Pagbukas ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang isang lalaking nakahiga sa kama, nakaoxygen at nakadetrox. May katandaan na ang lalaki, he resembles Connor. The genes of De Vera. Nakatingin ito sa amin nang makapasok kami, ngumiti si Connor dito at umupo sa upuang nasa gilid ng kama. “Dad, I’m with my wife.” Bulong ni Connor, unti-unti akong lumapit dito saka ako nito binalingan ng tingin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, pero alam ko sa sarili ko na hindi galit ang nararamdaman ko kundi awa. Ang weird ng pakiramdam sa kabila ng mga ginawa nito ay hindi ko makuhang magalit sa harap nya, marahil sa nakikita kong kalagayan nito. Siguro ganito rin ang nararamdaman nila nanay at tatang. “K-kamusta po kayo?” Utal kong sambit, hindi ito sumagot bagkus ay inangat lang ang kamay,

