ‘to?