Episode 2

950 Words
Nagkakagulo ang mga taong nakikita ko sa labas habang papauwi ako sa amin. Nagbubulungan ang iba at may mga kanya-kanyang kumpol ng grupo na naguusap-usap.  Agad na kumunot ang noo ko, ngayon ko lang sila nakitang ganon na tila ba nababahala. Tinawag ako ng isa naming kapit-bahay si Aling Ema. “Lala,mabuti at dumating kana, nagkakagulo ngayon doon sa gapasan, nandon ang nanay at tatang mo” Sambit nito, habang may pagaalala sa mukha. “Bakit po? Ano po bang nangyari?” Kunot-noo kong sambit rito. “May mga dumating na mga nakaitim na lalaki kanina, tingin ko ay mga taga-Maynila at sinasabi pa nung gwapong taga-Maynila na pag-aari nya ang lupain ng Poblacion Estancia, balak yata tayong paalisin dito.” Napaawang ang labi ko at lalong nalukot ang noo ko. “Ano ho? Maiwan ko muna po kayo, pupuntahan ko lang sila tatang.” Tugon ko. Agad na tumango ang mga ito. Agad akong naalarma, naisip kong baka mapahamak sila tatang. Agad akong nagtungo sa gapasan. Malayo palang ay natatanaw ko na ang helera ng mga nakaitim na lalaki at kumpol ng mga tao sa gapasan, at ilang itim na kotse halos nagsisigawan na ang mga ito. Agad akong nagtungo kung nasaan sina Nanay at Tatang, nagulat pa sya nang Makita ako. “Tatang, ano pong nangyayari dito?” Sambit ko nang makalapit ako sa kanila. “Sinasabi ng mga estrangherong ito na sa kanila ang lupain natin anak.” Galit na galit na tugon nito habang nakatingin sa mga lalaki. Naririnig ko pa ang paghiyaw ng ibang kalalakihan sa likuran namin na galit na galit rin. “Excuse me lang po, pero ibinigay na sa amin ng mga Estancia ang lupain na ito, ano po bang mga pinagsasabi ninyo na sa inyo ang lupaing ito?” Sambit ko sa mga lalaki, isang nakaamerikana na sa tingin ko ay kanilang abogado dahil sa itsura nito at hawak na bag ang humarap sa akin at nagsalita. “Narito ang mga dokumento at titulo na nagpapatunay na pagmamay-ari ni Mr. Connor De Vera ang Poblacion Estancia.” Sambit nito habang winawagayway ang isang folder. Kunot noo ko iyong inabot at tiningnan ang nilalaman, napaawang ang labi ko sa nabasa ko. Kaparehas ng titulo na hawak namin, ngunit nakasulat don ang pangalang Connor De Vera. Muli kong inangat ang tingin sa lalaki at saka nagsalita. “Paano naman kami makakasigurong totoo ang mga dokumentong ito? May mga hawak rin kaming titulo ng lupa sa mga kinatitirikan ng mga bahay namin dito.” Sambit ko pa, agad na sumangayon ang iba kong kasama. “I can prove to you that this is legit. Pwede nating idaan sa korte ang lahat pero sinisigurado naming mapapahiya lang kayo dahil ang Poblacion ay pagmamay-ari ng kliyente ko.” Mariing sambit nito, lumingon ako kanila tatay at nakita ko ang galit na mukha nila pero may takot sa mga mata. Paano na kami? Kailangan ba naming umalis dito sa Poblacion? Bumaling ang tingin ko sa mga nakaparadang kotse, ang isang itim na kotse doon ay nakabukas ang bintana at nakita ko ang isang lalaki na nakatingin sa dereksyon namin. Iyon ba yung kliyente nya?yung sinasabi ni Aling Selma na gwapong taga-Maynila? Tumaas ang dalawa kong kilay nang makitang bumukas ang sasakyan nito at lumabas sya, nanahimik rin ang mga kasamahan ni Tatang, nakasuot sya ng coat at shirt na panloob, bumagay rin sa mahahaba nitong binti ang trousers na suot nya at itim na sapatos. Artista ba sya? Nakailang beses din naman akong nakapunta sa Maynila, pero ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagwapo. Napaawang ang labi ko nang tawagin syang “Mr. De Vera” nung abogado, tama nga ang hinala ko. Sya ang sinasabi nitong may-ari ng Poblacion. “What’s going on here Mr. Cruz?” Baritonong sambit ng lalaki habang nakatingin sa abogado. “Hindi nyo kami pwedeng paalisin dito! Nandito ang mga kabuhayan namin. Paano ang mga anak namin?” Sambit ng isang lalaki saka muling sabay-sabay na nagsalita sila tatang. Lumapit ako ng bahagya sa matangkad na lalaki saka nagsalita. “Mr. De Vera? Ikaw ba ang sinasabi ng abogado mong kliyente nya? Pwede bang ipaliwanag mo sa amin kung paanong nangyari na napunta sa iyo ang Poblacion? Matagal nang binigay sa mga taga rito ang lupaing ito.” Sambit ko habang nakatingin dito, napagmasdan ko nang malapitan ang mukha nito, Inferness gwapo nga. ang kinis ng mukha.  Tumaas ang kilay ko nang mkita kong nakatitig sya sa akin. Tumikhim ako at muling nagsalita. “Mr. De Vera?” Muli kong sambit sa pangalan nito. Inalis nya ang pagkakatitig sa akin saka tumingin sa mga kasamahan ko.  “Hindi nyo naman kailangang umalis sa lupain ko, I just need this certain area to build a new hotel.” Aniya,kumunot ang noo ko, pero nabuhayan ako sa sinabi nya, mabuti nalang at hindi namin kailangang umalis,pero paano ang gapasan? nakita ko rin ang pagiling ng mga kasamahan ko. [“Hindi pupwede iyon, paano naman ang kabuhayan namin? Itong gapasan lang ang kinabubuhay naming bukod sa pagtatanim ng saging.” ] [“Tama iyon!” ] Sigaw nila tatang. “Pinapangako kong hindi ko kayo pababayaan, bibigyan ko kayo ng panibagong trabaho, kapag nagawa na ang hotel pwede nyong pagtrabahuin ang mga anak ninyo doon.” Dugtong nito. Bahagyang kumalma sila tatay, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi ng taga-Maynila na ito. Parang may kakaiba sa kanya, sa mga tingin nya sa akin. Nang makauwe kami sa bahay ay agad kong kinuha ng tubig si Tatang habang papaupo sila ni Nanay sa sala. “Ano nang mangyayari nyan sa gapasan?” Narinig kong sambit ni Nanay. “Tang tubig po.” Sambit ko saka inabot ang isang basong tubig rito, at umupo narin sa sala. “Wala na tayong magagawa kung iyon ang gusto nung lalaking taga-Maynila, may mga hawak syang dokumento, ano namang laban natin don?” Malungkot na sambit ni Tatang. “Magpasalamat nalang tayo at kahit paano ay hindi nila tayo paaalisin dito.” Dugtong nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD