Muli ko syang nginitian saka sumagot. “I will, good night Matteo.”
“Good night.” Sagot nito.
Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko, tumayo ako at binuksan ang kurtina, napangiti ako nang Makita ang magandang umaga, maganda ang panahon parang gusto kong mag-hunting ngayon, maaliwalas ang asul ang kalangitan walang nagbabadyang ulan, yayayain ko nalang si Matteo. Matagal tagal narin mula ng huli kong hawak ng baril.
Agad akong pumasok sa banyo at naligo na, nagsuot ako ng puting sando at fitted na maong pants at boots na hanggang tuhod, niladlad ko lang ang buhok ko na may natural na pagkakulot sa dulo at naglagay ng kaunting makeup saka bumaba na at dumeretso sa dining.
Naabutan ko si manang Elsa na naghahanda ng mga pagkain sa dining at si Matteo na nakaharap sa stove at may niluluto. Napangiti ako habang papalapit rito.
“Good morning po Ms. Sera.” Bati ni manang Elsa, nginitian ko naman ito, lumingon si Matteo sa akin saka ngumiti rin, natawa pa ako sa suot nyang apron, malaking tao kasi sya nagmukhang pambata ang apron.
“Good morning.” Sambit ko saka humalik sa pisngi nito.
“Good morning, beautiful.” Nakangiting sambit nito. Sinilip ko ang piniprito nya at saka muling binaling ang tingin sa mukha nya na noon ay seryoso na habang nakatingin sa piniprito nyang itlog.
“Let’s go for hunting later.” Sambit ko habang nakasandal sa center island ng kusina. Tiningnan nya naman ako saka ngumiti, “Sure, but before that, let me check you first.” Aniya, nirolyo ko ang mga mata saka lumapit sa dining para umupo, pinaghila pa ako ng upuan ni Manang Elsa saka nagpasalamat rito at humingi ng kape.
“Matt I’m ok, ‘di mo na ako kailangang icheck. Isa pa hindi naman ako mapapagod sa pamamaril.” Sambit ko, habang kumukuha ng pagkain.
“Can’t you see that I’m just worried about your health, remember what happened in London? Ayoko nang mangyari pa ulit iyon Sera.” Sambit nito habang papalapit sa akin, saka nilapag ang niluto nito, hinubad nya ang apron at saka umupo narin.
“Okay po Doctor Alterio.” Nakanguso kong sambit, tumawa naman ito saka nagumpisa na kaming kumain.
“Don’t go far away from me Sera, understood?” Sambit ni Matteo nang makarating kami sa bundok, marami din kaming kasamang mga tauhan kahit pa sinabi ko kay Matteo na hindi na kailangan ay pinasama nya parin ang mga ito, humiwalay ako ng direksyon kay Matteo kasama ang ilang tauhan na nakasunod lamang sa akin.
I’m excited! matagal ko nang hindi nahahawakan ang baby ko, my rifle. We did this a lot when we were in London, I study to hold a gun when I was studying, nasa business industry ang pamilya ko at hindi biro ang panatilihin ang seguridad namin against sa mga taong gustong mapatumba ang Ibanez, I should learned to protect myself from any harm, that’s what daddy told me.
Dahan-dahan akong naglalakad at naghahanap ng target nang may namataan akong baboy ramo, ngumisi ako at tinutok dito ang rifle, pero agad itong nakatakbo kaya hinabol ko, hindi ko na alam kung saan parte ako ng gubat napunta pero wala akong pakialam ang goal ko lang ay mapatay ang target at makuha ang gusto ko.
Muli akong nagpakawala ng bala at natamaan ko iyon, halos mapatalon ako sa tuwa pero natigilan ako nang makitang wala nang mga nakasunod sa akin, wala na ang mga tauhan ko. Naligaw ba sila kakasunod sa akin? Stupid. I rolled my eyes, kinuha ko ang radio sa bulsa at sinubukang tawagan si Matteo, agad naman itong sumagot at narinig ko pa ang pagpapanic sa boses nito nang malamang baka nawala na ako.
Hindi ako umalis sa pwesto ko at nanatili lang para madali akong mahanap nila Matteo, pero laking gulat ko nang may narinig akong kaluskos kung saan, kaya hinanda ko ang baril ko at hinawakan ang gatilyo nito, tinutok ko iyon kung saan ko narinig ang kaluskos, inaasahan ko nang makakita ng leon o tigre sa bundok na ito, pero kinakabahan parin ako this is my first encounter to a such wild animals kung nagkataon.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki na naglalakad papalapit sa akin kung saan ko tinutok ang baril, a tall guy with a black shirt and maong pants with hunting boots. Literal na hayop pala ang bubungad sa akin. He also has a rifle.
“Connor?”
Sambit ko sa sarili, nakita ko rin ang pagtataka nito nang makita ako pero agad iyong napalitan ng matatamis na ngiti, binaba ko ang baril at sinukbit sa balikat, he was starring at me, na para bang hinahalukay nya ang buong sistema ko. Tumikhim ako nang makalapit ito sa akin.
“Bella? I never imagined that I can see you here.” Sambit nito nang makalapit, I composed myself at binaliwala ang sinabi saka ngumiti rito.
“Hindi ko rin inaasahan na makikita kita rito President De Vera.” Sambit ko, napalingon sya sa baboy ramo na nakasalampak sa lupa.
“Mabuti kapa may huli na, are you alone? Maybe we can have some tea after?” Aniya, ngumisi ako saka muling sumagot.
“I’m sorry, pero parating na rito si Matteo para sunduin ako.” Sambit ko saka tumalikod rito, my heart beats fast mas mabilis pa kesa sa pagtakbo ko kanina, I heaved out a deep sigh to calmed myself. But it won’t work.
“Bella, please let’s talk.” Baritonong sambit nito, humarap ako at nagulat pa ako dahil sobrang lapit na nito sa akin. “Wala tayong dapat pag-usapan President, and stop calling me Bella because I am not her! I'm not Bella!” Singhal ko rito, bigla nyang hinawakan ang kamay ko, saka muling nagsalita.