Chapter 59: Looking directly! Sa ikalawang oras ng laban ay nanatiling nakatago si Rain Goodman sa teritoryo ng mga Bloody Tiger. Noong una pa lang ay tinignan na niyang mabuti ang mapa ng Blood Forest na natanggap niya at pinili ang lokasyong ito na sa tingin niya ay pinakamagandang p'westo. Nakaupo siya sa sanga ng isang puno na natatakpan ng mga dahon. Sa paligid ng punong ito ay may panibagong apat na punong nakapalibot na ilang pulgada lang ang distansiya bago tuluyang dumikit ang mga dahon sa magkakaibang puno. Hindi kahina-hinala ang p'westo ng mga puno at mukha pa nga itong ordinaryo, sa sobrang ordinaryo nito tignan ay malapit na sa imposible ang posibilidad na maglaan ng oras ang mga Adventurer upang suriin ang paligid nito. Pero kahit normal tignan ang mga punong nakatayo sa p

