Episode 24

1029 Words
"Naexcite lang ako sa hunting kaya nakalimutan ko, hindi na mauulit Dr. Alterio." Sambit ko rito saka muling ngumiti, ngunit hindi naman ito natuwa sa biro ko at tiningnan lang ako,"Kamusta yang mga sugat mo?" Tanong ko nang bumaling ang tingin ko sa mga sugat nito, nakalimutan ko na syang gamutin dahil sa kaguluhan kanina. "Don’t worry about me, I’m a doctor kaya kong gamutin ang sarili ko. You should’ve taken care of yourself." Seryosong sambit nito, napanguso ako at yumuko, alam kong galit na sya sa puntong iyon, "What are you going to do now? Mukhang walang balak tumigil si Connor mabawi ka lang." Dugtong nito, napaangat ako ng tingin rito saka bumuntong hininga. "I know, but isn’t it more beneficial to us? Mas madali kong mailalatag ang mga plano ko kung nandyan lang sya sa tabi ko." Sambit ko saka ngumisi. "What do you mean?" Kunot noong tanong nito. Muli kong binaling ang tingin sa glass wall at tinanaw ang magandang tanawin sa labas habang unti-unting binubuo ang panibago kong plano na tiyak na magpapabagsak sa mga De Vera. I was riding on my horse inside the ranch, may harang naman ang pwedeng takbuhan ng kabayo at nakakalat ang mga tauhan ko kaya hindi ako nangangamba na maaksidente. Magaan sa pakiramdam ko kapag nakakapag horse back riding ako, bukod sa maganda ang panahon ngayon ay matagal tagal ko narin itong hindi nagagawa dahil wala namang ganito sa Maynila at sa London naman ay abala ako sa pagaaral. Napansin ko ang isang Audi na huminto sa di kalayuan, nanliliit pa ang mga mata ko habang sinusubukang aninagan kung sino ang may sakay nito. Bumaba ang isang matangkad na lalaki na naka polo at trauser nakangiti ito habang nakatingin sa direksyon ko. It was Austin! Agad kong pinatakbo ang kabayong sinasakyan ko at lumapit dito, bumaba ako kaagad nang makalapit na saka nakangiting yumakap rito. "Austin!" Masaya kong bungad rito saka yumakap. "How are you Sera?" Sambit nito habang nakangiti. "Grabe, akala ko hindi na kita makikita. Kamusta ka sa Amerika?" Nakangiti kong sambit nang makakalas ako sa pagkakayakap rito. "Okay naman, alam kong nandito ka kaya dito na ako dumeretso. Hindi pa ba ako late sa pa-house warming mo?" Pagbibirong sambit nito, ngumuso ako saka nginitian ito. "Syempre hindi pa, ayokong magpaparty ng wala ka." Sambit ko. Magmula nang magaral ako sa London ay hindi na kami nagkita ni Austin naging abala sya sa company, nang maitayo ang branch sa L.A ay nagpunta sya doon at ilan taon ding manalagi. Si Allyson naman ang namahala sa company nang umalis si Austin. Ngunit hindi ito napatakbo ni Allyson ng maayos kaya kinailangan kong umuwi dito sa bansa para ako na ang mamahala ng IBNZ INC. "This house is incredible, kaya pala binili mo ito ng doble o dahil sa may-ari nito dati?." Sambit ni Austin habang nasa living room kami at nainom ng wine nginisian ko lang ito saka inirapan. "By the way, where's Matteo? I want to meet him personally. Gusto ko syang pasalamatan sa pagaalaga sayo habang wala ako." Dugtong nito saka tumayo at humarap sa beranda. "Nasa kabilang bario si Matteo, inaasikaso nya ang construction ng Palos Verdes. Mamaya rin uuwi na yon dito." Sambit ko. Lumingon sya sa akin saka muling nagsalita. "Nagkita na ba kayo ng asawa mo?" Baritonong sambit nito. Kumunot ang noo ko at lumapit rito saka tinanaw ang mga puno sa labas. "He’s not my husband. Actually, nagkainitan sila ni Matteo."sambit ko saka humugot ng malamim na buntong hininga. He looked at me with an amused face. "Woah, really? They’ve already met?" Sambit nito. "Mukhang hindi na ako ang matinding kalaban ni Connor, Matteo take my title." Sambit pa nito. Napangiti ako saka humarap dito. "You're wrong Austin, Im his opponent now." Saka tinaas ng bahagya ang baso, ngumisi naman ito saka nakipag-cheers sa akin at nilagok ang laman ng wine glass. Sabay kaming napalingon sa pinto ni Austin nang may kumatok rito at inuluwa non si manang Elsa. "Ms. Sera, nandito na po si Attorney Santos." Sambit nito nang nakangiti, tumingin sa akin si Austin. "What are you thinking?" Nagtatakang tanong nito. Nginisian ko lang sya saka minandohan si Manang Elsa na papasukin si Attorney Santos. "How’s the documents attorney?" Tanong ko nang nakaupo na kami sa sofa, nasa tabi ko naman si Austin na nakatunghay rin sa amin. "Here’s the document Ms.Sera, it's true that you’re still married to Mr. Connor De Vera." Sambit nito habang inaabot sa akin ang isang marriage certificate, tiningnan rin iyon ni Austin at kunot noong tumingin sa akin. "So, you’re still a De Vera huh, what's your plan Sera?" Tanong nito sa akin, binaba ko ang certificate na hawak at tumingin rito. "I will stay a De Vera, until I transfer Hotel Estancia under my name." Sambit ko habang nakataas ang isang kilay nakita ko ang pagawang ng labi ni Austin at hindi makapaniwala. "What? Are you crazy? Paano mo naman gagawin yon? Hindi papayag si Connor na mapunta sa mga Ibanez ang Hotel, sa tingin mo ba madali mong malilipat ang property na iyon sa pangalan mo?" kunot-noong sambit nito. "Actually Mr. Ibanez, pwede mangyari iyon, magasawa parin sila ni Mr. De Vera sa mata ng batas, under the conjugal property nilang magasawa may karapatan si Ms. Sera sa lahat ng pagaari ni Mr. De Vera. Pero pwede mong malipat ang property sa pangalan mo kung may consent ni Mr. De Vera." Sambit nito. "Ako nang bahala don kung paano ko mapapapirma si Connor, just prepare the documents as soon as possible. I want the Hotel Estancia to be mine soon." Tugon ko, tumango naman si Attorney at inayos ang mga papel na nasa lamesita at sinilid sa bag, tumayo ito para magpaalam na, kinamayan ko naman ito at tumayo rin. "I will prepared the documents as soon as possible, don't worry Ms. Sera. I have to go." Sambit nito saka inabot ang kamay. "Thank you Attorney." Nakangiti kong sambit at nakipagkamay na rito saka lumabas na ng silid. Nilingon ko si Austin na noon ay nakaawang parin ang labi sa akin, nginisian ko lang sya saka lumabas narin ng living room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD