Labis ang pagtataka niya nang magmukhang celebrity sila sa talipapa na binabaan nila. Lahat ng mata, sa kanila nakatutok. Marami ang tumatawag sa asawa niya ng Kimpoy pero dedma lang ito sa lalaki. Nangyari ito nang ipakilala ni Felix ang kaibigan na ito na ang dating Kimpoy. Kahit siya, hindi nakaligtas sa panunuri ng ilan sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya dahil sa pananamit niya. "Naku, Kimpoy, ikaw na ba 'yan?" Isang lalaki ang nakangiting lumapit pero nakatingin ito kay Kisay. "Asawa mo pala siya, pareho pala kayong mahilig ni Kimpoy sa damit na kakaiba, iha." Bigla na lang nagmartsa palayo ang asawa niya na mabilis nilang nasundan ni Felix. Ito mismo ang kumausap sa dalawang tuktuk driver. "Oy, kayong dalawa, sa bukid tayo!" Si Felix na agad sumakay sa isang motorsiklo. "Wal

