KABANATA 13

985 Words
Vasquez Ang bigat sa dibdib na madami kang gustong sabihin pero pinipili mo na lang na sarilinin. Natatakot ako na baka pag nagkwento ako walang maniniwala sakin. Iisipin nilang baliw ako. Napaupo ako .. tumigil na ang pagluha ko pero ang sakit ramdam na ramdam ko pa rin. Kanina pa siya nawala pero nandito pa rin ako sa rooftop. Niyakap ko ang tuhod ko.. nilalamig na ko. Ayuko pang bumaba alas 11palang. Ayukong tanongin ako ni nanay kung bakit ako ganito. Kasalanan ko naman talaga. Wala siyang sinabi sakin. Pero umasa pa rin ako. Blue taught me na hindi lahat ng ipinapakita ay totoo. Hindi lahat ng nangako tumotupad. Hindi lahat ng pinaparamdam sayo ay may malisya. Kelangan muna ng assurance, kelangan muna ng label. Kelangan pareho kayo, kelangan nagkakaintindihan kayo. Dahil kung hindi isa sa inyo ang talo, at sa aming dalawa ako ang talo. Masyado akong nagpadala sa pinapakita niya, sa ipinaparandam niya. Sa mga titig niya, sa itsura niya! Damn it! Looks can be deceiving. Really! Falling in love doesn't always mean you need someone to catch you. Sometimes it's just a lesson for you to know how hard for someone to let go Tumabi sakin yung pusa. Umupo din siya. "Bakit ka pa nandito? Bakit di ka na sumama doon sa amo mo?" Umusog pa siya sakin hanggang sa naramdaman ko na ang balahibo niya sa may bandang legs ko. "Meeeeooowww!" Ang lambing talaga nito. Ikinikiskis niya ang malalambot niyang balahibo sa legs ko. Napangiti ako.. meow lang siya ng meow habang ginagawa pa rin yon. Atleast diba? Iniwan niya tong pusa. Dahil kung hindi dalawa silang mamimiss ko. Hindi ako pumasok noon kinaumagahan. Tawag nga ng tawag si Lily. Bakit daw wala pa ako. Sinabi ko na lang na masakit lang ang ulo ko. Kahit na ang totoo ayukong pumasok dahil magang maga ang mga mata ko. Nagaalala din si nanay pero ang sabi ko siguro kinagat lang ng kung anong insekto. Dalawang araw.. dalawang araw na siyang hindi nagpapakita. Dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Dalawang araw na din akong laging wala sa sarili at dalawang araw na din akong binabantayan nong pusa. Naabotan ko pa nga yun isang araw na nasa kama ko. Galit na galit si nanay kase baka daw mangagat. Pero sabi ko alaga ko yun. Kailan kaya ako magiging okay? Kamusta na kaya siya? Masaya na kaya siya? Nasan kaya siya? Sigurado nakabalik na yun sa katawan niya. Hindi na ata ako mauubosan ng problema dahil isang araw bigla na lang isinugod sa ospital si nanay. Wala akong pera.. takot na takot ako. Hindi makahinga ng maayos si nanay. Namumutla siya at wala na siyang malay.. bumuhos ulit ang mga luha ko. Takot na takot ako para kay nanay.. tinawaga ko si Lily at agad naman siyang pumonta dito sa bahay. Alas 8 na ng gabi noon.. wala si auntie wala si Sophia. Wala akong mahingian ng tulong. Lord.. plss! Wag naman. Si nanay na lang natitira sakin. Wala na sila. Wag si nanay! Paulit ulit yun sa isip ko. Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Lily. Sobrang nagpapanic na ko.. "Dalhin natin si nanay sa Private hospital na!" "Pero wala akong pera!" "Iisipin mo pa ba yan? Ako ng bahala! Ang importante madala na siya sa ospital ngayon. Tutulongan kita Gab! Wag kang magaalala" Mabilis na ang pagpatakbo niya ng sasakyan. Pumayag na ko sa gusto niyang mangyari. Bahala na! Pagdating doon.. agad namang inasikaso si nanay. Pinaiwan kami sa labas ni Lily. Nakaupo ako pero hindi ako mapakali. Ang mga luha ko ay hindi rin matigil. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Yakap yakap ako ni Lily ng lumabas ang doctor. Sobra pa rin ang pagaalala ko at takot din at the same time. Natatakot ako sa maaaring marinig ko sa doktor. "Over fatigue ang pasyente. Matanda na siya hindi na siya pwedeng sobrang mapagod. Tumaas din ang blood pressure niya dahilan ng pagkakawan niya ng malay, sa ngayon Kailangan namin siyang obserbahan dito sa ospital ng dalawang araw. Wag kang magalala okay siya. Kailangan niya lang magpahinga" Parang nawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Naiyak ako sa sobrang saya. Pumasok kami kaagad ni lily sa room sa kung saan si nanay. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya "Tinakot mo ko nay, sobra! Magpagaling ka na please" sabi ko. "Kuamin ka na ba? Kanina ko pa naririnig na nagaalburoto yang tiyan mo!" Oo nga pala. Hindi pa ko kumakain alas diyes na ng gabi. Inabot ni lily sakin ang isang libong pera. "Kumain ka don sa baba sige na ako na muna ang bahala kay nanay" Tinanggap ko na rin, nagugutom na talaga ko. Paglabas ko sinilip ko ulit si nanay. May nakakabit na dextros sa kanya.. kitang kita na nahihirapan si nanay. Tumolo na naman ang luha ko. Sinarado ko na lang ang pinto at doon umiyak ng umiyak sa labas. Pinipigilan ko ang paghikbi. Maswerte ako ako kahit papano, dahil may Lily at Nanay Yna ako. Umiiyak pa rin ako ng mapansin ko na may nakatayo sa harapan ko. Titig na titig siya sakin.. biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Agad ko siyang tiningala.. inabot niya sakin ang panyo "Oh panyo! Galit ako sayo.. pero kahit na ganoon ayuko pa rin na makita kang umiiyak" sabi niya Ang kanyang kulay brown na mga mata ay nakatitig sakin. His thin lips is in grim line. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kita ko rin doon na sobrang nagaalala siya sakin.. Umigting din ang kanyang panga ng nakitang hindi ko pa rin tinatanggap ang panyo niya. Lumapit na siya sakin at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko. Damn it! He reminds me of him. "Ssshhh.. Stop crying. Sige ka! Papanget ka niyan" sabi niya ulit. Nginitian niya ko. The man in front of me is Lysander Vasquez. Akala ko si.. hindi pala.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD