Nagtataka man si Tristan ay inalalayan niya pa rin ang kanyang mga kaibigan upang makasampa sa lupa. Iniikot agad ni Harry ang paningin niya sa paligid. Tila hindi maganda ang pakiramdaman niya sa lugar na 'yon. Para hindi makahalata si Tristan na kapwa sila nahihintakutan sa lugar ay hinarot-harot ni Lorenzo si Natalia para ngumiti at ganon din ang ginawa ni Harold kay Isabelle. Samantala, si Alexa at Harry ay panay ang ikot ng mata sa paligid habang naglalakad sila. Nakasunod lang silang lahat sila kay Tristan habang tahimik rin na naglalakad.
“Papa Tristan, malayo pa ba tayo?” ani ni Isabelle na tila napapagod na sa kalalakad. Mag-iisang oras na kasi silang naglalakad ngunit hindi pa rin sila nakakarating.
“Malapit na. Pagpasensyahan niyo na lang ‘tong lugar namin ha, medyo malayo talaga sa kabihasnan,” sagot naman ni Tristan at ngumiti ulit.
“Okay lang, papa Tristan,” at lumapit ito kay Tristan saka niyapos ang braso nito. “Ang tigas naman,” malanding tugon niya at inamoy-amoy ang braso ni Tristan.
Napakamot na lang sa ulo si Tristan at nginitian siyang pagkatamis-tamis. Kaya lalong kinilig si Isabelle at nagtititili saka kinurot ang gwapong pisngi ni Tristan.
Napailing naman si Harold sa ginagawa nito kay Tristan. Pero si Harry at Lorenzo ay nagmamasid lang. Maya-maya ay pumasok sila sa napakalaking gate na gawa sa kawayan.
“Nandito na tayo,” ani ni Tristan habang nakaharap sa kanyang mga kaibigan. Pagpasok pa lang nila ay nagtaka na sila kung bakit ang tatalim ng tingin sa kanila ng mga tao. Sinalubong agad sila ng isang lalaking may edad na sa tantya nila ay singkwenta na at isang napakagandang dalaga na mahaba ang buhok at pilit silang nginitian. Natulala naman si Harry sa babaeng kaharap. Hindi ito makapaniwala na may ganoong kagandang babae sa lugar na ’yon.
“Tamang-tama lang ang dating niyo,” anas ng lalaking dumating. “Halina kayo sa bahay nang makapagpahinga at makakain na rin kayo. Alam ko napagod kayo sa layo ng nilakad niyo," dagdag pa nito saka tumalikod na may hilaw na ngiti.
Sumunod silang lahat sa lalaki habang si Isabelle ay todo kapit kay Tristan at gan'on din si Natalia na nakapulupot ang kamay sa braso ni Lorenzo. Samantalang naiwan naman ang babaeng maganda at si Harry.
“Hindi na dapat kayo pumunta dito,” salubong ang kilay nito habang nanlilisik pa ang mata.
Nagtaka naman si Harry sa sinabi ng babae. Magtatanong pa sana ito ng sumigaw si Tristan.
“Casandra, ano pa ang ginagawa mo diyan? Halika na at ipaghanda mo muna sila ng maiinom." Kaya dali-dali itong umalis at naiwan si Harry na may pagtataka sa mga nangyayari.
“Lets go, Harry," sambit nito kaya napilitan ng humakbang si Harry pasunod sa kanila.
Pagdating nila sa bahay nila Tristan ay pormal ng nagpakilala ang lalaking kausap nila kanina. Si Apo, ang kanilang pinuno. Nagpakilala rin sa kanila si Casandra, ang kapatid ni Tristan. Pero tila hindi nagugustuhan ni Casandra na nandoon sila sa kanilang bayan. Dahil tahimik lang ito at kita sa kanyang mga mata ang lungkot na nararamdaman. Napansin naman ito ni Alexa habang naghuhugas ito ng plato kaya tumayo ito at nilapitan nito si Casandra.
“Hi! Ako nga pala si Alexa. Gusto mo tulungan na kita diyan?” aniya habang nakatalikod ito sa kanya at salubong pa rin ang kilay nito.
Ngunit patuloy lang ito sa kanyang ginagawa at hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kaya tumalikod na lang si Alexa para bumalik na sana sa mga kasamahan nito na nakikipag kwentuhan kay Apo at Tristan. Ngunit bigla na lang ito hinila ni Casandra palabas ng kanilang kubo nang hindi napapansin ni Apo at Tristan.
“Hindi na dapat kayo pumunta dito!” aniya na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa kanila habang seryoso itong nakatitig sa kanya.
“Pero, bakit?” pagtatakang tanong nito.
“Da--" magsasalita pa sana si Casandra nang may biglang nagsalita sa kanilang likuran.
“Nandito ka lang pala, Alexa!” basag sa kanila ni Harry. Nakita kasi nito na hinila ni Casandra palabas ng kubo si Alexa kaya sinundan niya ito.
“Oo, Harry. May sasabihin kasi si Casandra,” nakangiting anas nito kay Harry.
“Wala! Wala akong sasabihin pumasok na kayo malapit na mag-gabi mapanganib sa labas,” madiing sabi nito sa dalawa kaya nagtataka na sila kung ano ba talaga ang meron sa lugar na pinuntahan nila.
Kaya bumalik na sila sa loob ng kubo at si Casandra naman pumasok sa kanyang silid. Sinundan naman ito ni Tristan sa loob. Hinawakan nito sa braso si Casandra ng mahigpit habang nanlilisik ang mata nito.
“Aray, nasasaktan ako kuya!” ani nito habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Tristan. Tumulo na rin ang luha nito.
“Binabalaan kita Casandra! 'Wag na 'wag mong sisirain ang plano ko! Nakasalalay dito ang nalalapit kong pamumuno sa’ting nayon!” at ibinalibag nito si Casandra sa kanyang kama. “Kapag nasira ang plano ko hindi kita mapapatawad tandaan mo’yan!” dagdag pa nito.
“Maawa ka sa kanila, kuya! Hindi ba mga kaibigan mo sila?” pagsusumamo nito habang sapo-sapo nito ang braso na nananakit dahil sa ginawa sa kanya ni Tristan.
“Hindi ko sila kaibigan!” madiing bulyaw nito habang nanlilisik at namumula na ang mga mata nito.
Nanlaki naman ang mata ni Casandra sa nakitang reaksyon ng kanyang kuya. Ngayon niya lang nakita ang ganoong mukha.
“P-pero, kuya!”
“Tama na!” bulyaw ulit nito at tumalikod na saka pabalibag ang pinto nitong isinara.
Naiwan naman si Casandra na nakaupo habang nakasubsob ang kanyang kamay sa mukha at napahagulhol ng iyak.
Pagkatapos maghapunan ng magbabarkada ay sinamahan na sila ni Tristan sa kanilang silid para magpahinga. Bukas gagawin ang celebration para sa pagiging pinuno ni Tristan sa kanilang nayon. At para mangyari iyon kinakailangan nito ng alay sa para sa kanilang tribo. Para na rin makuha nito ang buong katapatan ng kanyang tribo. Kaya naisip nito na kumbidahin ang kanyang mga dating kaibigan upang sila ang gawing alay nito.
Walang kaalam-alam ang magbabarkada na impyerno ang kanilang lugar na pinasok. Isang tribo ng aswang ang kanilang pinasok na pinamumunuan ni Apo Pedreng, ang kanilang Ama. May edad na si Apo Pedreng at kailangan na nitong bumaba sa pagkapinuno kaya naisip na nito na si Tristan na nga ang pumalit sa kanya. Ngunit marami sa kanilang tribo ang tumutol sa pamumuno ni Tristan dahil bata pa daw ito. Kaya sinabi ng kanyang mga kasamahan na kung may mai-aalay siyang tao para sa kanila ay papayag na silang maging pinuno ng kanilang tribo.