Louise "Nahihilo na ako sa iyo, Louise. Hindi ka ba titigil?" Pabalik-balik ako sa buong salas dito sa unit. Hindi kasi ako mapakali. Si Azellus kasi, kasalanan niya 'to! Argh! "Sinong hindi mapapakali? Kapag nalaman mong ang lalaking iyon, magta-transfer na dito sa Manila?! What the hell!" Humagikhik si Rica. "Ayaw mo no'n, magkasama na kayo. Tapos 'di na niya kailangang mag-effort all the way from Laguna to here. Maawa ka naman sa taong inlove sa iyo." "Maawa? Ginusto niya iyon. Saka, hindi naman niya kailangang mag-transfer! Tatanggapin pa ba siya? Late enrollee na siya!" "Kapag ba sinabi niyang ta-transfer na siya, ibig sabihin agad-agad? Malay mo next sem pa. Isang buwan nalang naman, o." Inirapan ko siya. "Ewan ko sa kaniya! Ah, basta, bahala siya! Kung maka-asta kasi siya aka

