[Louise] Pagpasok ko sa room ay naupo agad ako sa upuan ako. Para akong bangag. 'Yung klase ba naman ng weekends na puro inom ng alak. Susme. Sina Azellus, sobrang ku-kulit. Ayaw pa sanang umuwi. Jusko, kulang nalang dun na sila tumira sa unit namin. Psh. Buti nga napa-uwi pa namin. Tapos 'tong si Azellus, babe ng babe. Akala mo, kami eh. Tapos nung pauwi naman siya, text ng text. Feel niya talaga, kami. Binuksan ko nga pala 'yung bigay niya nong pumunta siya sa unit. 'Yung laman pala ng paperbag, chocolates. Grabe, sisirain ang ngipin ko at gusto yata niyang magka-diabetis ako sa dami non. Isang paperbag e. "Louise." Nag-angat ako ng tingin at medyo nagulat ako dahil si Brent pala ang nasa harap ko. "Ano 'yon?" Hindi na ako apektado sa kaniya. Moved on na ako. Napagtanto ko din nama

