Chapter 56: Potara and Blood. Sa kalagitnaan ng mainit na tanghali, sa loob ng bahay niya ay taimtim na binabasa ni Rain Goodman ang pangalan ng mga Adventurer na nasa listahan. May ilang butil pa ng mga pawis sa noo niya ang hindi napupunasan, kakarating niya lang kasi rito galing sa gusali ng Adventurer's Guild dahil sa kinuhang listahan. Siya ang may hawak sa pang limampung posisyon kaya natural lang na kabilang siya rito. Wala naman na siyang iba pang balak gawin sa listahan, sa totoo lang ay kabisado niya pa rin ang mga pangalan nila na nalaman niya sa World of Fantasy. Nais niya lang talagang makasiguro na walang nabago sa tatlong pinakamalakas na Adventurer. "Mabuti naman at wala pa ring nabago sa kanilang ranggo sa listahan. Hawak pa rin ni Andre ang unang posisyon, gayon din ang

