Chapter 57: The Land of Death! Binigyan na ni Village Head Magnus ng permiso ang mga Adventurer na maaari na nilang simulan ang laban. Hindi niya na sila binigyan ng suhestiyon kung anong paraan ang mabuting gamitin para manalo sa labang ito. Para sa kaniya at ng dalawa pang Elder ay isa itong uri ng pagsasanay na kailangan lagpasan upang matuto ang mga Adventurer na wala pang masiyadong karanasan. Ang lima sa pinakamalakas na Adventurer sa listahan ay may mga sapat ng abilidad na mabuhay ng walang kahirap-hirap sa madugong laban. Bawat isa sa kanila ay pumili ng magkakaibang direksyon papasok sa Blood Forest, ang kanilang plano ay harapang kukuhanin ang mga medalya ng kahit na sinong kalaban na makikita nila. Simpleng estratehiya pero sa kanilang taglay na antas ng lakas ay wala nang m

