Ilusyon
Hindi naman nagwala si Auntie Hilda kanina. Ibig sabihin wala naman nawalang gamit.
Ano kaya yon?
Multo? Ang gwapo naman ng multong yon. Kung ganon lang ang multo baka mag offer pa ko na tabihan ako.
What the eff! Ano ba tong iniisip ko?
Magnanakaw? Pero wala namang nawala.
Eh yong nakakatakot na sinasabi ni nanay? Hindi rin naman kase nakaka loose thread ng panty ang kagwapohan non.
Hindi kaya panaginip lang yon? Baka nga..
"Malubha daw ngayon si Blue, Xandra. Huhu madami naman panget jan bakit si Blue ba ang naaksidente!" Rinig kong sabi ni Carmela kay Xandra.
Umiiyak silang dalawa. "Pwede namang yung nerd na panget na kaklase natin sa chemistry" sabi naman ni Lianne. Sumangsangayon ang dalawa sa sinabi ni Lianne. Naluluha na din si Lianne
"Magaganda lang kayo pero ang sasama niyo. Ang Oa pa!" Bulong ko.
Pagpasok ko sa room namin yon pa rin ang pinaguusapan. Pati na rin ata si Lily ang bestfriend ko naaapektohan na din ng balitang yon.
"Gab! Yung mahal kooo!" Lumuluha na din siya.
"Boyfriend mo yong Blue? Di ko alam na famous pala yang jowa mo Lily. Bakit di mo sinabi sakin?"
Binatukan niya ko. Sakit non ah! "I wish! Hindi ko boyfriend yun noh. Hindi mo kilala si Blue Simon Vasquez? Yung hot na tagapagmana nitong tinatapakan mo? Apo lang naman siya ni President Vasquez. Nakakalaglag panga ang ka kagwapohan non prend kaso lang snob at suplado daw. Apektado lahat ng kababaihan dito sa V-university kase dedeclare na siya as new President of Vasquez university. Naudlot lang dahil sa aksidente"
Tumango ako. "Wala na tayong pakialam don" sabi ko sa kanya. Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko.
Naisip ko bigla.. may gagwapo pa kaya sa don sa lakaking nakita ko? Nung nagpaulan ng kagwapohan gising na gising siguro yon.
"Huy! Uuwe ka na?" Tanong ni Lily. Eto na yung last subject namin sa araw na to.
"oo Lily. Alam mo na may mga gagawin pa"
"Sige ingat ka ah!"
"Ikaw din"
Dumiretso ako sa kusina pagkabihis ko. Binalikan ko yung pinuntahan ko kagabi kung san ko nakita yong lalaki. Para na nga kong tanga eh! Inaamoy ko yung doorknob at pintuan baka kase may naiwan siyang amoy..
"Gabriella! Anong ginagaw mo? Bakit mo inaamoy yan?" Biglang sumulpot si nanay. Tsk!
"Ah.. eh may alikabok po kase nay. Hinihipan ko lang hehe"
Tinitigan niya ko.. may kuryosidad sa mga mata. "Bakit di mo gamitan ng walis tambo?"
"Nay? Magluluto ka na? Ako na lang po bahala jan magpahinga kana sigurado madami kang ginawa kanina. Kaya ako na bahala dito" sabi ko binalewala ang sinabi niya.
"Okay ka lang?" Tumango ako.
Nang sa wakas nakumbinse ko si nanay na okay lang ako . Hinayaan niya na kong magluto.
Pagkatapos kong magluto.. inamoy ko ulit yong doorknob wala naman kakaibang amoy don.
Pumonta ako ng cr.. baka sakaling di ko nai-flash ihi ko pero wala din naman
Hinanap ko yung pusa pero di ko nakita.
Tiningan ko yung kumot na dala dala ko kagabi pero nasa maayos naman.
"Nay, bumangon po ba ko ng alas tres ng madaling araw?"
Naglilinis na kami ngayon ng pinagkainan.
"Hindi naman" baka tulog lang si nanay nun kaya hindi niya napansin pagbangon ko.
"Eh, wala ka bang napansin na kakaibang amoy jan sa may pintuan?"
"hmm.. wala rin eh!"
"yung pusa po nay? Wala ka bang narinig o nakita kagabi o kahit ngayon?"
"Wala. Ano bang klaseng mga tanong yan Gabriella? Okay ka lang ba talaga?"
Napatuwid ako ng tayo. "Ah eh assignment po nay! Hehe"
Mukang naniwala naman siya. " o siya! Pumasok ka na sa kwarto taposin mo na yan!"
Nababaliw na ata ako! Epekto na rin ata to ng kawalan ko ng lovelife. Siguro kailangan ko na maghanap?
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong mapatunayan na totoo yon. Siguro dahil misteryoso siya para sakin?
Lumipas na ang isang linggo.. isang buwan. Pero di ko na ulit siya nakita. Di ko na rin siya napanaginipan. Siguro niloko lang ako ng sarili kong mata. Ilusyon! Tama.. ilusyon lang yon.
Malakas na pagpatak ng ulan ang nagpagising sa akin. s**t! Uniform ko. Sigurado akong basang basa na yon, wala akong sosootin bukas. Dali dali akong pumonta kung nasaan uniform ko.
Pero pagdating ko doon. Wala! Asan na yon? Dito ko un sinampay.
"Ah excuse me! Here. Ito ba yong hinahanap mo?"
Naglakbay ata yung kaluluwa ko ng ilang minuto sa sobrang pagkabigla.
Laglag panga ko siyang tiningnan. Abot abot ang tahip ng dibdib ko.
His dangerous eyes bore into me. His lips curved in a grim lime. His perfect nose.. nakadamit puting v-neck shirt pa din siya pero this time with leather black jacket na , mas lalong nadepina ang kagwapohan niya.
"Miss, okay. Alam kong gwapo ako. Pero kailangan ko lang kase talagang.."
Tinitigan ko siya ng masama. Gwapo siya oo! Pero hindi ko sasabihin yon sa kanya.
"Don't look at me like that. Hindi ako magnanakaw, i need you..."
Hinablot ko na sa kanya ung uniform ko.
"Ang kapal ng muka mong magpakita pa? Pagkatapos mong gulohin utak ko magpapakita ka ulit?"
Pumasok na ko sa loob.. pero bago pa man ako makapasok narinig ko pa yung sinabi niya.
"Suplada! Napaka impolite pa. Mukang mahihirapan ako Pusa ah!"
Dumiretso ako sa higaan ko.. ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ka totoo! Niloloko lang ako ng mga mata ko.
Tiningnan ko yong orasan. Alas tres! Alas tres na ng madaling araw. Sinilip ko ulit siya sa bintana.
Wala na. Sabi na eh! ILUSYON KA LANG