KABANATA 11

1291 Words
Wala siya "Akala ko ba.. love is a powerful word. You didn't mean it right?" Tanong ko. Gulantang pa rin sa sinabi niya. "Yes! but... just forget about it!" Nagugulohan ako. Ano ba talaga? "In time.. you will know. Wag ngayon dahil hindi pa ko handang-- basta!" "Mahal mo ko? Pero hindi mo ko gusto?" Alam kong maraming beses ko ng sinubukan tong itanong. Umaasa lang na baka isang araw 'oo' na ang isagot niya. he just look at me in the eye and said "Lets just say.. i am not me when im with you. You are the one girl that made me risk everything for a future worth having" He said before leaving me. Hindi niya ko sinagot ng maayos. Pero parang mas higit pa yung sinagot niya kesa sa gusto kong marinig. Kingina talaga! Mapapamura ka na lang. Kasing aliwalas ng mood ko ang VU ngayon. Lahat sila parang excited, lahat sila masaya. Ano kayang meron? "Sana tuloy tuloy na talaga ang pagrecover niya. Excited akong makita siya" rinig ko doon sa dalawang estudyanteng naguusap. Napangisi na lang ako. Sino naman kaya ang tinutukoy nila? Diretso ang lakad ko sa room namin. Pagpasok ko.. mukang pati si Lily masaya din "Guess what?" Sabi niya ngiting ngiti. Mukang nakalimotan na yung tungkol don sa kiss ko. "Ano?" Masigla ko ding tugon. "Gising na si BLUUUUEEEEEE!" Nagulat ako roon. Parang may kung ano sa loob ko na hindi ko maintindihan, i mean masaya naman ako para sa kanya pero bakit iba ang dating ng balitang to sa akin? Ewan ko ba. "Talaga? Mabuti naman kung ganon. Sana tuloy tuloy na yan" "Kaya lang.. tulala lang daw. Hindi pa makapagsalita." May halong lungkot pagkakasabi niya. "Hah? Bakit naman?" Wala talaga akong ibang masabi. Ang sama ko siguro kase.. parang ayaw ko siyang magising. "Pero okay lang. Kase sabi ng doktor normal lang naman daw yon. Himala nga daw kase sa almost three months na coma siya nagising pa siya" masaya na ulit siya. "Wow! For sure lumalaban talaga siya" sabi ko hindi ipinapahalat sa kanya ang kung ano man ang bumabagabag sakin. Ngumiti lang siya sakin. Marami pa siya kinuwento pero hindi na nag si-sync in sakin. "lutang na naman ang isang to! Okay ka lang? Ano tungkol na naman ba to doon sa kiss? Speaking of kiss.. sino ba kase yang hinalikan mo" Nakuha niya ulit ang atensyon ko, nilingon ko siya at nakitang nakataas na ang isang kilay niya. "His name is Blue" i said. Kitang kita ko sa kanya na natatawa siya. "What? Blue Vasquez?" Ngumiti na lang ako sa kanya. At ayun hindi niya na napigilan tumawa na talaga siya "HAHAHAHA i didn't know you were this crazy inlove with Blue Vasquez. Sa bagay sino naman ang hindi maiinlab sa mokong na yon. Labi palang pandigma na. s**t! Kung panong ang gwapo niya pa rin kahit magkasalubong ang kilay. Ang mga mata niya! My god! Iniimagine mo ba yun?" Inirapan ko siya at tinalikuran. Bahala siya sa gustong isipin niya. He kissed me in my cheeks before saying goodbye. Hinatid niya ako sa bahay at mabuti na lang talaga dahil excited akong umuwi. Tumungo ako agad sa kusina kung san madalas niya kong hinihintay.. pero wala siya. Alam mo ung feeling na bigong bigo sa expectation mo? Ganun! Ganun ang nararamdaman ko ngayon Pumasok na lang ako sa kwarto at nagbihis. Naupo ako sa kama.. at ang bigat ng pakiramdam ko. Napatayo na lang ako bigla ng may gumalaw sa tagiliran ko.. parang bigla akong nabuhayan akala ko si Blue pero hindi. Yung puting tuwalya ko lang pala ang nahulog. Lumabas na lang ako.. nilibang ang sarili. Nagluto, naghugas, naglinis. Madalas napapalingon ako sa may bandang pinto ng kusina kase doon siya nakatayo madalas habang pinagmamasdan ako. Pero nabibigo talaga ko kase wala akong naaabotang Blue doon. Naglaba na lang ako ng mga damit namin ni nanay. Pati yung mga damit nila Auntie Hilda at Sophia nilabhan ko na rin. Alas diyes na ng gabi. Dalidali akong tumungo sa kusina, baka nandoon na siya. Pero bumagsak ang dalawang balikat ko ng wala akong naabotang Blue doon. Nalulungkot na ko! Naiinis na ko.. ngayon pa talaga siya nawala kung kelan ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Pero hindi pa rin ako sumuko.. inantay ko siya sa labas ng kwarto. Parang nagkaroon bigla ng pakinabang ang cellphone ko. Inopen ko na lang lahat ng accounts ko.. hanggang sa namalayan ko na lang na alas 12 na. Luminga linga ako.. baka sakaling nandito na. Pero wala pa rin. Hinanap ko rin yung pusa pero wala. Inabot na ko ng alas tres ng madaling araw pero walang Blue na dumating. Makalipas ang tatlong araw. Wala pa rin siya.. ganon lagi ang ginagawa ko. Inaantay ko siyang magpakita. Nililibang ang sarili. Inaantay na magalas tres. Minsan pa nga na umaakyat na ko ng rooftop baka sakaling nauna na siya roon. Pero wala talaga! Tatlong araw! Tatlong araw ng di siya nagpapakita. Parang wala ako lagi sa sarili. Para akong laging zombie na naglalakad sa VU. Miss na miss na kita Blue.. "Ganon pa rin daw si Blue Vasquez.. nakamulat pero hindi nagsasalita. Hayy! Pero atleast nagising na siya diba?" Tumango ako sa kanya. Walang planong makipagkwentohan. Nalulungkot ako! Kingina. Nagaalala na siya sakin.. lage raw akong matamlay. Pero lage kong sinasabi na okay lang ako. Nagaalala pa rin siya, sinisigurado ko na lang sa knya na okay lang ako. Para di niya na ko kulitin. Isang linggo.. isang linggo na ang nakalipas wala pa rin siya. Sobra na! Sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Umiiyak na ako.. Dinagdagan pa ni auntie Hilda ang sama ng loob ko. Isang gabi galit na galit siya sakin dahil sa konting butas ng damit niya. Aniya ako daw ang naglaba kaya siguradong ako ang nakapunit noon. "Alam mo ba kung gaano kamahal to? Kahit buhay mo hindi mo to mababayaran! Wala namang halaga yang buhay mo! Mas mahal pa to sayo!!! Bakit ba ang tanga tanga mo ha? Manang mana ka sa mga magulang mong tanga!" Nanggagalaiti siyang pumasok sa kwarto namin ni nanay. Nanlilisik ang kanyang matang nakatingin sa akin. "Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay ka pa eh! Dapat nasama ka na lang doon sa mga magulang mo" Ang sakit! Ang sakit ng linyang yon. Yung feeling na gustong gusto mong mabuhay tapos may isang tao na gusto ka ng mamatay. Ang sakit! Dahil si Auntie pa. "Ma'am hindi naman na po tama yang mga sinasabi niyo!" "Tumigil ka Yna at kahit ikaw hindi mo mababayaran to!! Kainis! Nakikitira na nga lang! Argghh! Bwisit!" Sabi niya sabay martsa palabas. Parang may punyal na tumama sa puso ko. Ang sakit! Ang sakit sakit. Lalo niya lang dinagdagan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Yakap yakap ako ni nanay habang humahagolgol ako sa iyak.. pati na rin siya naiiyak na. Nasaan ka Blue? Kailangan na kailangan kita. Asan na yung pain reliever ko? Asan na yung nagpapawala ng problema ko. Alas tres na madaling araw.. pumonta ako ng rooftop. Hindi pa rin tumitila ang pagluha ko. Hindi ako makatulog. Nagmadali talaga akong pumonta sa rooftop kase nakita ko yung pusa. Abot abot ang tahip ng dibdib ko.. nandito siya! Miss na miss ko siya. Isang linggo na siyang wala. Aawayin talaga kitang multo ka. Ang sama ng loob ko sayo. Pagakyat ko. I was about to scream.. i was about to hug him. Pero naabotan ko na tanging pusa lang ang naroon. Nanlumo ako.. wala siya! Wala siya roon. At mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Sunod sunod na rin ang pagpatak ng mga luha ko. Walang wala tong sakit na nararamdan ko ngayon kesa sa sakit ng mga sinaba ni auntie. Wala siya! --  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD