Kinalaunan ay umalis rin ito at muli akong humagulgol ng iyak, maya't maya ang pagtulo ng luha ko titigil lang ang pagiyak ko kapag nkakatulog ako. Pero kapag gigising na akong muli ay ayan nanaman. Walang katapusang iyak na halos mamaga na ang mata ko. Nakatulala ako sa kalangitan habang nakatayo ako sa tapat ng glass wall ng kwarto ko, iniisip kung kasama na ba nila nanay at tatang ang anak ko. Para akong mababaliw, mapait akong napangiti. Hindi ko maiwasang kwestyunin ang nasa taas, bakit nya hinayaang mangyari ang lahat ng ito sa akin? Hindi ko ba deserve ang maging masaya? Bakit lahat nalang ng mahal ko kinukuha nya? Hindi pa ba sapat sila nanay at tatang at pati ang anak ko na hindi ko pa man nakikita ay kinuha rin nya? Muling nangilid ang luha sa mga mata ko, paano na ako? An

