KABANATA 12

1550 Words
Done Eight days. Eight days ka ng wala. Nahanap mo na ba katawan mo? Bumalik ka na ba? Bakit di ka nagpaalam? Mga tanong na gustong gusto kong itanong sa kanya. Pero wala eh! Hindi na siya nagpakita. "Oi.. hindi ka talaga okay eh. Alam ko, kilala kita. Hindi ka okay" si Lily. Nasa soccer field kami ngayon, nakaupo. "Okay lang ako!" "Hindi. Auntie mo na naman ba? O yung si Sophia na bruha?" Napangiti ako "Hindi.." "May nanakit ba sayo? May nangiwan? Umaway? Hindi kase ako sanay na ganyan ka." Sabi niya. Huminga ako ng malalim. "Naramdaman mo na ba yung feeling na.. sobrang naattached ka na sa tao na yon. Yung araw araw mong kasama, kausap. Nasanay ka na na lage siyang nandyan tapos biglang nawala. Hindi mo alam kung anong nangyari.. di mo alam kung galit ba sayo. Basta! Something like that." Tinitigan niya ko.. nagtataka "Anong klase hugot yan? May hindi talaga ako alam eh! May boyfriend ka?" "Wala nga eh!" "Eh bakit ganyan mga tanong mo?" Sabi niya nagtataka pa rin. "Mahal mo?" "Ganon ba yon pag mahal mo?" "Hayy naku Gab! You know you're inlove when you can't fall asleep because reality finally better than your dreams. You know you're inlove when you always want to be with him. When you always want to see him, touch him.. and talk to him. Teka nga sino ba yan?" Sabi niya. Magkasalubong ang kilay "Mahal ka ba niyan? Bakit hindi ko alam ang mga yan?" Tanong niya ulit.. hindi ko pa rin siya sinasagot. "Tss.. siya ba dahilan kung bakit ka nagkakaganyan? Gwapo ba yan? Yan ba dahilan kung bakit binasted mo si Lysander at si Jacob? Pati na rin yung isang 4rth year college students?" Hindi na siya makapaniwa. "Sumagot ka nga!" Naiiyak na ko.. kase alam kong kapag sinabi ko sa kanya ang totoo hindi siya maniniwala. Sino ba nmn kaseng maniniwala na nagmamahal ako ng multo? "Hoy Gab! Kung sino man yan lalaking yan gago siya! Kung talagang mahal ka niyan hindi niya hahayaan na nalulungkot ka dahil sa kanya. Hindi niya hahayaan na nagkakaganyan ka dahil sa kanya! Sino ba kase yan at ng mabatokan ko? Siguradohin mong worth it ang pangbabasted mo doon sa mga manliligaw mo. Dahil kung hindi babatokan ko kayong dalawa!" Natawa ko.. tawa ako ng tawa dahil tama si Lily. Kahit na wala siyang sinabi sakin na gusto o mahal niya ko umasa pa rin ako. Umasa ako kase binigyan niya ko ng rason para umasa.. siguro tama si Lily hindi ako mahal nun! Hindi ako importante doon. Tumatawa pa rin ako hanggang sa namalayan kong sunod sunod na ang pagpatak ng luha ko. "W--whaaat? Sorry.. may nasabi ba kong mali? Sorryy.. wag ka ng umiyak. Sino ba kase yan Gab? Nangangati tong kamao ko. Ang kapal nman niyang paiyakin ka" Niyakap niya ko ng mahigpit naluluha pa rin ako "Umamin ba siya sayo? Sinabi niya bang mahal ka niya? Baka nagaassume ka lang?" Assume.. yes baka nga nagassume lang ako. Nine days.. nine days na siyang wala. Kinukumbinse ko na lang ang sarili ko na okay lang. Hindi naman siya importante pero masakit pa rin. Ang sakit pa rin sa puso. Naglilinis.. nagluluto, naghuhugas, naglalaba, at kung ano ano pa ginagawa ko para malibang. Paulit ulit din ang pagbalik ko sa rooftop. Para na nga kong tanga.. pikit mata, didilat, pikit mata, didilat ulit. Laging ganoon baka sakaling pagdilat ko nasa harapan ko na siya pero bigo pa rin ako. Ewan ko isang araw bigla na lang siyang naging importante sakin.. nasanay lang siguro ako na laging may nagpapasaya at nagpapakilig sakin. Temporary lang pala lahat ng iyon. Alas diyes ng gabi.. tapos na ko sa lahat. Naisipan kong pumonta sa rooftop para magpahangin, para magpaantok. Siyempre umaasa pa rin ako na baka nandoon siya. Isang baitang na lang nasa rooftop na ko.. napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng t***k nito.. kase narinig ko siyang tumawa. Narinig ko din yung pusa Patakbo na kong pumonta doon. s**t! Nandoon nga siya.. hinihimas niya yung pusa. Nakatalikod sila sakin. Pinikit ko yung mata ko.. baka niloloko lang ako ng mga mata ko. Pero hindi! Nandoon talaga siya tumatawa.. "Gusto mo yun? HAHA sige.. ingatan mo yon ah." Sabi niya sa pusa patuloy pa rin sa paghimas. "Ang unfair naman kase eh! Bakit ikaw pwede? Bakit ako hindi? Ewan.. basta promise mo ah! Ingatan mo yun" "meeaawwww!" Sumasagot yung pusa.. "Goodboy!" Sabi niya naman. Napaiyak ako sa tuwa.. tinakbo ko na ang distansya naming dalawa. Niyakap ko na siya ng patalikod.. medyo nabigla pa nga yung pusa. Lumayo siya samin. "Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi ka na nagpapakita! Nakakainis ka naman eh! Masyado ka namang nagpapamiss" Hindi siya gumalaw. Hindi rin siya umimik.. tinanggal niya pagkakayakap ko sa kanya. At pinatayo ako para magkaharap kaming dalawa. Ngumiti siya sakin. Pero alam mo yung parang napipitan lang siya ngumiti? Ganon! "Talaga namiss mo ko?" Sabi niya. Tumango ako.. lumuluha pa rin. Pinunasan niya luha ko gamit ang kanyang daliri. "Wag ka ngang umiyak ang panget panget mo" sabi niya pilit pa rin ang tawa. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka pumonta?" Sabi ko Hindi niya ko sinagot. Umiwas siya ng tingin sakin at tumalikod "Gabriella, anong cheese ang di nauubos?" Hindi ko siya sinagot. Ang weird niya ngayon parang kinakabahan ako. Humarap siya ulit sakin "Hindi mo alam? edi cheesemosa!" Inantay kong tumawa siya ng malakas.. pero hindi. Huminga lang siya ng malalim "Im trying to make you smile. But i guess its useless" Ha? "Wag mo na kong aantayin. Wag mo na rin akong hahanapin" Sabi niya. Malamig ang kanyang mga tingin sa akin. Sa sobrang lamig, pati sistema ko nilalamig na rin. "B-bakit? K-kase hindi ka na aalis?" Sabi ko pinipilit pasiglahin ang boses. Ang lamig.. ang lamig ng pakikitungo niya ngayon. "Bakit mo ba ko inaantay? Sinabi ko bang antayin mo ko? Sinabi ko bang hanapin mo ko?" Parang may punyal na tumama sa dibdib ko. Bakit siya ganito? Tumawa ako "hindi! Eh sa gusto ko. Pake mo!" Sabi ko iniisip na biro lang ang mga sinasabi niya. Tumawa rin siya pero nakakainsulto "Sa tingin mo talaga gusto kita? Na mahal kita? Really, Gabriella? Sino ka ba sa tingin mo?" Nabigla ako sa sinabi niya. s**t! Ang sakit. "Bakit ka umaasa sa walang kasiguradohan?" Magkasalubong na ang kilay niya. Umigting din ang kanyang panga. Galit siya! Pumatak na mga luha ko "Umasa ako kase pinaramdam mo sakin na pwede akong umasa!" He laughed mockingly "Really? Yun lang? Sige nga Gabriella sa ilang beses mong pagtanong sakin na kung gusto kita. Sinagot ba kita? Sinabi ko bang oo gusto kita?" Hindi. oo hindi! Hindi niya ko sinagot. "Galit ka? Anong nagawa kong mali?" "Mali na umasa ka sakin.. mali na nagustohan mo ko. Mali na nahulog ka sakin." He paused "Maling mali. Dahil hindi kita masasalo" Sabi niya.. kung nakakamatay lang ang mga salita niya. Siguro nabubulok na ko. Ang sakit! Humihikbi na ko sobrang sakit. "Sige nga Gabriella. Tanongin mo nga ko ulit. gusto ba kita? Mahal ba kita?" Sinusubokan kong basahin ang mga mata niya pero wala akong ibang mabasa kundi pagsisisi, sakit at galit. Nagsisisi niya na nakilala niya ko? Sakit? Sakit para saan? Galit siya sakin? Bakit? Nanginginig na ko sa kakaiyak. Humogot ako ng lakas ng loob para magtanong "Gusto mo ba ko? Mahal mo ba ko?" Hindi. Kitang kita yan sa mga mata niya pero umaasa pa rin ako na oo ang sagot niya kahit na halata namang hindi. "Hindi. hindi kahit kailanman. Hindi kita gusto hindi kita mahal. Kalimotan mo na ko dahil simula ngayon kakalimotan na kita. Wag mo na kong hahanapin dahil simula ngayon ayaw na kitang makita" I coudn't take this anymore. It hurts! It really really hurts. "A-akala ko ba tutulongan pa kita?" s**t! I stuttered "Hindi mo na ko tutulongan!" Malamig niyang pagkakasabi. Hindi ko na kaya nilapitan ko na siya at pinagsusuntok ang dibdib niya "I hate you! I hate you! Sana hindi ka na lang nagpakita! Sana tuloyan ka na lang umalis. sana hindi mo na lang pinaramdam sakin na importante ako. Sana di na lang kita nagustohan, sana di na lang ako nahulog sayo. Sinungaling ka! Sinungaling ka" Pagod na pagod na ako.. sa pagiyak. Sa nararamdaman. Lahat lahat! Akala ko mawawala na ang bigat ng dibdib ko pero dinagdagan niya lang. Mas lalo niya lang akong sinaktan! Pumikit siya ng mariin. Hindi ko alan kung nasasaktan ba siya sa suntok ko o ano. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Wag kang magaalala ito na ang huli. kasalanan mo din naman. Umasa ka kaya nasasaktan ka" Naiinis ako! Naiinis ako kase tama siya. Naiinis ako sa sarili ko! Titig na titig siya mga mata ko ng bitawan niya ang salitang to "Salamat! At sorry. paalam Gabriella." T*ngina! Ang sakit. Ang sakit sakit! "Sige umalis ka! Pagumalis ka sasagotin ko lahat ng manliligaw ko" sabi ko baka sakaling mapigilan siya Nakainsulto ang ngiti niya sakin. Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya "Sagotin mo, sagotin mo kung ganoon. I don't mind. Wala akong pakealam" malamig niyang usal bago tuloyang nawala sa paningin ko. Sinungaling siya! Hindi siya marunong tumopad ng promise. Wala na! Umalis na siya. Its done! We're done! --   -  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD