Bumuntong hininga ako,naaawa ako sa mga kabario namin, kahit pa sinabi nung Mr. De Vera na ‘yon na magbibigay sya ng trabaho ay hindi parin ako kumbinsido alam kong may iba pang pakay ang lalaking iyon dito.
Pauwi na ako sa bahay galing sa kabilang bayan nang may humintong itim na magarang kotse sa tapat ko, kumunot ang noo ko,saka naalala ang lalaking taga-Maynila kahapon. Bakit nandito nanaman sya?
Bumaba ang bintana ng sasakyan nito saka nagsalita. “Ms. Bella Celine Clemente?” Baritonong sambit nito, kunot-noo akong yumuko ako para tingnan ang lalaki. Paano nya nalaman ang pangalan ko?
“Bakit po?” Tanong ko.
“Come inside, I need to talk to you.” Sambit nito, kumunot lalo ang noo ko saka muling sumagot rito.
“I’m sorry Mr. De Vera, pero kailangan ko nang umuwi e.” Sagot ko, saka nagpatuloy sa paglalakad, ngunit napahinto ako nang mapansin ko ang pagsunod ng sasakyan nito sa akin, muli akong lumingon at tiningnan ito. Ano bang kailangan ng lalaking ito?
“Do you have a boyfriend Ms. Clemente?” Sambit nito habang deretsong nakatigin sa harapan, napaawang ang labi ko habang nakaupo sa loob ng sasakyan nito. Ang driver nya at isa pang tauhan ay nasa labas ng sasakyan at nagmamasid sa paligid. Tiningnan ko sya saka sumagot.
“Ito ba ang paguusapan natin Mr. De Vera?” Sambit ko. Tumingin sya sa akin, isang tingin na akala mo ay mantutunaw, napalunok ako. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko, bakit ganito? Hindi ko matagalan ang paninitig nito kaya tumikhim ako saka muling nagsalita.
“Aalis na ako.”
“Be my girlfriend.”
Sabay naming nasambit, nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko habang sya ay seryoso parin ang mukha. Ang kaninang naguumpisang pagbilis ng t***k ng puso ko ay lalo pang nadagdagan. Makailang kurap ako bago nagsalitang muli.
“Tama ba yung narinig ko? Mr. De Vera? Gusto mo akong maging girlfriend?” Sambit ko, habang nakaawang parin ang labi.
Sa wakas ay bumitaw narin sya sa pagkakatitig sa akin saka muling nagsalita at tumingin sa harap. “No, actually i want you to be my wife, pero alam kong mabibigla ka, for now be my girlfriend.” Sambit nito. Ha! hindi pa ba kabigla-bigla ang sinabi nya ngayon lang?
Napaawang ang labi ko at natawa sa sinabi nya,muli nya akong sinulyapan habang seryoso parin ang mukha. “Nagpapatawa ka ba?” Sambit ko pa saka sumeryoso ang mukha. “Pwede ba Mr. De Vera, kung nabobored ka sa buhay mo,wag ako ang pagtripan mo, masyado akong busy sa pagtuturo sa mga studyante ko, wala akong panahon para makipaglokohan sayo!” Singhal ko rito, agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan saka lumabas na.
Naiinis na nakaawang ang labi ko habang papasok ako sa loob ng bahay, ano bang akala ng lalaking iyon sa’kin? Easy to get? Girlfriend nya mukha nya! Hindi ko nga siya kilala e. pagkatapos nyang sabihin na kukunin nya ang gapasan ngayon gusto nya naman akong maging girlfriend? Sira na siguro talaga ang tuktok non.
“Lala? Kanina ka pa ba dyan? Bakit parang masama yata ang timpla mo? May nangyari ba sa skwelahan?” Sambit ni Nanay na noon ay papalabas galing sa kwarto. Agad akong tumayo para magmano.
“Wala po nay, may nakasalubong lang akong sira ang tuktok.” Sambit ko rito, kumunot naman ang noo nito na para bang hindi naintindihan ang pahayag ko. Bumuntong hininga ako saka nagtungo sa kwarto muli ko syang tiningnan saka nagsalita. “Oo nga po pala, nasaan si Tatang?” Tanong ko bago pa tuluyang makapasok sa kwarto ko.
“Nandyan lang yon sa kapitbahay, pinuntahan kasi dito ng kumpare nya, mukhang maguusap-usap sila tungkol don sa gapasan.” Tugon nito. Muli akong pumihit papasok ng kwarto saka nagpaalam na rito.
“Sige po, magpapahinga muna ako.” Huli kong sambit bago tuluyang makapasok.
Nagpalit ako ng damit pambahay saka humiga sa kama ko, pinatong ko ang kaliwang braso sa noo habang nakatihaya sa higaan, iniisip ang mangyayari sa gapasan at ang sinabi nung sira ang tuktok na taga-Maynila. Iniisip ko parin kung anong pumasok sa isip ng lalaking iyon at nasabi nya sa akin ang mga bagay na ‘yon. Ganun ba mag-isip ang mga mayayaman? Tsk.
Pinikit ko na ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nagising nalang ako nang may narinig akong kumakatok sa pinto ko at naririnig ang boses ni Nanay na tinatawag ang pangalan ko. Kinukusot ko pa ang mata ko nang lumapit ako sa pinto at buksan iyon, bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Nanay.
“Nay, bakit po?” Tanong ko rito.
“Mag-ayos ka ng itsura mo at may bisita ka.” Sambit nito, kumunot naman ang noo ko, bisita? Sino naman ang bibisita sa akin ng gabi at kailangan ko pang mag-ayos?
“Ha? Sino po ba yun?” kunot-noo kong sambit. Lalabas na sana ako nang kwarto pero hinarangan ako ni Nanay.
“Ano kaba Lala, ayusin mo muna yang sarili mo bago ka humarap sa bisita at nakakahiya.” Muling sambit nito saka sinarahan ako ng pinto, lalong kumunot ang noo ko at tumalikod sa pinto, sino ba yun? Baka kamag-anak nila Nanay? Pero nasa malalayong probinsya lahat ng kamag-anakan nila ah?
Dumeretso nalang ako sa banyo at saka nagpalit ng maayos na damit. Halos kumalabog ang dibdib ko at hindi ako makagalaw nang makita ko kung sino ang sinasabi ni nanay na bisita. Si Mr. De Vera, yung sira ang tuktok na taga-Maynila. Unti-unting napaawang ang labi ko, nakita kong kinakausap sya ni Tatang na nakaupo rin sa sala.
Bumalik ako sa wisyo nang sikuhin ako ni Nanay na noon ay galing sa kusina at may hawak na mga pagkain at juice. “Ano pang ginagawa mo riyan? Umupo kana dun sa sala at harapin mo ang bisita mo.”Sambit nito saka nagtungo sa sala, lalong napaawang ang labi ko at sinundan ito ng tingin.
Pareho kaming nakatitig sa isa’t-isa nung lalaki habang papaupo ako sa sofa sa tabi nya. “Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?” Bungad ko rito nang makaupo na ako.
“Ano ka ba naman Lala, umayos ka nga. Pagpasensyahan mo na yang anak namin,minsan talaga hindi maganda ang tabas ng dila nyan e.” Sambit ni Tatang. Napaawang ang labi ko at dumako ang tingin sa matanda. Anong nangyayari? Kahapon lang ay nanggagalaiti sya sa taga-Maynila na ‘to bakit ngayon ay parang nag-iba yata ang simoy ng hangin?
“It’s okay.” Nakangiting tugon nung sira ang tuktok. Lumipat ang tingin ko rito habang nakaawang parin ang labi.
“Mr. De Vera, thank you ng pala sa mga dala mong mga prutas.” Sambit ni Nanay, napatingin ako sa kusina at nanlaki ang mga mata nang Makita ang sandamakmak na iba’t- ibang uri ng prutas sa kusina.
“You’re welcome po, kung may iba pa kayong kailangan sabihin nyo lang at ipapabili ko sa tauhan ko.” Nakangiting tugon nito.
“Naku, hindi na. sobra-sobra nayan, mabuti pa iwan muna natin sila para makapag-usap ang dalawa.” Sambit ni Nanay saka tumingin kay Tatang,tumango naman ito at saka tumayo na at lumabas ng bahay.
“Teka, nanay ‘san kayo pupunta?” Sambit ko. Nginitian lang ako nito saka tuluyan nang umalis.
Napakamot nalang ako ng ulo saka matalim na tumingin sa katabi ko. “Anong ibig sabihin nito? Bakit ka nandito?” kunot-noo kong sambit.
“I just want to see my girlfriend.” Baritonong sambit nito. Napaawang ang labi ko at halos matawa sa sinabi nito. Girlfriend?
“Aba, e talaga bang sira na yang tuktok mo? Kelan mo pa ako naging girlfriend?”
“You didn’t say no nung inalok kitang maging girlfriend ko,right?” Baritonong boses nito habang kinukuha ang isang baso ng juice sa lamesita.