HINDI nakakibo si Javier sa sinabi ng kaibigan.
Wala sa intensyon niyang buhayin ang sakit sa damdamin nito. Ang gusto sana niyang mangyari ay makita ni Treyton na kahit papaano may naging positibong bunga ang lahat sa kabila ng mga nangyari.
Lingid kasi sa kaalaman nito ay lihim na pumirma ang namayapa nitong asawa ng organ donation form. Treyton was reluctant about donating her organs at first kahit pa nalaman niyang brain dead na noon si Cassie.
As much as possible he wanted to see his wife in her whole form before he gave her up.
Unfortunately, the circumstances did not allow it for Treyton. There was a patient in line who was about to die if she would not be given of Cassie's heart right away. Tanging abo na lamang ng asawa ang nauwian niya.
Cassie died because of a fatal accident. Nagpuntang Cebu noon ang kabiyak para sa isang conference, habang siya naman ay nagpunta din sa California sa kaparehong dahilan.
It took 2 days bago siya nakontak ng kanyang pamilya upang ibalita ang nangyari sa asawa. Nataong may nanalasang hurricane sa lugar kung saan siya naroon nang mga panahong iyon.
Dahilan upang hindi din siya kaagad na nakauwi.
"I'm sorry, bro. I didn't mean to remind you of the pain." Mahinang usal ni Javier.
Tila nahimasmasan naman ang binata. Napahugot siya ng malalim na hininga.
His wounds are still fresh ang bleeding. Treyton is not even sure if it will ever be healed at all. Only time can tell.
It took him a week bago makauwi noon mula sa California. The most painful part for him was to watch his family took off Cassie's life support.
Tila tinarakan ng libo libong kutsilyo ang puso niya nang mga sandaling iyon. Nahiling niya na sana isinama nalang siya nito sa kabilang buhay. Nawala nang parang bula ang pangakong tatanda silang magkasama sa piling ng isa't isa sampu ng kanilang mga magiging anak at apo.
"It's alright. I know it wasn't your intention. I just over reacted," nagpakawala siya ng mapait na ngiti.
He tapped Javier's shoulder.
"Wanna go and grab some drink? Tutal off naman natin bukas, tapos Valentines pa," anang kaibigan na pumukaw sa panandalian katahimikan nila.
Napangiti siya sa huling sinabi ni Javier. Sa tagal nilang magkaibigan ay parang ngayon lang siya nito inaya sa araw ng Valentines.
"Himala, wala kang date?" nagdududang tanong niya dito.
"Naaah, we broke up a week ago. She said I was too busy," malamlam ang matang sabi nito.
"So, ako ang naisipan mong ayaing magdate?" natatawang sabi niya dito.
Kunwa'y nalulungkot ang mga matang tiningnan ni Javier si Treyton, "Hindi mo man lang ba ako dadamayan? Sino pa ba ang dapat kong ayain? Akala ko ba kaibigan kita!"
Ngunit hindi nagpatinag ang binata sa arte ng kaibigan. For sure, may nakatagong reserba ito sa kung saan. Kilala ito sa pagiging palikero sa buong ospital.
"Well, sorry to break your heart the second time but I need to go home today. Happy Valentines nalang, bro," aniya at iniwan na ang kaibigan. Weekend bukas at kailangan niyang umuwi dahil kung hindi magtatampo ang mommy niya.
His parents forced him to sell the unit that he and Cassie used to live then moved back to their house, lalo na nung makita ng mga ito na napapabayaan na niya ang sarili niya.
It was during the first year after losing Cassie, isinubsob niya ang sarili sa trabaho. Halos hindi na siya umuuwi o mas tamang ayaw niyang umuwi sa unit nila noon. Gone was the warm and cozy ambience of their house. Tanging matinding lungkot ang nararamdamn ni Treyton kapag umuuwi siya.
Dumaan muna ng bulaklak ang binata para sa ina nang may madaanan siyang flower shop pauwi sa bahay nila.
"WHAT happened to your head, babe?" nag-aalalang tanong ni Kenzo nang pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan.
Nagulat pa ang dalaga nang makita ang nobyo na nag-aantay sa harap ng kanilang bahay. Akala niya ay may conference ito sa Singapore at next week pa ang uwi. Isa itong dentista.
"Stay there and don't move," utos nito sa kanya.
Pagtapos ay pinuntahan ang gawi kung nasaan ang mommy niya at pinagbuksan din ito ng pinto. "Hi Tita," Nakangiting bati nito sa ginang habang inaalalayang pababa ng sasakyan.
"Mabuti naman at nandito ka hijo. Ikaw na muna ang bahala sa nobya mo at kakausapin ko pa si Roberto. Mauuna na ako sa loob ha."
"I'm fine now Ken. I just had a minor accident," aniya nang akmang bubuhatin siya nito. Ngunit wala din siyang nagawa kundi kumapit sa leeg nito nang pangkuin siya ng nobyo.
"You call that minor! You've got stitches on your forehead!" anito na hindi natutuwa sa pambabale wala niya sa sinapit.
She and Kenzo are childhood friends turned into lovers. They basically grew up in the same neighborhood back in Cebu. Although never silang naging magkaklase dahil nag-aral siya sa isang exclusive girls' school, palagi naman siya nitong pinupuntahan sa kanilang bahay tuwing hapon at walang pasok.
"Maganda parin naman ako kahit may peklat na ako noo ah!" nakangusong sabi niya dito.
They were both in high school nang umamin si Kenzo na may gusto ito sa kanya. She gladly returned his feelings dahil matagal na din niyang crush ito. May kaya din naman sila Kenzo pero hindi nga lang nila kasing yaman. Subalit sa kabila niyon ay hindi ito naging hadlang sa relasyon nila dahil hindi naman matapobre ang mga magulang niya.
Laking tuwa nga nila nang ipagpaalam ng binata na gusto siya nitong ligawan. Maliban sa mabait ito ay nakita din ng magulang niya kung paano siya ingatan at alagaan nito.
Kunot noong tiningnan siya nito, "You know that that's not what I meant."
Hindi umubra ang pagpapa-cute niya sa nobyo.
"So, tell me, what happened to you?" muling untag nito sa kanya nang makarating sila sa sala at maiupo siya nito sa sofa. Nylah has got no choice but to tell him the truth.
"I was trying to drive," nakayukong pag-amin niya dito.
"What!" naibulalas ni Kenzo.
"I know babe, but I'm fine. Namali lang ako ng tapak."
"Nylah, hindi laro ang pagmamaneho! What if mas malala ang nangyari sayo!" tila mas lalo itong nagalit dahil sa narinig.
Sa mga ganitong mga pagkakataon lamang siya napagtataasan ng boses ng binata. Kapag may bagay siyang nagagawa na ikapapahamak niya - which is madalas mangyari mula noong naoperahan na siya.
Aware ito sa dating condition niya kaya gaya ng kanyang mga magulang ay sobra din ito kung mag-alala sa kanya. Ewan ba niya bakit hindi pa nagsi-sink sa mga ito na magaling na siya. Kung tratuhin siya ng mga ito parang any minute bibigay parin ang puso niya.
Sometimes she feels trapped pero naiintindihan din naman niya ang mga ito. On the other hand, she just wants to try the things that she wasn't able to do noong may sakit pa siya and one of those ay ang matutong magmaneho.
To be continued...