Like at first sight
"Wala pa rin daw malay si Blue Simon Vasquez" malungkot na tugon sakin ni Lily isang araw nong break time namin. Nasa soccer field kami nakaupo sa ilalim ng puno.
Medyo matagal na rin simula ng napagusapan ulet to sa VU. "Ano ba kasing nangyari sa kanya Lily?" Tanong ko. Nacu-curious na din ako, ako na lang ata ang walang alam.
"Car accident daw sabi ng president. Malubha daw ang kalagayan ni Blue rinig ko pa nga machine na lang ang bumubuhay sa kanya. He is in comatose right now" malungkot pa rin siya.
"Kawawa naman. Pero hindi ko alam kung bakit pati ang VU naaapektohan ng balitang yan, siguro kung si President ang nasa kalagayan nong Blue maiintindihan ko pa. Nalulungkot ba kayo kase nasasayangan kayo sa gwapo nong Blue kung sakaling kunin na sya? kaya kayo apektado?"
Inirapan niya ko "Ang sama mo naman Gabriella!" Sabi niya "Kase diba isa naman talaga yun sa rason lagi kong naririnig yon"
"Hindi naman lahat Gabriella.. malubha na nga ung tao ganyan ka pa. Pag siya na ang na declare na President magdadagdag ng building ang VU gagamitin ang building na yon para sa mga batang hindi afford ang tuition dito sa VU bale 70% ang mababawas sa tuition fee nila. Magpapatayo din siya ng maliit na mall dito sa VU. Mura ang mga bilihin don lalo na kung mga school supplies. Napakalaking tulong na yun sa mga gustong mag aral dito sa VU. Marami pa siyang plano para sa VU, kaya lang naaksidente na siya"
Napatango ako.. ang grabe pala ko kung mang judge. Naalala ko si Blue yung kaluluwa na yon nung una ko siyang nakita nang judge na agad ako.. itong Blue Vasquez naman di ko pa nga nakikita ni-judge ko na. Sama ko!
"Ganun! Sana mabuhay pa siya para madami pa siyang matulongan"
"Snob at suplado lang yon pero madaming natutulongan yon at higit sa lahat gwapo pa" heto na naman kinikilig na naman siya. Hayy
"Nakita mo na ba si Blue"
Tumango ako kahit na di pa naman. "Ang gwapo niya noh? Wala na ata mas gagwapo don. Ang sabi engage na daw yon, pinaplano na nga ang kasal non eh. Tapos nangyari pa yon. Haay buhay nga naman"
Bigla akong nalungkot.. biglang parang sumikip ang dibdib ko. "Ang tragic naman ng nangyari sa kanya siguro kung ako yung babae maloloka na ko"
Nahawaan na siguro ako ni Lily, kase hanggang pag uwe sa bahay yun pa rin ang iniisip ko. Nalulungkot na rin ako. Sayang din kase ang magagandang plano niya sa VU at madami pa siyang matutulongan.
"okay ka lang? Mukang pagod na pagod ka Gabriella. Ano bang ginawa niyo?" Nagaalalang tanong ni nanay
"Napagod lang po ako sa mga lessons nay, malapit na kase yung final kaya grabe na yung mga topics. Nakaka haggard na."
"Magpahinga ka muna, ako na muna ang bahala sa kusina"
"Okay lang po ba nay? Medyo napagod po talaga ko eh" Tumango si nanay. Hindi ko alam kung bakit pati ako nanlulumo sa nangyari don sa Blue Vasquez. Naaawa lang kase ko!
Hinintay ko talagang mag alas tres ng madaling araw. Feeling ko kase kailangan ko yung kaluluwa na un ngayon feeling ko naubos energy ko sa balitang yon at siya yung kailangan kong charger para mafull ulit.
Eww! Ano ba tong sinasabi ko?
Kaya naman nung naramdaman ko na andyan na yung pusa bumangon agad ako. Mahigit isang buwan na rin na ganito ang sistema namin, medyo nasasanay na rin ako Paglabas ko nandon na siya sa duyan nakaupo.
"Woah! You look so excited to see me Binibini, huh?" Sabi niyang natatawa.
Hindi ko alam pero ang gwapo ng tingin ko sa kanya ngayon. Sa totoo lang he looked so snob and suplado all the time. He looked so ruthless when he's serious kaya nga di mo aakalain na makulit to. Kaya nga minsan na weweirdohan ako sa kanya eh!! And that smile? Those laughs, those smirks? Damn! He is so perfectly handsome.
Hindi ko namalayan na napatitig na pala ko sa kanya. "Are you done checking on me, hmm?" He smirked, devilishly.
"Ang feeling mo naman po ginoo!" Inirapan ko siya. Natawa naman siya. See this Mr. Weirdo in front of me?
Tumayo siya at lumapit sakin. Yumuko at nilebel ang mata namin dalawa
"Closed your eyes, binibini" he said while he smiling sweetly to me. Pinikit ko agad ang mga mata ko.. parang nakakapaso ang mga titig niya
Pagdilat ko nasa rooftop na kami "Wala ka bang ibang alam na lugar" sabi ko
"Wala pa kong budget para dalhin ka sa ibang lugar. Hanggang dito lang kaya ng budget ko. Wag ka ngang demanding jan!" Ako naman ngaun ang natawa sa sinabi niya.
"HAHAHA Okay po, Ginoo" natawa din siya.
Bigla kong naisip..
"Do you have a crush?" I asked him out of nowhere. "Ha? Wala!"
"How 'bout love?" Nilingon niya ko "I don't love at all!"
Tss.. "But do you believe love at first sight, though?"
Huminga siya ng malalim "Love is powerful word, Gabriella. But i believe in like at first sight"
"Hah? Meron ba nun? Bakit yung mga estudyante don sa school ko kinoConsider na nilang love yun kahit isang beses palang nilang nakita?"
Tiningnan ko siya.. "Yung si Blue, Blue Vasquez parehong corny pangalan niyo" natawa ko. Napatingin siya sakin, napakurap din siya ng ilang beses.
"Who is Blue Vasquez?" Ngayon seryuso na siya.
"Sila yung may ari ng school ko, nalulungkot ang VU kase naaksidente siya at comatose daw machine na lang ang bumubuhay sa kanya. Madaming may gusto don, madaming nagsasabing inlove daw sila don."
"Tapos?" He look so attentive now. Medyo na conscious ako.
"Ehem! Yun nga.. ikakasal na yon. Engaged na ng mangyari ung aksidente. Maraming inlove don"
"Pati ikaw?" Dumaan ang iritasyon sa kanyang mata.
"Hindi noh!" Mabilis na sagot ko
"Good for you, then."
Hah?
Titig na titig siya sakin.. mukang binabasa niya ang utak ko. Sobrang nakaka conscious pagtitig niya
"ah..K--kaya how come na hindi ka naniniwala sa love at first sight?" I stuttered. Huminga siya ng malalim. At tumingin na lang sa unahan
"Bakit nila mahal?" Tanong niya.. "Kase gwapo.. matangos ang ilong. Tapos mayaman?"
"Thats the thing, Gabriella. Ang love at first sight ay para lang don sa mga batang hindi alam ang ibig sabihin ng pagibig. Hindi kayang ipaliwanag ng salita lang ang pagibig, Gabriella. Wala din rason kung bakit mo mahal ang isang tao, basta mararamdaman mo na lang yun. Hindi love ang naramdaman nila LIKE lang yon. Mababaw na pag ibig lang yon.. magkaiba ang gusto sa mahal ang gusto may rason kung bakit mo nagustohan ang isang tao ang mahal walang rason bigla mo na lang mararamdaman na you're falling inlove to that person. Like what i said Love is a powerful word, So if you don't mean it DON'T SAY IT"
Nakatulala lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Napatango, at mas lalong...
Edi ibig sabihin Gusto ko kita? Kase gwapo at misteryuso ka?
Bigla siyang napabaling sakin. "HAHAHAHA!" Tumawa na naman. Weird! Ihinarap niya ko sa kanya at pinitik ang noo ko
"You're crazy!" Natatawa pa rin siya.
Bakit parang pakiramdam ko nababasa niya talaga isip ko? Lord, wag naman sana!
"Ano bang nakakatawa?"
"Wala! HAHAHA"
Weirdo ka talaga!
"Kaya ikaw, choose the right person you will marry someday. Choose a MAN not a BOY because a man knows how to value love. Pumili ka ng lalaking alam kung ano ang pagibig"
Sobrang nakakabilib ang mga sinasabi niya. Pano niya nalaman yun? Instinct na nagpagalaw sakin para yakapin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.. ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Siguro nga gusto kita. Kingina!
Tinanggal nya ung kamay kong nakayakap sa kanya. "Alam mo Gabriella! oo maganda ka, pero kase hindi pa rin talaga kita magugustohan kase bukod sa hindi pwede, flat at maba--"
Hindi ko na siya pinatpos magsalita. Niyakap ko ulit siya. King ina! Naniniwala na rin ako sa like at first sight. Letche! Gusto talaga kitang kaluluwa ka!
--