"Bella.." Sa puntong iyon ay tumalikod na ako at hindi na ito pinakinggan pa pero nakailang hakbang pa lang ako nang biglang sumakit ang dibdib ko. Sobrang sakit na halos hindi ako makahinga, biglang nanghina ang mga tuhod ko at bumagsak sa sahig, naririnig ko pa ang pagsigaw ni Matteo at Connor kasabay ng mabilis na pagbuhat sa akin nito palabas at doon ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Connor. Hindi ako mapakali at ikang beses na tinungo ang emergency room at pilit na sinisilip ang loob nito kahit pa alam kong wala naman akon makikita. Halos gumuho ang mundo ko nang bigla nalang inatake sa puso si Bella. Lumapit sa akin si Matteo at inabot ang kapeng dala nito saka umupo sa tabi ko. Hindi ako umimik at inabot lang ang dala nito, hindi ko n

