Refreshing
Kumain kami sa labas ni Lysander. Tatanggi na sana ko kase ayuko ng lumabas pa ng Ospital kaya lang pinilit niya ko.
Medyo magaan na rin ang pakiramdam ko. Marami siyang inoreder na hindi pamilyar sakin, ni hindi ko nga mabasa kung anong pangalan nun. Basta italian Food siya.
At dahil gutom ako naparami ang kain ko. Napatingin ako sa kanya, pinagmamasdan niya pala ko. Naka half smile na.
"S--soorrry. Gutom kase talaga ko!" Sabi ko
"Its okay. Alam mo bang worth it kang kasamang kumain?"
Natutuwa talaga siya sakin.
"Bakit naman?"
"Hindi masasayang inorder ko eh. Hindi luge! Ubos lahat"
Natawa na talaga siya. Medyo nahiya naman ako.
"Grabe ka naman! Gutom lang talaga ko. Tsaka masamang tumanggi sa Grasya."
He lauged loudly. Napatitig ako sa kanya.. the way he laughed, the way he smile. Naaalala ko talaga sa kanya.
"No no! Really, its okay"
Umiwas na lang ako ng tingin at kumain ulit. Tss.. kakalimutan na talaga kita. Kala mo ha!
"Bakit ka nga pala nandoon kanina?" Tanong ko
"Binisita ko lang si Blue"
Napalingon ulit ako sa kanya. s**t! Pano mo makakalimutan yun? Eh pangalan pa nga lang alertong alerto ka na? My god Gabriella!
Then i realized, pinsan niya nga pala yung Blue Vasquez.
"Nandon din siya?"
"Yes! Ikaw anong ginagawa mo don?"
"Sinugod namin ni Lily si Nanay doon. Nawalan kase ng malay"
Tumango siya "Sorry to hear that. Okay na ba siya?"
"Medyo okay na sabi ng doktor kelangan lang daw obserbahan si nanay don ng dalawang araw. Eh yung pinsan mo kamusta?"
Uminom siya bago nagsalita "Hindi pa okay eh. Nagising na siya kaya lang nakatulog ulit hanggang sa hindi na naman siya nagising."
"Talaga? Sana maging okay na siya"
"Thank you. I hope so"
Hindi na ulit kami nagimikan. Nakakailang nga eh "uhh.. sorry nabasted kita" sabi ko. Yun pa talaga napili mong topic Gabriella? Really? Ang awkward na nga eh. Wrong move ka na naman.
"Okay lang. Honestly nagalit ako sayo nung pumayag kang ligawan ni Jacob. At the same time okay na rin kase hindi mo naman pala sinagot"
Ang sama mo din pala. Hayss
"Just kidding. I fully understand now Gabriella. Marami ka ng problema. Kalimotan na natin yun dahil okay lang talaga and beside i can wait"
He smiled at me. He really reminds me of him. Wtf!
"Miss, magkano lahat?" Tanong niya don sa waitress. Binigay naman nong waitress ang bill ng pagkain namin.
Tinignan ko naman yun.. three thousand six hundred fifty. Oh my god! Madami na kong utang.
Napalingon naman ako don sa waitress. Ngiting ngiti siya kay Lysander. Kita ko rin ang pamumula ng kanyang pisnge. For sure nangingisay na to sa kilig.. titig na titig siya kay Lysander habang si Lysander naman kumukuha ng pera sa wallet niya. Aksidenteng nadaanan ako ng tingin nong waitress. Nagulat siya kaya agad na pomormal. Takot!
"Keep the Change" sabi niya don sa waitress. Ni hindi man lang nilingon suplado rin ang isang to.
Four thousand binigay niya don. Magsasalita pa sana ung waitress kaya lang tumayo na siya. "Lets go!" Oh wow! How rude Lysander.
Kaya walang nagawa yung waitress kundi umalis "Thank you sir!" Sabi nito bago umalis
Hindi ko na talaga napigilan natawa na ko. Kumunot ang noo niya at tumingin sakin "Whats funny?" Tanong niya. Nakakunot pa rin ang noo.
"Hindi mo ba alam na may gusto yung waitress sayo? Suplado ka rin eh noh? Nagpapapansin yung babae snob lang sayo" sabi ko natatawa pa rin
"Talaga? Hindi ko napansin. Dapat sinabi mo sakin para napagsabihan kong , oi miss trabaho muna bago landi"
Humagalpak na siya sa tawa. Ang sama mo! Well it runs from the blood huh? Dahil balita ko Suplado at Snob daw din ung Blue. Syempre di naman mapagkakailang gwapo rin tong si Lysander. Sa totoo lang naaalala ko talaga sa kanya yung maultong yon.
Ano ba yan! Multo na naman. Kakalimotan na talaga kita . Bweisit!
Tawa lang ako ng tawa kay Lysander. Andami niya din pala kaseng kalokohan sa buhay. Kaya nga daw ang bilis tumanda ni Mr. Presidnet Vasquez dahil daw sa kanilang magpinsan. Daming kalokohan.
"At alam mo yun! I even pranked Lolo Fidel na nakabuntis na ko. Galit na galit siya sakin. Hahaha pinapalayas niya na ko noon. Panagutan ko daw yung babae. Iharap ko daw sa kanya yung nabuntis ko. Hahahaha kinaumagahan ihinarap ko yung pinsan kong babae. Ayon tawa ako ng tawa! Kase akala niya pinsan ko nabuntis ko"
"What the! Talaga nagawa mo yun kay president?" Sabi ko tawang tawa na rin.
Tumango siya sakin.. madami siyang ikinuwento. Tawa lang kami ng tawa habang pabalik ng ospital hanggang sa namalayan ko na lang nasa ospital na kami.
Pagpasok namin sa loob gising na si nanay. Agad ko siyang dinamba ng yakap. Nakurot pa nga ko ni Lily kase mahina pa daw si nanay.
Napalingon si Lily sa may bandang gilid ko. Napahawak sa bibig.. kunurot niya ko ulit. Oo nga pala nandito si Lysander.
"Pano ba ko.. uhh.. magbebeso ba ko or magmamano na lang?" He whispered to me.
"Mano na lang at hindi uso samin ang beso"
"What is the meaning of this? Si lily na lumapit na pala sakin para itanong to. Natawa ko sa reaksyon niya
Agad lumapit si Lysander kay nanay. At nagmano.. "I bought same fruits and foods po. Para po sa inyo ni lily" sabi niya inilapag niya yun sa maliit na lamesa.
"Sino ka ba? Boyfriend ka Gabriella? Naku! Ikaw ba ang dahilan ng laging pagmaga ng mga mata nito. Alam mo masamang magpaiyak ng babae.. bakit mo laging pinapaiyak--"
Hindi na natapos ni nanay sasabihin niya ng bigla namang magsalita si Lily "Ikaw?! Ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak lage si Gabriella? Halika dito at nangngati ang kamao ko sayo!"
Lumapit sakin si Lysander. Tawa ako ng tawa. Enexplain ko naman sa kanilang hindi. Sa huli naniwala naman. Pero si lola hindi pa rin kumbinsido.
"Nanay.. hindi ko pa talaga siya girlfriend. I am a friend po. Kung ako po nay ang boyfriend niya hindi po yab iiyak sakin. Actually niligawan ko talaga siya kaso binasted ako." Bolero! Pero natatawa siya.
"Eh baka kase hindi nagagwapohan sayo!" Singit naman ni Lily.
"Kay gwapo namang bata ito Gabriella ah!" Si nanay.
"Gwapo naman talaga!" Sabi ko naman. Kaya yun inasar na nila si lysander. Tawanan lang kami ng tawanan..
Napatingin ako kay Lysander. Ang saya saya ko ngayon. Nakalimutan saglit ang mga problema. Tawa lang din siya ng tawa habang binobola na si lola.
He is really refreshing.
--