Sinusundo kita
Nagpromise sila mama at papa noon na di nila ko iiwan. Pero iniwan nila ko, lahat ng kaibigan ko non nangako din na di ako iiwan. Pero nong bumagsak ako. Iniwan din nila ko.
The man in front of me promised to me too. Promised to stay, promised to be with me. I want him to stay too. I want him to be with me too..
All the time.
But i know that is selfishness. Nandito siya para tulongan kong makabalik. Hindi para bantayan ako. Hindi para samahan ako
"Sabi mo tulongan kita?" I turned to him.
"Gab.. what if ayuko ng bumalik sa kung san dapat ako?" Diretso ang tingin niya sakin.
"Bakit naman?"
Seryusong mga mata niya ang iginawad sakin. Then suddenly, he laughed "Kase eto oh! May power ako. Kaya kung pumonta sa kung saan ko gusto HAHAHA"
Akala ko pa naman... hayy
Umirap ako "May naghihintay sayo. Kailangan mong bumalik" medyo inis kong tugon.
"Basta i want to stay. Promise is a promise. Kung babalik man ako sa katawan ko im gonna make sure that I'll find my way back to you"
I smiled. "Gusto mo na ko noh?" I teased him.
"What? Seriously, Gabriella you're asking me that?" He laughed mockingly.
"of course not! Hahaha! I like girls with big butt and--"
I cut him off "Alam mo gwapo ka lang eh pero manyak ka!"
"HAHAHHAHAHAHAHAHA" tawa siya ng tawa. Hawak niya na tiyan niya kakatawa.
Tapos bigla na lang siyang tumigil. Weirdo! "I'll stay Gabriella, even if someday you'll push me away" he said out of the Blue.
I should be damn happy right now. Pero bakit ang sakit ng mga sinasabi niya? Bakit nasasaktan ako?
"Stop thinking, you stupid!"
I smiled at him. "Tuparin mo yang pangako mo"
"Yes, i will"
Sana..
"Magjojoke ako" sabi niya. Nangingiti na.
"ano?"
"JOKE! HAHAHAHHAHAHAHAHAHA" siya lang tumawa sa sarili niyang joke.
"Tumawa ka naman jan! Haha nakakatawa kaya yon haha"
Kaya ayon.. joke lang siya ng joke kahit na siya lang naman ang tumatawa. Nangingiti na lang din ako. He is really refreshing. Makakalimotan mo na lang talaga pinagdadaanan mo pag kasama mo to. Damn! I love... i like him so much!
Kanina pa ko nangingiti habang nililinisan ko tong kusina. Nagaalala na nga si nanay baka daw nababaliw na daw ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero sinabi ko sa kanya na okay lang ako, na sa kabila ng lahat ng nangyayari maswerte pa rin ako. Ngumiti lang siya sakin at niyakap ako.
Kaya pagpasok ko sa VU buo at positibo ulit ako.
"Gabriella, papasok ka na? Hatid na kita" si Lysander na kanina pa pala ko inaantay dito sa may entrance ng VU
"Wag na Lysander. Malapit lang naman ang room ko"
But he insist. Sinasabayan niya pa rin ako maglakad "Lysander kase.. alam kung wala kang masamang intensyon. Gusto mo lang na maging magkaibigan tayo--"
"Hindi lang pagiging kaibigan ang gusto ko sayo Gab. Alam kong alam mo yan"
"Yun na nga eh. Alam mo naman na may gusto sayo si Sophia. Masasaktan yon pag nakikita kang ganito sakin." Nakatingin lang siya sakin. Huminga ako ng malalim "Lysander, wala pa man akong experience sa pakikipagrelasyon pero nararamdaman ko na higit sa pagkakaibigan ang gusto mo. Pero kase Lysander di pa ko handa na magboyfriend"
Tinitigan niya lang ako.. mukang di niya nagustohan sinabi ko "Binabasted mo ba ko Gabriella?" Tanong niya.
"Im sorry Lysander." Sabi ko.
Nanigas siya sa kinatatayuan niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Umalis na ako at iniwan siyang ganun pa rin, hindi makapaniwala. Ayuko kase na makita pa kami ni Sophia.
Tinaasan ako ng kilay ni Sophia pagpasok ko. Panay ang tingin niya sa labas, siguro hinahanap niya si Lysander baka akala niya hinatid ako. Ng nakita niyang wala bumaling ulit siya sakin at inirapan ako.
"b***h!" Di ko narinig. Pero alam ko sa pag galaw palang ng labi niya.
"Bakit late ka?" Tanong ni Lily pagkaupo ko.
"Wala pa naman si sir ah!"
"Andito na, umalis lang para kunin yung attendance niya"
Magsasalita pa sana ko kaya lang dumating ni sir.Alfe
Wala naman kami masyadong ginawa sa school maghapon. Malapit na kase ang final at hinayaan na muna kami ng mga Professor namin para makapagrefresh.
"Bakit ka nga late?" Si Lily. Hindi pa rin nakalimotan yung kanina.
Alas tres na at wala na kaming pasok. Kaya heto at naghahanda na para umuwi
"Tara muna sa foodcourt. Kain tayo!" Sabi niya ulit
"Hindi na. Uuwe na ko.. maglilinis na ko para maaga akong matapos ngayon"
Umikot ang kanyan mata at tumingin sakin "Nakakainis naman! Umalis ka na lang sa bahay niyo at wala kang freedom don. Lumipat ka na sa bahay namin. At kahit anong oras kang umuwi ay ayos lang"
"Alam mong hindi pwede!"
"Whatever! Bakit ka nga late?" Tanong niya ulit.
"Si Lysander."
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. At heto siya hindi rin makapaniwala "What the freaking s**t, Gabriella Ylena! Vasquez yun. Malay mo yun na pala ang makakapagpabago ng buhay mo at makuha na ang kompanya niyo at bahay. Bakit mo binasted?"
"Alam mo naman na di pwede. Gusto yun ni Sophia at--"
"Sophia her a*s! Masyado lang naman feeling yang pinsan mo. Kadiri!" Sabi niya
Hinayaan ko na lang siya sa panghihinyang niya kay Lysander. Malapit na kami sa exit ng bigla namang humarang si Jacob.
"Uuwi ka na Gab? Ihahatid na kita ulit." Sabi niya.
Ilang araw na rin akong hinahatid ni Jacob. Pero hindi ko binibigyan ng malisya yon. Wala lang iyon sakin. Pumapayag na rin ako dahil wala akong kasama pauwi. Iba rin kase ang daan pauwi sa bahay ni Lily. Kaya pumapayag na rin ako sa offer ni jacob total pareho rin naman ang daan namin pauwi
Siniko ako ni Lily. Na pa 0H na naman sya ng bibig "Lily, sige na ako ng bahala kay Gab"
"Ah.. sige iuwe mo to ng matiwasay ha!" Nginitian ako ni Lily at bago kami Lagpasan "Madami kang utang na kwento bruha! Hindi ko alam ang mga to" sabi niya
"Ingat kayo!" Sumakay na siya sa kotse nila at kumaway samin. She smile devilishly.
"Tara Gab!" Sabay hawak sa palapulsohan ko. Hinihila niya na ko palabas.
Napalingon ako sa likod.. nakita ko don si Lysander na malamig ang tingin sakin. Umiwas siya ng tingin! Alam ko galit siya.
"Anong gusto mong pagkain? Kain na muna tayo"
Palabas na kami ngayon ng school ng makita ko si Blue. Nakatingin siya sa kamay namin ni Jacob. Magkasalubong ang kanyang kilay at parang galit na galit.
Nanlaki ang mga mata ko at napahinto ako. Parang biglang na freeze ang boung katawan ko. Kasabay noon ang malakas na pagtibok ng puso ko.
"Okay ka lang? Bat parang nakakita ka ng multo" si Jacob
Tama ka jacob! Nakakita nga ko ng gwapong multo. Pakshet!
Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan masyado ng busy ang utak ko. Parang may kung ano sa sistema ko na hindi ko maintindihan.
"Oo na Jacob!" Sabi ko
"Oo pumapayag ka ng ligawan ko?"
Umigting ang panga ni Blue. Madilim na ang tingin niya. Isang sulyap sa akin at lumakad na siya paalis doon.
"uhh.. Jacob wag mo na pala kong ihatid" sabi ko at binawa ang kamay niyang nakahawak sa palapulsohan ko. Pinigilan niya ko pero wala na siyang nagawa.
Agad na kong tumakbo palabas ng VU. Hinanap ko si Blue at nakita ko siyang nakatayo sa may Shade house sa labas ng school. Wala masyadong tao don dahil puro naman de sasakyan ang estudyante dito. Babaan lang yun at antayan ng mga katulad kong walang sasakyan.
Kinalabit ko siya. Humarap siya sakin.. nanlamig ang boung sistema ko sa pinakitang expression. Pakiramdam ko may napakalaki akong kasalanan at kelangan ko ipaliwanag yun sa kanya. Ewan ko ba! Magkasalubong pa rin ang kilay niya. His cold stare bore into me and his lips is now in a grim line. Umigting din ang kanyang panga.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. For pete's sake alas tres palang ng hapon. Humarap siya sakin
Tinitigan niya ko.Bakas pa rin ang galit sa kanya. Parang kakalas na ang puso ko sa sobrang t***k nito.
"Sinusundo kita!" He said coldly.
--