Chapter 60: Threatening! Ang isipan ni Rain Goodman ay kasalukuyang inuulan ng mga sunod-sunod na katanungan. Hindi niya maintindihan kung bakit nakatingin ng direkta sa mga mata niya si Blue. Ang estado ng puso niyang kalmado na parang mapapayapang mga alon ng dagat ay nag-uumapaw na sa emosyon, tila nasa gitna ng dagat ang bangkang sinasakyan niya na tinatamaan ng mga naglalakasang alon. Kahit na alam niya ang kasalukuyan niyang antas ng lakas ay hindi ordinaryo at hindi basta-basta matatalo ng iba, ang kapangyarihan ng [System] at ang [Hide] niyang skill ay hindi epektibo kay Blue. Paano siya hindi kakabahan? Sa pagkakataong ito, ang pigura ni Blue sa malayo ay nagmistulang dambuhala sa paningin niya. Ang paligid nitong naliligo sa dugo ay pinapasama lang ang nakikita niya, ngayon ay

