“Alam ko... You’re not Bella anymore, pero kahit na magpalit kapa ng pangalan mo, ikaw parin ang asawa ko.” Sambit nito habang nangungusap rin ang mga mata. Binawi ko ang kamay ko saka ngumisi, muling umusad ang tindi ng galit sa buong sistema ko at tiningnan sya ng masama.
“I’m not your wife, Mr. De Vera, you must be delusional!” Sambit ko, lumapit syang muli sa akin, nakita ko nanaman ang pagmamakaawa sa mukha nito.
“Please Bella, makinig ka sa akin. Hinanap kita, limang taon kitang hinanap. At ngayong nakita na kita hindi na kita pakakawalan, Bella mahal na mahal kita.” Sambit nito, hindi na ako nakasagot pa nang bigla nya akong kinulong sa mga bisig nya, niyakap nya ako ng mahigpit. Nagpumilit akong kumawala rito pero hindi ko magawa dahil mas malakas sya sa akin. Parang sasabog ang puso ko sa galit.
Nagulat nalang ako nang may biglang humablot kay Connor at inundayan ito ng suntok, hindi nya iyon inaasahan kaya natumba sya sa lupa, agad na dumugo ang gilid ng labi nito at bumangon para bawian si Matteo.
“Oh my God! Matteo tama na yan! Connor! Tumigil na kayo!” Inis kong awat sa kanila pero para silang mga walang naririnig at patuloy parin sa pagsusuntukan ang dalawa. Wala na akong ibang naisip na gawin para awatin sila, nawala rin ang mga tauhan ko na kanina lang kasama namin. Kinuha ko ang baril ko at pinaputok ko sa ere.
Agad na lumingon ang dalawa sa akin, parehong humahangos at naghahabol ng hininga. Ang kanilang mga matatalim na tingin ay nanlambot pagkarinig ng putok ng baril, agad na tumayo si Matteo at lumapit sa akin, dahil nakaibabaw si Matteo sa kanya hindi kaagad ito nakatayo.
“Let’s go Matteo.” Mariin kong sambit saka naglakad na, sinundan naman ako nito pero patuloy parin ang titigan nilang dalawa, kung nakakamatay lang ang mga titig nila sa isa’t isa ay pareho na siguro silang patay ngayon.
Kunot-noo akong nakatingin sa bintana habang nasa byahe kami pabalik ng rancho, hindi ko nililingon si Matteo na noon ay katabi ko sa back seat ng rover. Ramdam ko ang paninitig nito sa akin at ang ilang buntong hininga na pinakawalan.
“Sera.” Mahinang sambit nito. Inis akong hinarap ito at nakita ko ang ilang galos sa noo, ibabaw ng ilong at gilid ng labi nito. Lalo akong nainis at kumunot ang noo.
“Bakit mo ginawa iyon? Pareho kayong armado ng baril pano kung magkabarilan kayo kanina ni Connor? Hindi mo sya kilala Matteo, delikado syang tao. Pano kung nandilim ang paningin nya, pano kung bigla ka nalang nyang binaril pano kung may nangyaring masama sayo.. paano..” Singhal ko rito pero naputol dahil sa pagyakap nito sa akin. I also heard him chuckled.
“I’m happy, I’m glad that you’re worried about me at hindi sa lalaking iyon.” Bulong nito sa akin, kumawala ako sa pagkakayakap nito saka nagsalita. “Bakit naman ako mag-aalala sa mamamatay tao na iyon? Delikado ang ginawa mo Matteo, alam mo naman ang ginawa nya kanila nanay at tatang, ayokong pati ikaw mawala rin sa akin dahil sa kanya.” Galit kong sambit.
Hinawakan nito ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad. “Hindi ako mawawala sayo, okay? Ikaw? Okay ka lang ba? You must be shock, kamusta ang puso mo? Hindi ka ba nahihirapang huminga?” Nag-aalalang tanong nito.
“Lalo akong aatakihin sa puso kung hindi pa kayo tumigil, halos magpatayan na kayo ni Connor kanina.” Tugon ko saka bumuntong hininga. “Ayoko nang maulit ito Matteo, seryoso ako sa sinabi ko!” Kunot-noo kong dugtong saka muling binaling ang tingin sa bintana. Naramdaman ko pa ang paghaplos nito sa buhok ko.
“Okay, I won’t do that again. I swear.” He said.