Chapter 58: First Medal! "Unang tingin niya pa lang sa paligid ay natuklasan niya agad na may mas malalim pang problema sa naaamoy nilang masangsang na dugo. Hindi na masama para sa may kasulukuyan nilang antas ng lakas, isa talagang pagkakamali ang maliitin sila," Humahangang sambit ni Blue na lumayo ng limang metro sa kanina niyang kinaroroonan at nagtago sa likod ng isang puno, kampante naman siyang mapapansin ng mga kalaban ang mga naiwan na senyales na nagmula siya roon, kaya walang dudang pupuntahan ng tatlong kalaban ang tinatayuan niya kanina. Umukit ang ngiti sa labi ni Ren, kagaya pa rin ng kanina ang kaniyang porma. Nakapatong sa balikat niya ang hawak na espada habang lumalakad papunta sa kaninang kinaroroonan ni Blue. Kung makikita ng mga kalaban ang kalagayan niya ay sigura

