[Louise] Nagising akong parang masakit ang ulo ko. Natural lang 'to dahil nakainom ako kagabi. Idagdag mo pa na napuyat ako ng bonggang bongga dahil kay Azellus. Argh! Kainis siya. Bakit kasi ang lakas ng epekto niya sa 'kin kahit sabi ko sa sarili ko, iiwasan ko na siya dahil hindi iyon makakabuti. Ibinigay ko pa ang cellphone number ko. Hay, Louise! 'Di mapigilan? Kinuha ko agad ang phone ko sa gilid ng kama ko para tingnan ang oras. Pero napansin ko agad ang dalawang messages. Binuksan ko ang phone ko. From: +639050000000 Babe dito na kami sa Laguna. I will miss you. Always take care. From: +639050000000 Goodmorning. Aalis na kami. Di na kita ginising. Ang sarap ng tulog mo eh. Thanks. Napalunok ako. Si Azellus ba 'to? Oo, si Azellus 'to. Nasa Laguna na daw siya, at siya ang tum

