Sorry
"Holy s**t! What the hell are you doing. Bitawan mo nga ko!" Sabi niya. Pero hinayaan niya lang akong yakapin siya.
"i Like you!" nasabi ko na lang out of the blue at Ngiting-ngiti sa gwapong multong kaharap ko.
His jaw clenched. Kita rin ang gulat sa kanyang mata but it seems like its just nothing to him "W--what? You like.. you liked me? Well, hindi naman nakakapagtaka yun. I saw this coming. Magkaron ka ba naman ng ganitong muka? Pati nga tong pusa nagkakagusto na rin sakin HAHA kaya okay lang yun Gabriella, pero ayuko talaga sa mga flat eh ang baba mo pa kaya sorry ah HAHAHA"
Ang yabang! Ang manyak pa! Oo na matangkad ka na, gwapo ka na. Pero hello mataas na kaya yung 5'6 sa babae. Sexy naman ako ah!
"Still, i like you!" Sabi ko.
He stiffened.
"Nakakainis ka naman eh! Tara na nga Pusa."
Kaya heto para kong timang na naglalakad sa corridor ng school namin.
Napalingon ako kay Lily.. kanina pa pala ko pinagmamasdan
"Maganda yata gising ng isang magandang babae jan. I wonder why.." she teased me. "Hmm.. i smell something fishy. Feeling ko may nagaganap na hindi ko alam"
"Wala noh! May sahod na kase" sabi ko
Pinaningkitan niya ko ng mata. she's trying to read mind. "Do you like someone else? Blooming ka eh!"
"Ano ka ba! Wala nga"
Makakasalubong namin si Lysander at ang kanyang team sa basketball. Akala ko lalagpasan niya na kami pero huminto siya sa harapan ko.
"Oh practice ba Lysander?" Tanong ni Lily. Binalingan niya si Lily. "Uh, yes!" Sabi niya at ibinalik ang tingin sakin.
"Gabriella, i just want to ask if you're free later lunch? I want a lunch with you and you know conversations? Im sure papayag naman si Lily, right Lily?"
Napatakip ng bibig si Lily, gulat sa sinabi ni Lysander. I know what she's thinking. Iniisip niya na baka si lysander ang dahilan ng pagngiti ko kanina. Siniko ko siya
"Uh.. y--yes! Of course. Uuwi din naman ako mamayang lunch. At inaalala ko tong si Gabriella, walang kasabay mamaya maglunch"
What the hell?!
"Pumayag ka na Gabriella, para may kasabay ka mamaya" si Lily ulit.
"Don't worry Gabriella its my treat. Kahit san mo gusto wag lang dito sa school" si Lysander
Napatingin ako sa paligid.. agaw pansin naman kase tong si Lysander. Nasa may corridor pa kami.. pinaguusapan na yata kami. Nakita ko din si sophia. Galit na galit siya.
"Uh sige, pero hindi ba magagalit si Sophia hindi ba girlfriend mo siya?"
"Hindi kami.."
Napatingin ako kay Sophia, kitang kita ang sakit sa kanyang mga mata. Lumingon siya sakin agad napalitan ng nagaalab na galit ang kanyang mata.
"So its a yes ah! Susundoin na lang kita mamaya sa room niyo" he said bago ako kami nilagpasan.
Dali dali na rin akong lumakad papunta sa room namin. Ganun din si Lily
"What the hell Gabriella?! Noong isang Linggo si Jacob hinanap ka rin para sabay kayo maglunch. Nong isang araw si Rafael, tapos ngayon si Lysander?" Si liLy. Nasa room na kami ngayon
"Ang gagwapo nun! s**t. Ang haba talaga ng hair mo besprend baka pwedeng pahingi gawin ko lang wig!" Sabi niya ulit. Hyper na hyper
"Actually, maraming nagtetext sakin Lily. Hindi ko lang mareplyan kase hindi ako nagloload"
"Ano?! Akin na nga cellphone mo at loloadan ko. Lovelife na yan. My god Gabriella" Sabi niya. Excited na excited para sakin
"Pero Pano si Sophia? Alam naman natin na gusto niya si Lysander"
"Ano ka ba! Hayaan mo nga lang yung assumera mong pinsan. Ang sabi ni Lysander hindi sila. Ghaaadd! The nerve of that girl! Pinagkalat pa na sila. Basta! Ang importante ngaun may lovelife ka na"
Lovelife agad? Sigurado. Galit na galit yon.
Tinupad nga ni Lysander ang sabi niya. Sinundo niya nga ko.. marami ang napapalingon samin. Alam ng lahat na sila ni Sophia kaya sino naman hindi mapapalingon?
Sikat din kase si Lysander dito. Bukod sa mayaman at gwapo Lolo niya rin ang may ari ng VU ibig sabihin pinsan niya ung Blue. Kaya nga nakakailang ang mga tingin nila.
"Bakit di mo ko nirereplyan Gabriella?"
Nasa isang sikat na resto na kami na kami ngayon "Uh.. kase Lysander hindi ako nagloload kaya hindi ako nakakapagreply sa inyo"
"Sa amin? So madami kaming nagtetext sau? Sige iloload kita mamaya.. pero wag mong irereply sa iba" sabi niya
"Wag na! Hindi rin naman kase ako mahilig makipagtext"
Pero hindi siya pumayag. Wala na rin akong nagawa. Masaya naman si Lysander kausap. Nakakatawa nga rin siya ang dami niyang kwento. Yun nga lang hindi ko gusto ang ipinapahiwartig niya. Well, i know boys like this kahit wala pa kong experience sa pakikipgrelasyon
Pagkatapos namin kumain ihinatid niya ko ulit sa room namin. Andito na naman ang usap usapan tungkol samin
"Thank you for the lunch Lysander"
"Ur welcome.. i hope that it isn't the last. I can still invite you for another lunch, right?"
Hindi ko siya sinagot "Sige na. Baka malate ka" Tumango siya at pumihit na umalis.
I felt relief. "Ano kamusta? Umamin na ba?" Si Lily naman ngayon
Ngumiti lang ako. She giggled iniisip niya sigurong gusto ko si Lysander. Bahala na!
Pagkauwe ka.. nakita ko si Auntie Hilda sa may gate andon din si Sophia. Sigurado sinumbong niya na ako
Nangagalaiti sa galit si Auntie. Pagpasok ko palang kinaladkad niya na ako papuntang sala hawakhawak ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit.
"Walanghiya ka! Napakalandi mo! Ano gumaganti ka saamin sa pamamagitan ng pag-akit kay Lysander? sa boyfriend ng anak ko? O nangngati ka lang talaga kaya mo inaakit si Lysander. Walanghiya ka!"
Sinasabunotan niya pa rin ako "Auntie pls! Tama na po nasasaktan na po ako. Hindi po totoo yan. Di ko po inaakit si lysander. Magkaibigan lang po kami"
"Sinungaling ka!" Lumagapak ang palad ni auntie sa pisnge ko. Ang sakit! Sobrang sakit.
Tumolo na ng tuloyan ang luha ko "Maniwala po kaya auntie" umiiyak na ako.
"Wag kang magsinungaling!!" Sabi niya.. napapikit na lang ako ng kalmotin niya ang braso ko.. napapikit ako sa hapdi. Sigurado akong nasugat yon
"Kung ayaw mong palayasin kita. Layuan mo si Lysander" sabi niya.
"Tama na po maam!" Dinaluhan na kami ni nanay Yna.
"Pagsabihan mo yang alaga mo Yna.. at baka kayong dalawa na ang palayasin ko sa bahay na to!"
Lumapit si Sophia sakin "Alam mo na ngayon ang gagawin? Stay away from Lysander, You b***h!"
Iyak ako ng iyak.. sobrang hapdi ng pisnge ko. Masakit din ang braso ko. Ipinaliwanag ko kay Nanay lahat pati siya naiyak na rin.
Ginamot ni nanay ang mga sugat ko. Sabi ni nanay naluluha na rin.
"Umalis na lang kase tayo dito. Hayaan na natin to sa kanila. Mas lalo ka lang nilang sasaktan" sabi ni nanay
"Hindi po pwede! Lalaban po ako. Ipinangako ko po sa sarili ko na kukunin ko lahat ng pinaghirapan nila mama"
Niyakap niya ko ng mahigpit. Ramdam ko ang awa ni nanay sakin.. "Proud na proud ako sayo sa lakas ng loob mo. At alam kong proud din ang mga magulang mo ngayon. Sige sasamahan kita sa laban mo"
Walang tigil ang mga luha ko. Mas lalo lang akong naiyak sa mga sinabi ni nanay
Kaya Magang maga ang mata ko ng gisingin ako nong pusa. alas tres ng madaling araw na. Nagdadalawang isip akong lumabas kase ang panget ko ngayon. Pero lumabas pa rin ako.
"Oh bakit parang galit ka" tumawa ako. Magkasalubong ang kilay niya. He looked so dangerous. Parang anytime soon mananapak siya. Kinain ng hakbang niya ang distansya naming dalawa.Akala ko sasaktan niya ko pero hindi.. naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap sakin.
For the first tym in my entire life. I feel safe! For the first tym naramdaman ko na may isang taong handa akong protektahan. Naramdaman kong hindi ako nagiisa. Naramdaman kong bukod kay nanay may nagaalala pag nasasaktan ako
Ramdam ko ang galit niya pero mas ramdam ko ang pag aalala niya. Pumatak ng sunod sunod ang mga luha ko.
"Im sorry! Im sorry dahil wala ako para protektahan ka. Im sorry wala akong nagawa nong nasasaktan ka. Im sorry wala ako para ipagtanggol ka. Im sorry wala! Im sorry Gabriella. Im sorry, im really really sorry"
--