Natutulog na ang mga kaibigan ni Harry ngunit siya ay hindi pa rin makatulog. Nakikiramdam lamang ito sa paligid dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam nito sa lugar. Naisip nitong bumangon para uminom ng tubig. Pero may napansin ito babae na nakaupo sa labas kaya tinitigan niya ito ng mabuti upang makunperma kung sino ang babae nasa labas.
“Casandra?” bulong nito sa sarili. Kaya dahan-dagan nito ibinaba ang baso at tinungo ang kinaruruunan ng dalaga.
Tumuhikhim muna ito bago nagsalita.
“Malalim na ang gabi ha. Bakit nasa labas ka pa?” nakangiting anito nito sa dalaga.
“Hindi na dapat kayo pumunta dito!” bangit niya ulit sa binata.
Dala ng pagtataka kaya naupo ito sa tabi ng dalaga habang seryoso ang mukha nito.
“Casandra, anu ba talaga ang meron dito sa lugar niyo? Sabihin mo sa’kin ang totoo! Pakiusap!” at hinawakan nito si Casandra sa kanyang balikat saka kunot noong tinitigan.
Umiwas naman ng tingin si Casandra sa kanya habang pinipigilan ang luha na kanina pa gusto bumagsak. Kitang-kita sa mata nito ang lungkot na nararamdaman.
“Casandra, pakiusap!” muling anas nito sa dalaga.
Nabasag ang kanilang pag-uusap nang makarinig sila ng malalakas na alulong. Kaya biglang nanlaki ang mata ni Casandra at dali-dali nitong hinila ang kamay ni Harry papasok sa loob at sinarado ang pinto. Nakaramdam naman ng kilabot si Harry sa narinig mula sa labas. Mag sasalita pa sana ito ngunit tinakpan ni Casandra ang kanyang bibig. At bumulong ito sa kanya.
“Wag kang maingay kung gusto niyo pang mabuhay?”
Kaya nahintakutan si Harry sa sinabi ng dalaga. Ngayon lang nito napagtanto kung anong klaseng lugar ang pinasok nila.
“Pumasok kana sa silid niyo may nilagay ako don para hindi sila makapasok sa loob.” Kailangan niyong umabot hanggang umaga para tahimik kayong makalabas ng aming nayon.”
“Panu ka?” anito ng binata sa kanya.
“Wag kang mag-alala hindi nila ako mapapansin! Sege na!” pagtataboy nito sa binata.
Kaya binuksan na nito ang siradura ng pinto para pumasok. Tatalikod na sana si Casandra ng tanungin niya ito.
“Katulad ka rin ba nila?” nakayukong anito nito habang umaasa na sana hindi nila katulad si Casandra.
“Hindi ako katulad nila. Tao ang aking ina siguro sa kanya ako nagmana,” nakangiting sabi nito sa kanya. Pero mababakasan pa rin sa mukha nito ang pag-aalala para sa kanila.
Nabuhayan naman si Harry sa sinabi ng dalaga kaya nabuo sa utak nito na itatakas niya mula sa lugar na ‘yon ang dalaga. Pagkapasok nito sa loob ay gising na ang kanyang mga kaibigan dahil sa narinig na malalakas na alulong galing sa labas. Kaya nagumpukan ang mga ito at nagyakapan. Sinalubong agad ito ng yakap ni Isabelle. Magsasalita sana ito ngunit tinakpan ni Harry ang bibig ito upang hindi makalikha ng ingay. Hindi dapat makahalata ang mga aswang na alam na nila kung sino sila.
Sumapit ang umaga na hindi sila nagalaw ng mga aswang kaya malaki ang pasasalamat ni Harry kay Casandra. Samantalang galit na galit naman ang buong tribo kay Tristan dahil hindi nila napasok ang silid ng mga bisita. Alam na rin ni Tristan na tinulungan ni Casandra ang mga kaibigan niya upang hindi sa makapasok. Kaya galit na galit rin nitong pinuntahan si Casandra at sinampal.
“Diba sabi ko sayo, wag kang makikialam?!” bulyaw pa nito sa kapatid. Habang sinasapo pa nito ang sampal na kuwala galing sa kanya.
“Maawa ka sa kanila kuya! Mga kaibigan mo sila!” sumamo nito kay Trista at hinawakan niya ito sa kamay.
Pero lalong nagalit si Tristan sa kanya. Sasampalin pa ulit sana nito si Casandra ng may biglang pumigil sa kanya.
“Tama na yan!” sigaw galing sa kanilang Ama na si Apo Pedring. “Kunin niyo si Casandra at ikulong sa tambakan,” utos nito sa kanyang mga tauhan na aswang rin.
“P-pero, Ama!” protesta nito. Ngunit hindi ito pinansin ng kanyang ama at sapilitan itong hinila ng mga tauhan ng kanyang ama at ikinulong sa bodega. Tanging hagulhol na lang ang maririnig mo galing sa kanya.
Pupuntahan sana ni Harry si Casandra para kausapin ngunit natigilan ito ng may marinig na tila umiiyak na babae at may sumisigaw na lalaki kaya kaagad itong nagkubli sa malaking puno. Nasaksihan nito kung paano saktan ni Tristan si Casandra kaya naawa ito sa dalaga. Hindi rin nakaligtas sa paningin nito ng kaladkarin nila si Casandra kaya palihim itong sumunod sa kanila. Nakita nito na ikinulong si Casandra sa isang tambakan. Pagkaalis ng bantay ay kaagad nitong pinuntahan si Casandra.
“Casandra!” mahinang tinig na tawag nito kay sa dalaga kaya tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ni Casandra at hinalikan.
“Anong ginagawa mo dito?” anas nito sa binata at tumulo na ang luha nito. “Nasaan ang mga kaibigan mo? Umalis na kayo habang may oras pa. Natutulog pa ang ibang aswang kaya hindi nila kayo mapapansin,” umiiyak nitong aniya.
Niyakap nito si Casandra habang nasa pagitan nila ang rehas na gawa sa kahoy.
“Hindi kita iiwan dito,” kasabay ang paghalik nito sa noo. Tumingin-tingin ito sa paligid kung meron pwedeng ipamputol sa malaking kadina na nakagapos sa pintuan. Nahagip ng mata nito ang maliit na piko kaya kaagad nitong dinampot ‘yon at ipinangputol rito. Nagtagumpay naman itong putulin kaya kaagad nitong binuksan ang pinto at tinugunan ulit ng yakap ang dalaga.
“Umalis na tayo dito Casandra!” kaya hinila na nito ang kamay ng dalaga at pinuntahan ang mga kaibigan na kanina pa naghihintay sa kanya.
“Umalis na tayo dito!” natatarantang anas ni Harry sa mga kasamahan. Ngunit nakatingin lang ito sa kanya dahil hawak nito ang kamay ni Casandra.
“H-Harry! Kasama ba natin siya? D-diba katulad rin sila ng babaeng yan?” maypagtatakang tanong ni Alexis.
“Mamaya ko na ipapaliwanag! Tara na!” bulyaw nito sa mga kasama na ikinataranta nila.
“Doon tayo dumaan sa likod! Maraming bantay sa main gate,” aniya ni Casandra kaya sumunod sila dito.
Wala silang kaalam-alam na may mga mata na kanina pa nakamasid sa kanila at palihim silang sinundan. Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad ng harangin sila ni Tristan.
“Akala niyo ba makakaalis kayo dito ng ganon-ganon lang?” nanlilisik ang mga mata nito at nakuyom ang mga kamao.
Kapwa lahat sila nagulat sa paglitaw ni Tristan sa harapan nila. Napatili naman si Isabelle at Natalia sa pagkabigla. Nanginginig naman sina Harold at Lorenzo dahil sa takot na nararamdaman. Ngunit iniharang ni Harry ang kanyang mga kamay.
“Wag mo silang sasaktan Tristan! Pabayaan muna kami!” protesta nito sa kaibigan na lumalabas na ang matatalim nitong pangil.
“Kuya! Pabayaan muna sila!” pagmamakaawa din ni Casandra sa kapatid.
Dahil sa paglabas ng pangil ni Tristan ay natakot sina Nahalia at Isabelle kaya kanya-kanya itong nagsitakbuhan habang nagsisigaw. Sumunod naman si Harold at si Lorenzo kaya naiwan si Alexis at si Casandra saka Harry.
Sa kasamaang palad ay nahuli nila ang mga kaibigan ni Harry at sabay-sabay nilang kinain. Sinugod naman ni Tristan si Harry at nagpambuno silang dalawa. Tumulong din si Casandra at Alexis kay Harry isinukbit sa leeg ni Tristan ang ginawa nilang bawang na kwentas kaya natigilan si Tristan at nag sisisigaw sa hapdi dahil napapaso ang leeg nito gawa ng bawang. Nagkaroon sila ng pagkakataon na makatakas. Naabot nila ang pampang at nandoon pa ang maliit na bangka na sinakyan nila kaya dali-dali silang sumakay. Matagumpay silang nakarating sa kabilang pampang kaya kaagad silang sumakay sa kanilang sasakyan at iniwan ang lugar.
“Kung nakinig lang sana tayo sa babala ng matanda sana buhay pa rin sila.” Lumuluhang anas ni Harry habang nagmamaneho.
Panay din ang hagulhol ng iyak ni Alexa dahil sa sinapit nila.
Makalipas ang dalawang taon ay nagpakasal na si Casandra at Harry. Hindi nagtagal ay nagkaroon na sila ng isang malusog na supling.
“Hon, papasok na muna ako sa opisina ha,” paalam nito kay Casandra at humalik sa labi ng asawa. “Mag wo-work muna si daddy baby ha!” paalam din nito sa anak at hinalikan niya rin ito sa pisnge. Kaya tumawa rin ang bata na halatang nasiyahan din sa paghalik ng kanyang daddy.
Masaya at tahimik silang namuhay simula ng mangyari sa kanila ang minsan naging bangungot ng kanilang buhay. Si Tristan naman hindi na sila sinundan at natuloy pa rin ang pamumuno nito sa kanilang tribo at si Alexis naman ay tahimik na rin na namumuhay sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.
THE END