KABANATA 3

1051 Words
Soul Nagising ako sa marahang pagkalmot ng pusa sa braso ko. "Meoowww! Meooww!" Muntik na kong mapasigaw ng pagdilat ko nakadungaw na siya sakin. Ayuko sa pusa pero ang cute talaga ng isang to. Purong puti lang ang kulay niya bukod sa mata niyang sobrang itim. "Hoy pusa! Ang sabi ko tawagin at gisingin mo lang. Bakit naglalandi ka pa?" Gulat na gulat ako.. like? What the hell? Saan siya dumaan? Bigla naman napatalon yung pusa papunta sa kanya. Pikon? "At ikaw!" Sabay turo niya sakin "Bakit nagpapalandi ka dito sa pusa? Ang weird mo!" This time inis na talaga siya. Ako pa daw yung weird? Samantalang siya tong susulpot na lang bigla tapos bigla din mawawala. "Wag ka ngang maingay! Marinig ka ni nanay!" "Di niya ko maririnig. Ikaw lang makakarinig sakin. Lumabas na nga kayo! Hoy ikaw din pusa!" Alas tres ng madaling araw yon. Bakit ba inis na inis ang isang to, samantalang siya tong nangistorbo. Tss "Pano kung ayaw ko?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ayaw ko hah?" Sabi niya. Humakbang siya palapit sakin. Titig na din siya habang umatras naman ako napaupo na lang ako sa kama kase wala na kong maatrasan. Yumuko siya at inilapit ang muka! Napapikit na lang ako! Ikikiss niya ko? Walangya siya! Mga 30 seconds na kong nakapikit. Naramdaman ko na lang ang malamig na simoy ng hangin He smirked "Stupid" sabi niya na parang natatawa na. Bwiset! Bakit ba nakakalaglag panty ka? Uhaw na uhaw ka ba sa kagwapohan kaya gising na gising ka nong nagpaulan na blessing si lord? Hindi niya na naitago ang tawa niya "Wag ka ngang magpatawa pusa!" Sabi niya "Laway mo! Nakakadiri ka Gabriella!" Napa punas naman ako bigla. s**t panis na laway nga! He laughed. I hate you! Nong lumingon ako tsaka ko lang napansin na wala na pala kami sa kwarto. Nasa rooftop na kami ng bahay. Buwan lang ang tanging naging ilaw namin doon. Namamangha pa rin ako! "Paano mo nagagawa to? Pano ka nakapasok sa kwarto kanina? Nanggaling ka ba sa ibabg planeta nagkaroon ka ng kasalanan, ipinatapon ka dito kaya ka napadpad dito?" "Paano mo nalaman na si sophia ang kumaha ng relo ni auntie?" Tama siya. Si sophia nga ang kumuha. Sinabi ko yon kay auntie. Hindi siya naniwala pero ng sabihin kong hanapin sa kabinet ni sophia. Naniwala na siya. Syempre hindi pa rin siya mabait sakin pero okay lang yon atleast papagaralin niya ko ulit. "May power ka ba? Magic ganon?" Litong lito na talaga ko. "Kind of?" Sabi niya Nakakainis! "Sa totoo lang miss, hindi ko rin alam kung bakit napunta ako sayo. Hindi ko alam pangalan ko, di ko alam kung san ako nanggaling. Hindi ko rin alam kung pano ko nagagawa to. Ang sabi ni Tanda Buhay pa raw ako. Naglalakbay lang ang kaluluwa ko at yun ang kailangan kong gawin kailangan kong hanapin ang katawan ko. At magagawa ko lang yun kung tutulongan mo ko" hah? Kailan ba mauubosan ng rebelasyon to? " Bakit ako? Bakit hindi ang iba?" Tumingala siya his adams apple moved up and down. "Kase kailangan mo din ako Ylena! Kailangan din kita. Kailangan natin ang isa't-isa" Tumingin siya sakin. Parang tambol bigla ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Wtf! "Ikaw lang nakakakita sakin. Ang sabi ni Tanda kailangan kitang protektahan at tulongan" "Anong tulong ba ang kailangan ko? Di ko naman kailangan yon. Nagugulohan na talaga ko" "Basta tutulongan kita! Walang pwedeng manakit sayo." Tog tog! Tog tog! Ayan na naman yung puso ko. Kailangan ko na ata magpacheck up may sakit na yata ako. Umiwas ako ng tingin. Lahat na lang yata ng angulo gwapo siya. Shemay! Ano ba naman to? "Ang ibig sabihin ba nun? Buhay ka pa? Nagtravel lang yung kaluluwa mo dito sakin?" Natawa siya.. na naman. "oo kaya pls tulongan mo kong makabalik sa sarili ko" Tinitigan ko lang siya.. napakagat labi siya napatingin din ako sa labi niya. Mukang kabado siya sa isasagot ko. Kiss mo muna ko! Natawa ko sa sarili kong isip. Kanina niya pa pinipigilan ang pagtawa ngayon hindi na napigilan ang pag hagalpak. "Ang manyak mo naman pusa! Anong sabi mong i-kiss kita?" Tawa pa rin siya ng tawa. Kinakausap niya yung pusa pero sakin siya nakatingin. Namula na parang kamatis ang muka ko. Napatalikod din ako. Hindi kaya nababasa niya ang utak ko? Tatalon ako! Sabi ko sa utak ko. Kung may power siya edi sana pinipigilan niya na ko ngayon. I feel relief ng mapatunayan ko na hindi niya naman nababsa isip ko. "Ehem! Sige na. Tutulongan na kita" nilingon ko siya. Seryuso na siya ngayon "Ang sabi din pala ni Tanda hindi ako pwedeng magkagusto ng bagay bagay. Hindi ako pwedeng ma attached sa kahit na sino lalo na sayo" Who the fvck is Tanda? Nakakainis siya ah! "sino ba kase yang tanda na yan?" Binalewala ang tanong ko "Ang sabi ko naman sa kanya, kahit di na niya sabihin di naman ako magkakagusto sayo kase panget ka naman tapos wala pang dede ayuko sa mga flat at maba--- aray!" Binatokan ko na! Walangya hihingi siya ng tulong tapos iinsultohin niya pagkatao ko. "FYI marami naman nagkakagusto sakin jan di ko lang pinapansin kase--" Hinika niya ko palapit sa kanya. Kinulong ang muka ko ng kayang dalawang palad. "Patingin!" Sabi niya. Tinitigan niya ko, yumuko siya para maglebel ang mga mata namin dalawa. Doon ko mas natitigan ang muka niya. Ang mga mata niyang parang laging nangungusap, kumikislap dahil sa repleksyon ng buwan. Ang ilong niyang parang pinagawa kay Belo. Maninipis lang din ang kanyang labi. His jaw looks so manly and that makes him more handsome. Nagkagat labi siya.. napalunok ako. Kulang ang salitang gwapo sa kanya "Pwede na!" Sabi niyang nakatitig sa muka ko. Kaso biglang bumaba titig niya sa dibdib ko "Pero Hindi talaga eh!" Sabi niya sabay bitaw sa muka ko. He laughed loudly. "Tara na pusa! Mag aalas singko na!" Tawa parin siya ng tawa. "Closed you eyes Ylena" hindi ko ginawa mukang naplaster na mga mata ko sa muka niya. "Tigas talaga ng ulo. Tss!" Lumapit siya sakin at siya na ang nagtakip ng mga mata ko Pagtanggal ng kamay niya.. nasa kwarto na ulit ako. Wala na siya pero yung puso ko nagwawala pa rin. -  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD