Papasok na kami sa loob ng mansion nang salubungin kami ni Manang Elsa, nagulat pa ito nang makita si Matteo na puro galos at sugat ang mukha.
"Dyos ko! Anong nangyari, mam Sera, bakit ganyan ang mukha ni Sir Matteo? Okay lang ba kayo?" Bungad nito.
"Please pakikuha ng first aid Manang, gagamutin ko si Matteo. Salamat." Sambit ko, habang inaalalayan si Matteo papaupo sa couch. Agad namang umalis si Manang Elsa para sundin ang inuutos ko, pareho kaming napalingon ni Matteo sa tauhan ko na lumapit sa amin halos humahangos pa.
"Ms. Sera, may nagwawala po sa labas ng rancho, hinahanap po kayo." Agad na nagunahan ang pagtibok ng puso ko, alam kong si Connor iyon, sinundan nya ba kami? Bakit sya nandito? Nagkatinginan kami ni Matteo na ngayon ay nangungusap ang mga mata na kahit hindi nya sabihin ay alam ko ang gusto nyang iparating. Na huwag na akong lumabas.
"He won't stop, paaalisin ko lang sya." Sambit ko habang nakatingin rito, gusto kong mapanatag ang loob nito pero ako yata ang hindi napanatag sa sagot nito.
"Sasamahan na kita." Aniya, pero umiling ako. Ayokong masaktan pa syang muli ni Connor at mauwi nanaman sa sakitan kapag nagtagpo silang muli.
"Hindi na,dito ka nalang. Mas lalo lang syang magwawala kapag nakita ka pa nya." Kunot noo kong tugon.
I don't want Connor to hurt Matteo again, ayokong magkasakitan nanaman sila ng dahil sa akin. Walang kinalaman si Matteo sa gulo namin ni Connor, ayokong madamay pa sya. Tumayo ako para tumungo sa pinto pero pinigilan ako ni Matteo nang hawakan ako sa kamay.
"Pero Sera, baka kung anong gawin nya sayo, hindi ako papayag na pumunta ka don magisa sasamahan kita." Aniya, saka tumayo na at tinungo ang pinto habang hawak ang kamay ko. Wala na akong nagawa at hinayaan nalang sya.
Malayo layo rin ang distansya ng main gate at mansion kaya kinailangan naming sumakay sa sasakyan. Nakikita ko ang pagdilim ng mukha ni Matteo at pagigting ng panga nito habang nagmamaheno papunta sa gate, hinawakan ko ang kamay nito at pilit na pinapakalma. Hindi talaga maganda na sinama ko pa sya. Baka lalo lang silang magkainitan ni Connor. Agad kaming bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa gate, sa labas ay tumambad sa amin ang pagpigil ng ilang tauhan ko kay Connor na noon ay mukhang pagod na at marumi ang damit dahil sa pangyayari kanina, may mga patak pa ng dugo ang damit nito dahil sa mga sugat na natamo sa pagsusuntukan nila ni Matteo, nagsisigaw at nagpupumilit itong pumasok. May mga sugat rin ito sa mukha at labi, natigil lang ang pagsigaw nito nang makita nya ako papalapit sa gate.
"Bella, please talk to me. Hayaan mo akong magpaliwanag sayo." Sambit nito nang makawala sa mga tauhan ko at lumapit sa nakasaradong gate saka humawak sa makakapal na bakal at pilit itong binubuksan.
"Wala tayong dapat pagusapan Connor, umalis kana!" Singhal ko rito.
"Umalis kana rito bago pa kami tumawag ng pulis at ipahuli ka." Sambit ni Matteo na noon ay nasa tabi ko na madilim parin ang mukha at matalim na nakatingin kay Connor.
"Ikaw tumigil ka! 'Wag kang mangealam! Wala kang alam sa mga nangyari!" Galit na galit na sigaw nito sa binata. Lumambot lang ang mukha nito nang dumapong muli ang tingin sa akin.
"Bella, please. Hayaan mo akong magpaliwanag ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng nangyari wala akong kinalaman sa sunog sa Poblacion Estancia, hindi ko iyon ginusto." Sambit nito, napaawang ang labi ko sa narinig, muling nabuhay ang galit na matagal ko nang kinikimkim, muling bumalik ang mga masasakit na alalaala na pilit kong kinakalimutan. Anong klase siyang tao? matapos niyang ipasunog ang Poblacion Estancia, idedeny nya ang kademonyohang ginawa niya? sabagay, sino ba namang masamang tao ang umamin sa kasalanan niya hindi ba? Muling nawasak ang puso ko na akala ko ay manhid na sa sakit dahil sa pagkamatay nila nanay, tatang at pangtatraydor nya sa akin. Lumapit ako ng bahagya sa gate at binalingang ng matatalim na tingin si Connor na noon ay halos magmakaawa at lumuhod na sa harap ko.
"Bella, please. Asawa mo ako, kausapin mo ako." Muling sambit nito.
"Umalis kana, hindi kita asawa. Matagal nang patay ang Bella na pinakasalan mo, na trinaydor mo! Matagal mo nang pinatay ang Bella na pinaikot mo sa mga palad mo para makuha ang titulo ng Estancia, matagal nang patay si Bella, kasabay ng pagpatay mo kina Nanay at Tatang." Mariin kong sambit habang pilit na pinipigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala ngunit sadyang masidhi ang galit at poot na nararamdaman ko kaya kahit ang aking luha ay hindi ko na napigilang ilabas.
Nakita ko ang pagpalit ng emosyon nito, natigilan at naluluha rin ito habang nakatingin sa akin, bakit? Para saan? Anong karapatan niyang umiyak? Akala nya ba ay maaawa ako sa kanya? Maibabalik ba ng mga luha nya ang buhay na nasayang ng dahil sa kanya? Nang dahil sa kasakiman ng pamilya nila?
"N-no, please B-bella, I need you. I can't live without you. Please makinig ka sa akin." Halos garalgal na tugon nito.
Tinatagan ko ang loob ko at hindi nagpakita ng awa rito. Tumindig ako ng diretso at muling nagsalita.
"Umalis kana, President De Vera, hindi bagay sa isang presidente ng kumpanya na kagaya mo ang maglimos ng awa dito." Sambit ko saka binaling ang tingin sa mga tauhan, agad naman nilang nakuha ang gusto kong ipahiwatig at lumapit kay Connor para ilayo sa gate. Nagpupumiglas ito ngunit dahil narin siguro sa pagod kaya natumba ito at napaupo sa lupa nagsisigaw na kausapin ko sya, na pakinggan ko sya nang umiiyak! May parte sa puso ko na gusto ko syang papasukin at pakinggan pero kapag naiisip ko sina nanay ay agad na nagbabago ang desisyon ko. Sa puntong iyon ay namalayan ko nalang ang paghapit ni Matteo sa baywang ko saka ako inalalayan na sumakay sa sasakyan at umalis na sa lugar.
Napapapikit ako kada may pumapatak na luha sa mga mata ko, naghahabol rin ako ng hininga, habang hawak ang dibdib ko. Nagaalalang palingat-lingat sa akin si Matteo.
"Are you ok? I need to check you, baka kailangan mo ulit uminom ng gamot." Narinig kong sambit nito, ayoko nang magsalita kaya tumango nalang ako rito.
Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa glass wall habang iniisip kung nakaalis na ba si Connor, kung nakauwi ba sya ng ligtas? O nandon parin sya at naghihintay na balikan ko? Dapat ba nakinig ako sa kanya kanina? Dapat bang pakinggan ko ang side nya?
Damn, Sera! hindi ka dapat nagpapaapekto sa kanya!
"Sera."
Narinig kong tawag ni Matteo while checking my pulse, uminom narin ako ng gamot ko at medyo gumaan na ang pakiramdam ko. "Hindi ka nanaman uminom ng gamot mo kanina, Sera. Alam mo naman ang mga posibleng mangyari kapag hindi ka uminom ng gamot diba? Pwede ka ulit atakihin sa puso kapag hindi mo sinunod ang mga bilin ko sayo" Nagaalalang sambit nito habang nakaupo sa gilid ng kama ko. Bahagya akong ngumiti at tumugon rito.
Nakakatawa ang kalagayan ko, literal na nagkasakit ako sa puso. Nalaman kong may sakit ako before I left for London, Cardio Vascular Desease (CVD). Nagpagamot naman ako doon at may improvement naman sabi ng mga doctor ko, and then I met Matteo sa isa sa mga hospital na pinupuntahan ko, my doctor indorse me to him at simula noon ay si Matteo na ang nagaalaga sa puso ko.
I was so weak and devastated back then, napapabayaan ko ang sarili ko dahil nadepressed ako hindi ako nakakainom ng gamot regularly, pakiramdam ko para lang akong isang bangkay na naglalakad sa kawalan. I literally wanted to die, until my CVD triggered at sinugod ako sa hospital. Halos ang isang paa ko na ang nasa hukay. And luckily, I survive doon ko napagtanto na hindi ako ang dapat na naghihirap kundi ang mga taong walang ginawa kundi kasamaan. By the help of Matteo natuto akong bumangon ulit at pahalagahan ang pangalawang buhay na binigay sa akin. And then I promised to myself that I will become stronger and braver, I will let them pay for what they did to us, I will make their life miserable.