--- “Infairness, maganda yung gown.” Sambit ni Allyson habang nakataas ang kilay nang pumasok ito sa hotel room ko kasama si daddy at mama. “This is my wedding, pwede ba kung nandito ka para sirai..” “You’re pretty too.” Pagpuputol nito sa sinasabi ko, tiningnan ko lang ito saka ngumiti. “Congratulations Sera, alam mo bang si Allyson ang namili ng regalo namin para sa’yo? She also has a gift for my grandson.” Nakangiting sambit ni daddy saka ako hinalikan sa pisngi. Napaawang ang labi ko, hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Allyson, hindi naging maganda ang pakikitungo namin sa isa’t isa simula’t sapul. Pero masaya ako na sa wakas ay gumagawa na ito ng paraan para mapalapit sa akin, minsan ay tinatawagan nya ako at pinupuntahan sa penthouse ni Connor saka magdadala ng kung an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


