Blue Simon Vasquez
Tulog na si nanay. Napagod yata sa tawanan namin kanina. Si Lily naman hindi pa rin umuuwi. Aniya uuwi daw siya pag umuwi na rin kami ni nanay.
Si auntie Hilda naman galit na galit na naman. Bakit daw wala kami sa bahay. Pinaliwanag ko naman sa kanya naniwala naman pero wala raw kaming sweldo. Hindi ako pumayag sa una kaya lang sabi niya kung hindi raw ako papayag kelangang daw pagkauwi namin magtrabaho agad kami. Syempre hindi ako pumayag kakagaling lang ni nanay sa Hospital ayukong mangyari ulit yon sa kanya kaya sa ayaw at gusto ko wala kaming sweldo.
"Pssst! Hindi ka pa nagkikwento tungkol sa inyo ni Lysander" Sabi ni Lily. Mahina na ang boses
"Anong ikikwento ko? Wala naman kami nun" sagot ko naman
"Oh papanong napunta yon dito?"
"Nandito yung Blue Vasquez. Dito rin pala sa ospital na to naka admit."
Namilog ang kanyang mga mata "Whatt? Seriously Gab? Nandito?" Sabi niya tumatalon talon na.
"Sshh.. wag ka ngang maingay. Oo nandito daw. Pwede ba! Ang OA mo. Kinikilig ka jan eh hindi naman yun gising" sabi ko hinihinaan ang boses.
"Syempre iba pa rin ung makita natin siya dito" kinikilig na.
Tss.. iba rin talaga tong si Lily eh. "Puntahan natin Gab! Bisitahin natin" sabi niya. Excited na excited. Tumango na lang ako para matigil na
Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa si nanay at Lily. Magluluto sana ako sa bahay para wag na kong bumili. Syempre tipid tau eh! Palabas na ko ng Hospital ng makita ko si Lysander. Palabas din siya.. mukang kakagising lang.
"Hey Gab! Good morning. Saan punta mo?"
Ngumiti ako sa kanya at binati na rin siya "Magluluto sana akong pagkain namin"
"Uuwe ka pa? Sabay ka na lang sakin. Bibili ako ng breakfast namin eh. Andyan kase si Lolo fidel tsaka ung fiancee ni Blue"
Umiling ako sa kanya "Wag na! Wala akong maraming pera noh. Magluluto na lang ako sa bahay"
"Tss! Libre ko. Tara na"
Umiling ulit ako. Madami na kong utang sa kanya "Oh di sige. Utang na lang kung ayaw mo ng libre. Akala ko ba maling tumanggi sa grasya?"
Sabi niya medyo natatawa na. "Eh kaseee.."
Inakbayan niya ko. Naglakad na siya kaya naglakad na rin ako "Sige.. utang to. Pero hindi kita sisingilin. Ikaw bahala kung kelan mo ko gustong bayaran. Wag ka ng umuwi.."
Nginitian ko ulit siya. Hayss hindi lang to gwapo, mabait pa. Kung mas nakilala lang kita. Wapakels siguro ako sa multong yon.
"HAHA wag mo nga kong ngingitian ng ganyan." Sabi niya at umiwas ng tingin.
"Isipin mo na lang.. tulong kaibigan lang to. Hindi kaya kita gusto Haha" natawa na ako. Pati siya natawa na rin
Bumabyahe na kami ngayon papuntang restaurant. Yes! Napilit niya po ako. Magandang alok na din nman kase to.
"Kamusta kayo ni Sophia?"
Nilingon niya ko sandali at balik ulit sa daan ang mga mata niya "I told you, walang kami nong pinsan mo. Ikaw talaga ang gusto ko Gabriella. Ginamit ko lang yon para magkalapit tayo. Yun naman pala hindi kayo nun close. Kaya tinigilan ko na. Hindi naman maganda yun eh.. puno ng kolorote ang muka"
Natawa na naman ako. Parang lagi na lang akong natatawa tuwing kasama ko to "Ang sama mo naman Lysander. You must be happy because someone finally have crush on you"
Natawa din siya sa sinabi ko "Sinasabi mo bang panget ako Gabriella?"
"Hindi ah! Wala akong sinasabing ganun" nagkatinginan kami at sabay natawa.
Pagpasok namin napapasunod ang ulo ng mga kababaihan doon. Nagkakatinginan at naghahagikhikan. Ang gwapo naman po kase ng kasama ko. At ayun dedma lang sa kanya.
"Magkano lahat?"
Five thousand three hundred pesos. Narinig ko yun Whaaatt?! Nakakahiya na. Sobrang mahal ng pagkain dito.
"Fastfood na lang. Mas mura yun kesa dito" i whispered.
He laughed and turn to me "Hindi na pwedeng ibalik to. Okay na to! Tara na"
Sabi niya at hinigit na ko palabas. Hindi talaga siya aware na pinagpapantasyahan sya nung mga babae doon.
Tinatawan niya pa rin ako. Like ano bang nakakatawa doon "Hindi ka ba aware na may mga lalaking humahanga sayo don? Kaya nga inilabas na kita agad eh"
"Ha?"
"Hahaha wala tara na!"
Siya nga tong manhid eh. Andaming chix don pero wapakels talaga siya.
"Wait! Antayin mo lang ako dito. Sasama ko sayo doon"
Siguro dito yung kwarto nong Blue. Binuksan niya yung pinto. Medyo nakita yong nakahigang si Blue Vasquez. Side lang ng muka niya ang nakita ko nasa may gilid kase yung kamang hinihigaan non. Tinitigan ko siya.. naniningkit na nga ang mata ko kakatitig. Mukang gwapo nga siya.. ang tangos ng ilong niya. Hindi ko masyadong nakita pero sa tingin ko makapal ang kilay niya. Medyo nainis pa ko ng tuloyan ng nasarado ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko. Naweirdohan sa biglaang pagbilis ng t***k nito.
"Lets go!" Si Lysander. Kakalabas niya lang.
"Are you okay?" Tanong niya "Bakit bigla kang natulala jan?"
"Wala!" Ngumiti ako sa kanya at naglakad na.
"Kanina pa kita tinatawagan. Akala ko na-trap ka nong auntie mong feeling sosyal" umirap siya. As if nandito si auntie.
"Hindi na ko nagluto. Bumili si Lysander ng agahan natin. Nagkasabay kase kami kaya yon.. libre niya daw eh so"
Napabaling si Lily sa kay Lysander at Pinagtaasan ng kilay. Awkward naman namang ngumiti si Lysander. "Uhh.. Hi"
Ngumiti si Lily at tumungo kay nanay. "Nay, hindi daw boyfriend oh!" Sabi ni Lily
Gising na pala si nanay. Tumawa namang nakakaloko si nanay. "Ayos lang.. basta iho wag na wag mong sasaktan tong si Gabriella dahil kahit matanda na ko kaya pa rin kitang patulogin gamit ang kamao ko"
Natawa kaming lahat.. humakbang na si Lysander patungo kay nanay at nagmano. "Gwapo ba ko nay?" Tanong niya.
At doon na naman nagsimula ang mga kalokohan. Tawanan lang ng tawanan. Ang sarap sa pakiramdam. Marami naman palang bagay na pwedeng magpasaya sakin. Hindi lang siya!
Umalis na si Lysander. Pinatawag kase siya ni President.Vasquez kaya ayon kahit nagkakasiyahan pa umalis na siya.
"Feeling ko talaga kayo nun eh. Kase tingnan mo oh simula nong napunta siya dito. Di na namamaga yang mga mata mo. Diba nay?" Sumangayon naman si nanay sa kanya.
"Okay lang Gabriella. Naku jackpot ka don. Baka un na yung susi sa mga problema mo."
"Oy ang sama mo! Ang bait na nga nung tao satin eh. Magkaibigan lang kami nun"
"Ang sinasabi ko lang nman sagotin mo na kaagad kung nanliligaw. Mega jackpot ka don ang gwapo eh"
Umiling iling na lang ako sa kay Lily. At siya tinawanan lang ako.. at si nanay. Alam ko namang nagbibiro lang siya
Alas dos na ng hapon ng naisipan kong umuwi, maliligo kase ako at kukuha ako ng damit ni nanay. Uuwe na kami mamaya.
Sakto namang papasok si Lysander sa room ni nanay "Oh san ka na naman?"
"uuwe ako saglit. Kukuhanan ko ng damit si nanay naubosan kase eh."
"Sige tara!" Hinila niya na ko.. aapila na sana ko kaya lang hindi naman siya nakikinig
"Dadaanan lang natin saglit yung susi ng kotse ko. Naiwan ko kase doon sa room kanina eh"
Hinila ko na yung kamay kong hawak hawak nya. Syempre hindi ako sasama sa loob. Pero hinila niya pa rin ako hanggang sa nakapasok na kami.
Napalinga linga ako sa paligid. Parang condo unit tong room na to. May refrigirator may lamesa.. at may mga gamit pangbahay na. Sa tingin ko ang aparador doon ay lagyanan ng mga damit. Napahanga ako sa ganda ng room na to. Shets! Ang yaman talga
Napatingin ako sa babaeng hawak hawak ang kamay nung si Blue Vasquez. Pinagmamasdan niya yung fiance niya. Bigla naman siyang Napalingingon sa biglaang pagdating namin.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at kunware may tinitingnan sa kung saan. Pakshit! Ang ganda ng mapapangasawa niton pinsan ni Lysander. Para siyang isang Brazillian model s***h dyosa sa ganda. Kawawa nga lang dahil hindi pa rin okay tong lalaki na to. Sayang!
"Ah Sabrina kukunin ko lang yung susi sa drawer. Naiwan ko eh.."
Binitawn ni Lysander ang kamay ko at tumungo sa drawer. Ganoon din yung babae tumayo din siya dahio hindi mahanap ni Lysander yung susi
At doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para titigan si Blue Vasquez.
--