bc

3 o'clock

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
bxg
mystery
magical world
like
intro-logo
Blurb

Simula

Lalaki

Ang sabi ni nanay Ina, kapag daw nagising ka ng alas tres ng madaling araw. Saktong alas tres yun ah! May isang nilalang na pinagmamasdan ka habang natutulog. Sabi ni nanay nakakatakot daw yun!

Kase may sungay daw yon, sobrang itim tapos mapupula yung mga mata tapos. Wala daw ilong ang laki ng bibig. Hindi ko maimagine ang istsura! Pero mukang nakakatakot nga.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Lalaki Ang sabi ni nanay Ina, kapag daw nagising ka ng alas tres ng madaling araw. Saktong alas tres yun ah! May isang nilalang na pinagmamasdan ka habang natutulog. Sabi ni nanay nakakatakot daw yun! Kase may sungay daw yon, sobrang itim tapos mapupula yung mga mata tapos. Wala daw ilong ang laki ng bibig. Hindi ko maimagine ang istsura! Pero mukang nakakatakot nga. " nanay ina, ayuko na po uminom ng gatas bago matulog. Naiihi po kase ako ng madaling araw eh. natatakot naman po akong bumangon kaya tinitiis ko na lang" sabi ko. " Hindi ko alam kung kelan ko papaniwalaan yang mga palusot mo anak. Kailangan mong uminom para makatulog ka ng mahimbing. Para di mo makita yung nakakatakot na lalaki, gusto mo bang makita yung mapupula ang mata, sobang itim tapos may sungay. Wala pang ilong?" Umiling ako habang natatawa. Parang nakakatawa kase yung walang ilong. Nakakatawa yung walang ilong pero mas nangingibabaw yung takot kung sakaling magpakita siya sa akin ng alas tres ng madaling araw. Kaya simula noon lagi ko ng inuubos yung gatas na hinahatid ni nanay ina sa kwarto ko. Dati yon.. Hindi dahil sa wala ng maghahatid ng gatas sa akin. Hindi dahil sa bente uno na ko ngayon. Hindi na kase kami mayaman. Simula kase noong namatay si mama at si papa sila auntie Hilda at ang kanyang asawa na ang nagpalaki sa akin. Sila na rin nagpatakbo ng kompanya namin at hindi na rin nila ibingay ang dapat na sakin ngayong bente uno na ko. Bukod sa pinapag aral nila ko.. wala na silang ibang ibinigay, Hindi ko na rin pagmamay ari ang bahay. Pero maswerte pa din ako kahit papano kase may nanay Ina ako. Katulong namin noon si nanay ina, mabuti na lang at pinayagan pa rin siya magtrabaho dito at mabuti na lang din ay may sweldo ako sa pagtatrabaho ko sa sarili kong bahay. " Nakakapagod po nay noh? Ang dami natin nilinis. Ang daming hinugasan" Ginanap ang birthday party ni Auntie Hilda sa bahay. Kaya abala kami kanina ni nanay at ang iba pang katulong. " Magpahinga ka na, baka tanghaliin ka ng gising bukas tiyak na mapapagalitan ka na naman ng auntie Hilda mo." si nanay ina " Di mo ba ko hahatiran ng gatas nay?" Natawa ko. "naku! Baka pareho tayong mapatay ng auntie mo pag kumaha tayo don sa lalagyan. Hayaan mo bukas bibili tayo" Haha. Mahal na mahal tlaga ko ni nanay oh! " salamat nay, pero joke lang po. Sana pala ininom ko na lahat ng gatas noon edi sana mas sexy at mas maganda ako ngayon. Nakakamiss lang" Natawa si nanay. Kaya ayon lokohan lang kami ng lokohan hanggang sa mapagod kakatawa. " Tandaan mo Gabriella isang araw mapapasayo ang lahat ng iniwan ng mama at papa mo para sayo" Nangiti ako. Sana nga! " totoo po ba yung lalaking nakakatakot na sinasabi niyo nay? " totoo pa rin yung hanggang ngayon." Ewan ko lang ha? "Mukang nakakatakot nga yon nay, kaya tara matulog na tayo" *** Natulog na kami, isang nakakapagod na naman na araw bukas sigurado. Himbing na himbing na ang tulog ni nanay habang ako eto dilat na dilat pa rin. Tiningnan ko ang orasan ala una y'medya na. Napaharap ako sa binatana, umihip ang malamig na hangin. Napa pikit ako. "pssst!" "pssst! Gabriellllllaaaaaaaa" nakakapanindig balahibo ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nakakatakot! Parang si kamatayan. Ayukong dumilat pero.. curiosity na ang nagpadilat sa akin. Napabangon ako sa bigla. Totoo nga ang sabi ni nanay! Totoo nga yong lalaking sobrang itim, may sungay. At malademonyong pagmumuka, wala ngang ilong. Sa isang iglap nawala siya sa bintana Nasa may pintuan na yung nakakatakot na nilalang. "Sa akin ka Gabriellaaaa" sabi niya sa nakakatakot na boses. Yung boses ng mga demonyo sa tv ganon na ganon. Palapit siya ng palapit.. sasakalin niya na ko. Kasabay ng pagtawa niya ng malademonyo. "Nanay ina! Naaaaayyyyy! Tulongan niyo po ako" Pero hindi ako naririning ni nanay. Tulog na tulog pa din siya.. nanginginig na ako sa takot. "Naaaaaayyy! Tullllloooooonnngggg!" Nasa harapan ko na siya.. sasakalin niya na ko. Goodbye world na Isang pag meow ng pusa ang nagpagising sa akin sa isang nakakatakot na panaginip. Panaginip? Panaginip lang yon? Tumingin ako sa orasan. Alas tres! alas tres ng madaling araw. At kung minamalas ka nga naman. nakaramdam pa ko ng pagihi kung kelan takot na takot ako, kung kelan naniwala na ako sa wakas sa sinabi ni nanay. Ngayon pa talaga ko naihi. Bou na loob ko, ihing ihi na talaga ko. Nasa may kusina pa naman yong cr. Ibig sabihin lalabas pa ko para makapunta sa kusina at medyo mahaba habang lakad yon. Dala dala ang kumot ko ipilupot ko yon sa boung katawan mula ulo hanggang paa. Syempre mata lang kita. Hindi ko alam kung anong maitutulong ng kumot na yon kung sakaling makita ko nga yung sinasabi ni nanay. Patakbo akong pumonta sa cr.. at niraos ko ang pagihi. Hindi ko naman nakita. At eto parang tambol na. naman ang pintig ng puso ko, lalabas na naman ako ng cr. Paglabas ko, tatakbo na sana ako. Nang may mapansin akong nilalang nasa may pintuan siya kung saan ako dadaan patungo sa kwarto namin ni nanay. Naka puting v-neck shirt siya at kulay itim na pantalon. Mukang mamahalin ang isang to ah! White lady? Waahh! Pero bakit? ... Magnanakaw? Pero bakit mukang mas mayaman to kesa kila aunti hilda? Kumaripas ako palabas bahala na kung madadaanan ko siya. Ito na yong sinasabi ni nanay. Sobrang salamat sa diyos ng malagpasan ko siya. "Teka lang miss!" Napahinto ako, napaharap, napakurap. napahawak sa short at tiningan kung may panty pa. "actually, i don't know where i am." Pinangmasdan niya ko "You looked frightened. Im sorry" Tiningnan niya ko ng may kuryosidad sa mata. Di pa rin ako makapagsalita. Ang sabi ni nanay.. mapula ang mga mata pero bakit ang ganda ng mga mata nito? ang sabi ni nanay wala daw ilong pero bakit ang tangos ng ilong nito? Ang sabi ni nanay sobrang itim pero bakit ang kinis kinis ng balat nito? Matangkad.. oo sige moreno. Alam mo yung model ng mga brief, ganon ang datingan niya! Bakit nakakaloose thread ng panty to? Bakit ang gwapo gwapo ng nilalang na to? " Ah, miss! don't look at me like that. Hindi ako magnanakaw magtatanong lang sana ako kung..." Bakit ang gwapo nito? bakit englishero ang nilalang na to? Bakit hindi naman nakakatakot? Di ko na narinig sunod na sinabi niya. King ina! takbo Gabriella! Bako ako pumasok.. tiningnan ko ulit siya. nginitian niya ko. s**t! king inang ngiti yan! Tumingin ako sa orasan.. alas tres! alas tres ng madaling araw. Doon nagsimula ang 3 am story namin ni Blue.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

His Obsession

read
104.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook