TIRIK na ang araw nang magising si Nylah. Kenzo tucked her in last night. Gusto pa sana niyang makipavkwentuhan dito ngunit pinilit siya nitong magpahinga na.
Samyo ng dalaga ang halimuyak ng bulaklak sa hangin. Hindi na siya nagtaka nang may namulatang napakalaking pumpon ng kulay pulang rosas sa tabi niya.
Umupo siya at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Kinuha niya ang bouquet at dinala sa kanya ilong. Kasabay naman niyon ay ang pagpasok ni Kenzo na may dalang tray ng pagkain.
"Good morning, babe! Happy Valentines!" masiglang bati nito.
Inilapag ng binata ang tray sa ibabaw ng mesang naroon. Pagkatapos ay lumapit ito sa nobya at akmang gagawaran ng halik sa mga labi.
Biglang iniharang ni Nylah ang palad sa pagitan ng kanilang mga mukha at marahang itinulak palayo ang binata. Napakunot tuloy ito ng noo.
"Uhm-uhm, amoy umaga pa ako," aniya na tuluyang tinakpan ang bibig.
Napangiti lang si Kenzo sa tinuran ng dalaga. Umupo ito sa kama at tinanggal ang kamay na nakatakip sa labi nito.
"Kahit amoy hapon ka pa," aniya bago itinuloy ang naudlot na paghalik sa nobya.
Hindi na nakapagprotesta pa ang dalaga.
"I love you," buong pagmamahal na pahayag ni Kenzo. Mababanaag sa mga mata ng binata ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. It was a brief kiss but full of love.
A feeling of warmth spread through her. Wala na siyang mahihiling pa sa nobyo. Isa itong ulirang anak at kapatid. Maliban doon ay successful din ito sa sarili nitong negosyo.
Mayroon itong pag-aaring dental clinic na nakapagbranch out na sa halos buong Cebu at kalaunan ay nagbukas na din ng branch dito sa Manila. Idagdag pa na gwapo at matikas ito. She’s one lucky b***h.
"I love you more," nakangiting ganti niya.
Muli ay binigyan siya nito ng smack sa labi.
"I love you more babe."
"Naaah, I love you more," pagpupumilit ng dalaga.
"Nope, I love you even more."
"Tch! Ayaw talaga akong pagbigyan eh," nakungusong saad ng nobya.
Kinulong niya sa mga palad ang maliit nitong mukha at muling ginawarang ng mariing halik, "Pagbibigyan kita sa lahat ng bagay maliban dito kasi kahit mawala pa ako sa mundo at bumalik ulit ikaw parin ang pipiliin kong mahalin."
Sinalubong ni Nylah ang mga titig ng nobyo. She saw sincerity and devotion.
"I will do the same too in our next life and a million times after," she almost choked up.
She is really so blessed dahil mahal na mahal din siya ng lalakeng pinakamamahal niya.
Hinalikan siya ulit ni Kenzo sa mga labi. Aba! Napakaaga pa pero nakakarami na ito sa kanya ah!
Tinakpan niya ulit ang kanyang bibig.
"Nakakadami ka na ah. Magmumumog muna ako," aniya at kumawala sa pagkakahawak nito sa kanyang mukha. Pagkatapos ay dali daling nagtungo sa banyo upang maghilamos at magsepilyo.
Tatawa tawang tinungo ni Kenzo ang lamesa kung saan niya inilapag ang dalang tray at nag-umpisang ihanda ang kanilang agahan. Nagluto siya ng paborito ng english breakfast na paborito ng dalaga.
NAKAHANDA na ang mga pagkain sa lamesa nang makalabas si Nylah mula sa banyo. Mumog at toothbrush lang dapat ang gagawin niya pero naglight shower na siya tutal tanghali na din naman.
Nagpunta muna siya sa kanyang vanity mirror at mabilis na nagsuklay ng buhok.
"Babe, kaya ko namang bumaba para kumain," aniya habang palapit sa kinaroroonan ng binata.
"I know but I want to have this Valentine's Day breakfast with you," saad naman ng binata.
“Meaning, hindi ka pa kumakain? Tanghali na ah!”
“I had coffee and toast earlier,” Ipinaghila siya nito ng upuan.
Tutuloy sana sa hotel si Kenzo ngunit ipinagpilitan niyang doon na lamang ito magstay sa kanilang bahay.
Ang totoo niyan ay may conference ito sa Singapore pero sinadya lang nitong umuwi para makasama siya. Nataon kasing weekend ang araw ng mga puso, ayon dito sa lunes pa ulit magreresume ang conference na dinaluhan nito.
Nilagyan muna siya nito ng napkin sa kanyang lap bago ito umupo sa harap niya.
"Babe why don't you teach me how to drive when you get back?" aniya habang nagsisimula nang kumain.
She won't easily back down on her plan to learn how to drive.
Tinapos nito ang pagsasalin ng juice sa kanyang baso. Inilapag nito ang pitsel at seryosong tumingin sa kanya.
"Ok, I will, but with one condition. Dapat alam ni Tito Roberto."
Pinaikutan niya ito ng mata.
"Why is it that everything I do should have dad's approval! I'm already 23!" iritableng sabi niya.
Nylah loves her parents there's no doubt on that. Especially her dad na wala nang ginawa kundi ang ingatan siya.
Alam niya na madami ding pinagdaanang hirap ang mga ito dahil sa kondisyon niya noon. Gayun din naman siya, she was basically deprived of the things that a normal kid and teen does before her surgery. Ni hindi niya naranasang makipaghabulan sa mga kaklase niya noon.
Dahil pag-aari ng kumpare ng daddy niya ang school na pinasukan niya ay nagkaroon ng exception para sa kanya na may nakabantay na nurse buong araw. Monimonitor nito ang lahat ng mga ginagawa niya.
Before going to college, nakipagdiskusyon siya sa ama dahil gusto parin nitong may nakabantay sa kanya sa unibersidad na kanyang papasukan. Mariin niyang tinutulan ito. Sa huli ay pumayag din ama sa kondisyon na ihahatid sundo siya ng kanilang driver.
"Babe don't get me wrong ok. Nasa poder ka parin ng mga magulang mo," malumanay sa sabi ni Kenzo. "Isa pa, ayokong ma-bad shot sa daddy mo, baka mamaya hindi na botong boto sakin yun para maging manugang, " dagdag pa nito.
Natawa siya sa sinabi ng nobyo. Well, totoo nga namang botong boto ang ama sa binata para sa kanya.
"Anyway, alam na ba ni Tito ang nangyari?" tanong nito na nagsimula na ding kumain.
Lumabi si Nylah. For sure, kagabi pa ay alam na nito ang nangyari, lalo pa at nagkausap na ang mommy at daddy niya. Malamang nakadami na ang ama ng tawag sa kanya. She hasn't checked her phone yet dahil nakasilent mode ito.
"Probably kung nagkausap na sila ni Mommy," kibit balikat na saad niya.
Tinusok tusok niya ang sausage na nasa plato niya. Sermon na naman ang aabutin niya sa ama. She hates being treated like a sick person anymore.
Napansin ni Kenzo na hindi parin maayos ang mood ng nobya.
"Babe, look at me," aniya na sinunod naman nito. Nasa mga mata ng dalaga ang lungkot dahil hindi nito magawa ang nais.
Kinuha niya ang isang kamay nito at marahang pinisil, "Naiintindihan ko yung mga gusto mong gawin pero you can't do it all at once. Let's take it easy, ok. I will convince Tito Roberto na payagan kang mag-aral mag drive, sasabihin ko ako ang magtuturo sayo."
Nagbalik ang buhay sa mga mata ni Nylah.
"Really! Thank you, babe!" Sa sobrang tuwa ay napatayo ang dalaga saka nito nilapitan ang nobyo at binigyan ng matunog na halik sa pisngi.
Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at yumakap sa bewang niya.
“Anything for you, babe,” anitong nakatingala sa kanya.
To be continued...