KABANATA 8

1194 Words
Pano kung.. Hindi pa rin ako makapaniwala. May multong sumusundo sakin? Like what the f?! Is this really happening? "Sinusundo mo ako?" Ulit ko sa sinabi niya. Pakshet! Ang gwapo nito. Magkasalubong na nga kilay mo oh. Bakit ang gwapo mo pa rin. Kingina naman oh! My heart beats wildly. "Tss.." Lumingon lingon ako. "Asan kotse mo? Anong sasakyan mo" Oh-oh! Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Wala akong sasakyan! Gusto mong magpahatid don? Im sure may sasakyan yon. Ano papahatid ka?" Sarcastic isang to! Hmm "Joke lang!" Sabi ko. Galit na galit siya tas eto naman ako di magkamayaw sa saya. "Wala akong sasakyan Gabriella, pero kaya kitang ihatid sa inyo sa isang iglap lang!" Natawa ako.. HAHA multong may kapangyarihan? Seryuso? Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa tv ko lang to napapanood tas eto nangyayari na sakin. "HAHAHA sige nga!" Hamon ko. "Tss.. use your phone stupid! Kung ayaw mong mapagkamalang baliw dito" Oo nga pala. Di nila nakikita tong gwapong multo na to. Kinuha ko cellphone ko at nagkunwareng may kausap. Papara na ko ng tricycle ng ibinaba niya kamay ko. "Maglalakad tayo!" Supladong sabi niya. "Pero malayo yon!" "Tss.." naglakad na siya at iniwan akong nakatayo parin doon. Ano bang nangyayari sayo? Haayy. "Teka nga! Galit ka ba?" Sabi ko. Nasa tenga na ngayon ang cellphone. "Hindi!" "Nagseselos ka?" "Why would i be?" Sasagot na sana ko ng may tumigil na sasakyan sa may tapat namin. "Gab.. hop in!" Shit! Bakit ba ngayon kayo nagsisilabasan? Si Rafael naman ngayon. Nilingon ko si Blue. Nakatitig na siya ngayon kay Rafael. "Maglalakad ka? Tara sabay ka na" si Rafael ulit. Hindi ako sumagot. Nilingon ko ulit si Blue.. Tumingala siya at may pinipigilan sa sistema niya na kung ano. Tumingin din siya sakin.. umigting ang kanyang panga. "What?" Sabi niya. Nilingon ko naman ngayon si Rafael. "Uh kase.." Naglakad na si Blue. Iniwan niya ko habang kausap ko pa si Rafael. "Huwag na Raf! Maraming salamat pero may dadaanan pa ko" sigaw ko sa kanya. Tumatakbo na kase ako ngayon palayo sa kanya. Kinuha ko ulit yung cellphone ko at itinapat sa tainga. "Bakit mo ko iniiwan? Akala ko ba sinusundo mo ko?" Mabilis ang lakad ko para maabotan ko siya. "You like talking to him huh?" Sarkastiko niyang sabi. "You want me to be rude? Ano di ko siya papansinin?" "Kung ayaw mo siyang kausap dapat sinabi mo kaagad na ayaw mo!" Sabi niya. "Bakit ka galit? Selos ka" "Of course not!" Sabi niya at naglakad na siya ulit Umuwi na lang kami.. naglilinis na ko at lahat lahat galit pa rin siya. Naghuhugas na ko ngayon pinggan.. konti na lang talaga makakabasag na ko. Pano ba naman kase nakatitig lang siya sakin habang naghuhugas, nakahilig siya sa may pinto at pinagmamasdan ako. Sobrang nacoconscious na ko. Kingina! "Buti naman at natauhan si Lysander. Siguro ginamit ka lang niya para magselos ako. Pupunta siya rito para makita ako ta magpakilala kay mama" sabi ni Sophia. Hindi ko alam kung kukuha talaga siya ng tubig o sasabihin niya lang talaga yon. "Siguro narealize niya na masyado siyang high class para sayo. Sinubukan niya lang kung papatol ka at heto ka naman kunware hindi gusto para lalong--" "Manahimik ka nga! At wala akong pakialam sa Lysander mo" sabi ko Lumingon siya sakin at inirapan ako. Sumulyap ako kay Blue, nagkamini heart attack yata ako ng makitang nakatitig pa rin siya sakin, magkasalubong ang kilay at mukang lalong nainis. "Whatever!" Sabi ni Sophia at padabog na umalis sa kusina. "Tss.. really? Wala kang pakialam?" Sa wakas nagsalita din siya Hindi ko siya sinagot. Bahala ka jan sa buhay mo Pagkatapos ko maghugas dumiretso ako sa kwarto. Wala pa doon si nanay siguro pinatawag na naman ni Auntie. Nakasunod pa rin sakin si Blue "uhh.. pati ba sa kwarto susunod ka? Magbibihis ako" sabi ko. Huminto siya "I'll just wait here" sabi niya Pagkasabi niya non ay agad na akong pumasok. Nagbihis ako at pinili ko talaga yung pinakamaganda kong damit. Nagpabango pa ko at naglagay ng konting lipstick "May lakad ka?" Agad kong binitawan ang lipstick at tinakpan ang labi. Humarap ako kay nanay at medyo nahiya sa itsura. "Ayos na ayos ka yata. San punta mo? Alas 10 na ah" "Uhh.. kase.. uhh.. project po. Kailangan kong ivideo sarili ko. Kaya medyo nagayos naman po ako. Magtutula po ako kelangan i-video." Tumango sa nanay mukang naniwala naman "Dito mo gagawin?" Tanong niya "Ay Hindi pa! Sa labas na lang. Lalabas na po ako" sabi ko at agad ng lumabas. Shit! Andami ko ng kasinungalingan. Pagsarado ko ng pinto medyo guminhawa pakiramdam ko. Feeling ko kase madadagdagan lang pagsisinungaling ko kung mananatili pa ko don. But.. wrong move! Domoble pa yata ang kaba ko ng pagtalikod ko sa pintuan mga mata ni Blue ang unang nakita ko. Nakatitig na siya sakin ngayon, taas.. pababa. Umiwas siya ng tingin at alam ko.. pinipigilan niya ang pagtawa niya. Pinanatili niya pa rin ang galit na ekspresyon sa kanyang muka. Nakapulang sleeveless dress ako at flat shoes. Medyo maikisi yong dress ko. "San punta mo?" "Anong pake mo? Ganito naman talaga ko magbihis ah" "Tss!" Nasa rooftop na kami pagmulat ko.. medyo awkward nga kase di kami nagpapansinan alas diyes y'media na. "Uhh.. pwede ka naman palang magpakita ng umaga bakit alas tres ka pa ng madaling araw nagpapakita?" Tanong ko. Muka kaseng wala siyang balak magsalita "Hindi ako pwedeng lumabas. Napilitang lang ako" Napilitan? Bakit sino bang pumilit sayo. "Dahil Hindi ko gusto mga nakikita ko" sabi niya ulit. Alin? Huminga ako ng malalim baka sakaling mabawasan yung kabang nararamdaman ko ngayon "Bakit ano bang hindi mo gusto sa nakikita mo?" Hindi niya ko sinagot.. magkasalubong na nmn ang kilay niya. At naiinis na naman siya "Galit ka pa ba?" Tanong ko ulit "Hindi" finally sumagot na. "Eh bakit ka ganyan?" Hindi siya ulit sumagot. "I thought you like me." Ow! Hindi ako handa sa sinabi niya ah. "Sinungaling ka pala" malamig niyang usal. Biglang parang nagwala ang sistema ko. Bakit pakiramdam ko talaga nagseselos siya? "Hindi! gusto talaga kita! Ikaw ang gusto ko" "Kung gusto mo ko dapat hindi ka pumayag na ligawan ng Jacob na yon!" Sabi niya this time iritado na talaga siya "Akala ko ba magkaiba ang gusto sa mahal? Bakit parang--" "Still, isa lang dapat ang gusto mo!" He cut me off. "Nagseselos ka? Gusto mo na rin ako? Hah! Nagseselos ka nga" tugon ko. Humarap siya sakin bigla.. bakas pa rin ang inis sa mga mata niya. Yumuko siya.. napaatras ako dahil isang maling galaw lang magkakahalikan na kami. "So what if i am?" Naghahamon na mga mata ang ipinakita niya. Shet! My gulay! My legs are trembling. Mukang anytime soon aatakihin ako sa mga sinasabi niya. Di ba siya aware na kinikilig ako? "What if i am? Anong gagawin mo?" Hindi ako makapagsalita. Natatakot ako na baka marinig na nya ang t***k ng puso ko. Bakit ganun? Bakit ganito ang epekto niya sakin? Samantalang siya parang wala lang. "Galit ako! Oo.. galit na galit ako. Pano kung oo gusto nga kita at nagseselos nga ako? Anong gagawin mo?" --  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD