Nakatayo si Ocean sa b****a ng pinto ni Jeffrey, hinihintay ang pagbabalik ni Leonardo. Tatlong araw na ang nakalilipas simula ng araw na pagsugod nila sa grupo ng Mutawi. She’s been anxious about him and she can’t stop worrying hanggat hindi niya pa ito nakikita. “Ma’am, baka mamaya pa po sila darating. Pasok na muna po kayo sa loob baka mapagod kayo kakatayo,” ani ni Manang Klarisa. Maging sila ay masaya rin at naghihintay sa pagbabalik ng kasintahan ng dalaga. Nakita kasi nila ang pagmamahalan nito kahit hindi nila ito gaanong kilala. “Salamat. Papasok din ako mamaya kapag wala pa sila,” tugon ni Ocean at ngumiti dito. Nilagay niya ang kanang kamay sa dibdib dahil kanina pa ito tumitibok ng mabilis. Hindi niya alam kung sa excitement o nerbyos. Ilang sandali pa bago niya napagdesisyu

