KABANATA 2

1357 Words
Blue Nagugulohan na talaga ko. Hindi naman nabasa yung uniform ko. At naramdaman ko naman na hinawakan niya talaga ko. Hindi basa yung uniform ko. Ibig sabihin totoo yon. Pumonta ko sa library. Nagbasa basa ng mga tungkol sa multo. Ang sabi sa isa sa nabasa kong libro may mga kaluluwa daw na nagpapakita kase hindi matanggap sa langit o kaya hindi matahimik. Hindi kaya multo yun? Hindi kaya nakapatay siya kaya hindi siya matanggap sa langit? Kaya ba sabi niya kailangan niya ng? Ano kayang kailangan niya? Bakit ba ko takbo ng takbo pag nagsasalita na? Hindi kaya.. totoo naman yung sinasabi ni nanay. Baka nagkukunware lang siyang gwapo pero ang totoo panget pala talaga siya? "Ow! Andito pala yong katulong namin" si Sophia ang pinsan kong bruhita. Yes hindi rin kami magkasundo katulad ng mga magulang niya. Magaspang kase ugali nito eh. Feeling rich kahit na ang totoo sa akin naman talaga ang kayamanan nila. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ganun din siya sakin. Aba! Aping api na ko ng mga magulang niya pati ba naman sa kanya? Hindi ako papayag. "Sumama ka sakin mamaya.. gusto kong magsinungaling ka kay mama. Sabihin mo magkasama tayo kase gagawa tayo ng group project. Sasama ka samin ni Lysander. Pero aantayin mo lang kami sa kotse" "Pano kung ayuko?" "Pano kung isumbong kita kay mama na sinasayang mo lang yung pera namin kase puro panlalalaki inaatopag mo." Sabi niya "Cross out the pera namin part. Pano kung ako ang magsumbong ngayon? Inilabas ko yung cellphone ko kunware nakarecord yung kaninang mga sinabi niya. Napaatras siya.. at inirapan ako, namumutla. Lumuluwa na ko ng rainbow ngayon sa sobrang saya. HAHA akala mo ha! Iminuwestra ko sa kanya ang exit ng library.. Nagpupuyos siya sa inis. "Nakakainis ka talaga! Diyan ka na nga loser!" Natawa na lang ako. Kapag nakapagtapos ako ng pag aaral. Sisiguradohin kong kukunin ko yung dapat na sakin. Ang sabi ni nanay Ina idemanda ko raw sila auntie para makuha ko na yung bahay at kompanya namin. But i refused.. titiisin ko na lang muna hanggang sa makapagtapos. alam ko kasing wala pa akong kakayahan kunin yon. Alam ko kasing madaming gagastosin sa pagdedemanda. At baka gamitin lang din ni tiya ang perang galing sa kompanya namin. Namatay sila mama at papa when i was 14 years old. Birthday ko nun. Pinamadali ko silang umuwi dahilan ng pagka aksidente nila. Nangungulila na din kase ako nun kase hindi na kami madalas magkasama. Lage na silang busy. Nagtampo ko nun.. kaya nong birthday ko pinilit ko silang umuwi not knowing na Magiging kataposan na pala ng buhay nila yob. Simula noon ayuko na sa birthday ko. "Gabriella!" Galit na galit si auntie. "Bakit po?" "Letcheng magnanakaw ka! Ikaw lang naman ang pumapasok sa kwarto namin. Saan mo dinala yung relo ko? Isinangla mo ha?" "Auntie hindi po ako nagnakaw. Kahit kapkapan niyo po ako. Kahit haloghogin niyo yong gamit ko" umiiyak na ako. Hindi ako magnanakaw ang sakit sakit na pinagbibintangan niya ko. "Walang hiya ka! Pinapakain ka na magnanakaw ka pa!" Sinampal niya ko ng pagkalakas lakas. Humahagolhol na ko. "Letche kang bata ka! Simula ngayon hindi ka na magaaral!" "auntie.. please po! Hindi ako nagnakaw. Pleasee maniwala po kayo. Wag niyo po akong patigilin sa pagaaral." Pagmamakaawa ko. Pero hindi niya ko pinakinggan. Iyak lang ako ng iyak sa loob ng kwarto. Hindi ko na pinaalam kay nanay ang nangyari. Ayukong mag alala siya. Hindi ako nakatulog sa gabing yon. Alas tres ng madaling araw ng mapagpasyahan kong lumabas ng kwarto namin ni nanay. Pumonta ako sa harap ng bahay nila auntie.. sa akin to. Sa akin dapat to. Malaki yung bahay namin, bigla akong naiyak. Bakit ba ang lupit ng tadhana sakin? "meow!" Napaigtad ako sa gulat. Bwisit na pusa. Lumapit siya sakin at ikinikis ang katawan sa mga paa ko. "Meow!" Teka.. ikaw yon! Ikaw yung pusa noong isang gabi. Kinarga ko siya. Naupo ako doon sa may swing na bakal. "Hoy Pusa! Halika nga! Bakit ba ang bait bait mo diyan? Samantalang sakin ayaw mo , kahit magpahimas ayaw mo? Samantalang lage naman tayong magkasama" Shit! Heto na naman siya. Bakit ba palage na lang tong sumosulpot? Ni hindi man lang siya nakikita ng guard doon sa labas. Ngumiti siya sakin.. lumukso naman yung pusa mula sa pagkakakandong ko at lumapit sa kanya. Sinubukan niyang kargahin pero kinakalmot siya noong pusa. "Nakakainis ka na ah! Bakit ba sumasama sama ka sakin tapos ayaw mo naman pala sakin" "meeoowwww!" Sagot naman noong pusa. "edi wag! Bahala ka sa buhay mo" HAHAHA ang cute nilang dalawa. Parang nakalimotan ko bigla yung problema. Parang nakalimotan kong tatakbo na dapat ako. Naupo yung lalaki sa harapan ko. Sinigurado niyang may distansya para nakikita niya reaksyon ko. Naging seryuso ang mga mata niya. Heto na ba yon? magtatransform na ba siya in to a monster? Pero bakit ang gwapo niya pa rin? He smiled. Tapos biglang nag iba ang itsura niya. Matalim na siyang tumingin sakin. Para na siyang Zombie sa paningin ko kahit na hindi naman. Napa pikit ako! Kailangan ko na tumakbo. Dapat kase hindi ako nagpapadala sa itsura niya. Nasa kalagitnaan na ko ng pagtayo ng Tumawa siya ng malakas "HAHAHAHA ang sabi mo pusa matapang to? HAHAHAHA" Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo gwapo niya at ang sexy niya rin tumawa at the same time. Nababaliw na yata talaga kung ano ano ng emosyon nararamdaman ko. At higit sa lahat heto at nasa harap ako ng hindi ko alam kung tao o ano. "Gabriella Ylena Fortunato" seryuso na siya ulet ngayon What the hell is happening bakit kilala niya ko? "Bakit mo ko kilala ha?" "Masyadong mahaba ang pangalan mo kaya Ylena na lang. I am not a monster nor devil." "eh kung ganun ano ka?" Sabi ko medyo nawala na ang kaba. Seryuso pa rin siya.. multo ba to? Ang sarap naman magpadalaw sa kwarto sa multong to. HAHAHA "What? Ang halay naman ng iniisip mo Gabriella!" Nabigla ako sa biglaan niyang pagsigaw. Ano daw? "Ansabe mo?" Nagtataka na ko ah. "WALA" suplado ha! "Si Sophia ang kumuha ng relo ng auntie Hilda mo. She do it for a purpose. She wants you out of thier lives." Anooooooooo? Kilala niya si auntie? Hindi kaya kabit to ni auntie? Kaya ba malaya siyang nakakapunta dito ng ganitong oras? O kaya.. boyfriend ni Sophia? Humagalpak siya sa tawa. Ano bang nakakatawa? Tumayo siya at pinitik ang noo ko "Stop thinking" "aray! Wala naman akong iniisip ah" Umupo siya ulit "Hindi ko nakita. But trust me, im very sure na nasa loob ng aparador ni Sophia ang relo ng auntie mo" Hindi ako naniniwala.. hindi niya naman pala nakita eh. Papahamak niya lang ako. "Bakit ba hindi ka naniniwala! Si Sophia nga eh!" Weeh? Weeh? Tumayo siya at pinitik niya ulit noo ko. "You have to trust me. Pagsikat ng araw tingnan mo" "Kung hindi ka monster hindi ka rin katulad noong sinasabi ni nanay, kung ganon ano ka? Multo?" "hm... kind of? Pero hindi rin. Kase wala naman gwapong multo" Oh? Tumingin siya sa soot niyag relo. "Miss, its almost five. Pag nakita mo yung relo don ibig sabihin totoo yung sinabi ko ibig sabihin din natulongan kita. And i need you to help me too." Napaisip ako.. saan ba siya galing? Ano bang ginagawa niya dito ng alas tres ng madaling araw. "i said stop thinking! I only exist when 3 am arrives." Tumingin ulit siya sa relo.. bigla siyang napatayo. "s**t! Huy pusa Halika na. Baka mapagalitan tayo ni tanda" agad naman lumapit yung pusa. "Let see tomorrow at 3 am again, Ylena. Pls do me a favor. Sana ikaw lang ang makaalam nito." A smile formed in his lips. Shit! Gwapo mo huy! "Closed your eyes!" "s**t! I said closed your eyes Ylena" napapikit ako bigla. Kingina naman kaseng muka yan eh! "bye for now Ylena. by the way! I am Blue. Thats my name. Open your eyes now" Unti unti akong dumilat.. wala na siya. Medyo maliwanag na din. Wala na yung misteryosong lalaki. Wala na yung... Blue? Blue? --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD