"Sir, Im sorry. Nakaalis na po ang eroplanong sinasakyan si Ms. Bella." Sambit nito, muli akong napahilamos sa palad at napaupong muli sa bench. Hindi pwede ito, kailangan kong mahanap si Bella! Kailangan kong mahanap ang asawa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Randy para ipahanap kung saan ang location ng pupuntahan ni Bella at kung sino ang kasama nya maging ang hospital na pinagcheck-upan nya ay pinahanap ko rin. Ilang minuto lang ay tinext na sa akin ni Randy kung saang hospital nagpacheck up si Bella. Gusto kong makumpirmang buntis nga sya, agad akong pinagbuksan ng pinto ng tauhan ko at pinagdrive papunta sa hospital. Doon ko natagpuan ang clinic ni Dr. Martin, hindi na ako nahirapan pang pumasok dahil kilalang kilala na ako sa hospital na iyon, isa yon sa sinusup

