Baynte Dos

1595 Words
Pagbalik ko sa backstage, parang saka lang tumama lahat—yung pagod, yung emosyon, at yung bigat ng katawan. Pero sa puso ko, may liwanag. Hindi ko man maibigay ang encore na hinihiling nila, alam kong nag-iwan ako ng marka ngayong gabi. Pagkaupo ko sa isang silya sa backstage, humihingal at pinupunasan ang pawis sa batok, bigla kong narinig ang boses ni Trois sa likuran. “Chas,” tawag niya habang nakasandal sa pader, medyo may ngiti sa labi pero may bahid din ng pag-aalala sa tono. “Pinapapunta ka ni Serona sa labas.” Napalingon ako sa kanya, kunot ang noo. “Ha? Bakit daw?” tanong ko habang kinukuha ang robe ko at isinusuot sa ibabaw ng aking costume. Lumapit siya ng bahagya, nagbababa ng boses. “Hindi ko rin alam, pero sabi niya… may mga importanteng tao raw na gustong makilala ka. Nasa VIP lounge sila, at mukhang may plano si Serona na hindi pa niya sinasabi.” Napatigil ako saglit. Kinabahan. “Ano naman ‘to? May problema ba ako? O may reklamo?” Umiling si Trois, sabay tapik sa balikat ko. “Hindi, ‘wag ka masyadong kabahan. Kung may reklamo ‘yon, hindi sa VIP lounge dadalhin. Mukhang kabaligtaran. Gusto ka yata.” Napalunok ako. Kahit pagod na, napilit akong tumayo. Bumilis ang t***k ng puso ko. Lalo pa’t hindi ko alam kung anong klaseng "importante" ang mga taong sinasabi niya. May kaba, may halo ring excitement—parang nasa gitna ako ng hindi inaasahang eksena ng buhay ko. “Okay… tara na,” mahina kong sabi. “Pero sasamahan mo ko ha.” Ngumiti si Trois at kumindat. “Siyempre naman. Bodyguard mo ako ngayon.” Sabay kaming lumakad palabas ng backstage, papunta sa susunod na eksena na maaaring magbago ng lahat. Suot ko pa rin ang itim na maskarang nagtatago sa kalahati ng mukha ko—isang bagay na kahit paano’y nagbibigay ng kapal ng loob sa akin—habang tinungo namin ni Trois ang VIP lounge. Tahimik siya sa tabi ko, pero ramdam kong alerto siya, parang sinisigurado niyang ayos lang ako. Pagbukas ng kurtinang naghihiwalay sa lounge at sa main hall ng bar, agad kong naamoy ang mas matapang na halimuyak ng mamahaling alak at cologne. Maliwanag ang ilaw, pero may lambing—dimmed at sinadyang dramatic ang ambiance. May table sa gitna, pabilog, at sa paligid nito ay may anim na lalaking naka-formal casual. Isa-isa ko silang tiningnan. May mestisong kalbo na naka-leather jacket, isang morenong mukhang laging seryoso na may tattoo sa leeg, at isang chinito na palangiti habang may hawak na wine glass. Pero ang mga mata ko ay agad na lumapat kay Hendrix Zillman. Naka-suit siya, pero bahagyang bukas ang collar at walang tie—kalmado, confident, at may kakaibang tindig. Nagkatinginan kami. Bahagya siyang ngumiti, pero hindi ako ngumiti pabalik. “Gentlemen,” sabi ni Serona na ngayon ay nakaupo sa isang lounge chair, hawak ang isang wine glass. “This is Chasandria. Our rising star.” Napalunok ako, pero hindi ko pinahalata ang kaba. Tumango lang ako sa kanila. Isang lalaki ang agad tumayo. “You were amazing tonight,” aniya sa American accent. “Nakakatuwang makilala ka in person. We’ve been hearing about you.” Sumunod ang iba, tumango, ngumiti, may ilan pang pumalakpak ng marahan. “Bakit ako pinatawag?” mahinahon kong tanong, pero diretso ang tingin, kahit sa ilalim ng maskara. Si Zillman ang sumagot, sa tonong kalmado pero may laman. “We’re just here to talk… and maybe offer something big.” Napatingin ako kay Trois, na tila nahalata ang pagkabigla ko. Hindi ko pa alam kung anong klase ng offer ito—pero sa harap ng anim na lalaking may kapangyarihan, pera, at impluwensiya… alam kong kailangan kong maging matapang. Tumindig ang balahibo ko sa katawan sa mismong sandaling marinig ko ang sinabi ni Serona. "Magbe-bet daw sila sa’yo, Chas," aniya, malamig ang tono ngunit may bahid ng aliw sa kaniyang mukha habang iniikot ang wine glass sa daliri. "Kung sino ang may pinakamalaking alok... siya ang makaka-VIP sa’yo ngayong gabi. Papayag ka ba?" Saglit akong natigilan. Para akong binatukan ng realidad—hindi ito simpleng pagsasayaw lang. Mas malalim pa, mas mabigat. Pakiramdam ko, hindi ako tao sa mga oras na ’yon. Para lang akong premyo sa isang sugal. At sa gitna ng mararangyang suit, mamahaling alak, at mapanuring tingin ng mga lalaki sa harap ko—gusto kong maglaho. "No!" sigaw ni Trois, halos sabayan ang tunog ng musika sa labas. Mabilis ang lakad niya papunta kay Serona. "That's enough! Okay na yung isang gabi! Hindi na pwedeng magpa-VIP si Chas!" Nanlaki ang mga mata ni Serona, at kahit may ngiti pa rin sa labi niya, halata ang iritasyon. "Kuya Trois, it's Chas. Not yours," tugon niya, matalim ang tono, at halatang sinusukat ang kayang ibagsak ni Trois. "Hindi ito usapin ng pagmamay-ari, Serona," sagot ni Trois, halos nagngingitngit sa galit. "Pero kung ito na lang ba talaga ang magiging takbo ng lahat? Ibebenta mo siya sa pinakamataas na bidder? Para saan? Para sa pangalan ng bar na ‘to?" Natahimik ang buong VIP lounge. Ang anim na lalaking naroon ay tahimik na nakamasid—parang nanonood ng isang palabas, ngunit hindi nag-aambang makialam. Sa kabila ng ingay sa labas ng silid, ang pagitan naming tatlo ay parang nakakabingi. Tumingin si Serona sa akin. "Ikaw ang magdesisyon, Chas. Hindi si Trois, hindi ako. Pero kung tatalikuran mo ito, alam mo kung anong mawawala. Napatingin ako kay Trois. Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya, hindi sa akin—kundi sa sistemang pinapasok ko. Pero higit sa lahat, ramdam ko ang pag-aalala niya. Napakuyom ako ng kamay. Tumayo ako nang diretso, kinagat ang labi ko at pilit pinigil ang kaba at sama ng loob. "Pumayag ako." Mahina, pero malinaw. "Para kay Papa. Para matapos na 'to." Napapikit si Trois, mariing napailing. Si Serona naman, ngumiti ng matamis—isang tagumpay na ngiti. At ako? Wala akong ngiti. Wala akong sigla. Pero may apoy sa loob ko na pilit kong iniingatan—sapagkat alam kong hindi ito ang katapusan ko. Nasa gitna ako ng isang malupit na sitwasyon, at ang anim na lalaki ay parang nagiging mga komedyante sa harap ko, bawat isa naglalabas ng malalaking halaga, habang ako, si Chasandria, ay parang tanging tupa na hindi alam kung paano tatakas sa kanila. "100 thousand!" sigaw ng unang lalaki, ang mukha niya parang nanalo sa lotto. Nagbigay siya ng isang ngiti na parang ‘Okay, ito na ang chance ko’. Tumingin siya sa akin at nagdagdag ng, "Akin na ‘yan, Chas, matagal na kitang minahal, sigurado akong magiging worth it ito." Sumang-ayon ang mga kasama niya ng malalakas na tawa, parang ang taya nila ay isang palabas. Lalaki talaga, mga mapangasar! "150 thousand!" sunod na sabi ng isa, na parang tinutukso pa ako. "Huwag kang mag-alala, Chas, hindi ko naman kailangan ng salapi, kundi ikaw," sabi niya na parang may halong biro at seryosong muka. "Masaya na ako, kahit ito lang. Walang tataas pa sa 500 thousand." Tumawa pa siya habang pinapalakas ang tawa ng grupo. Napapakamot na lang ako sa ulo. Wala na ba akong magagawa kundi magtiis sa mga tawa nilang nakakaloko? "250 thousand!" sumunod na lalaki, at ang pagbitaw ng salitang iyon ay parang binigyan na ako ng utos. Tinutok ang mga mata sa akin at sabay sabing, "Alam mo, Chas, matagal na kitang tinitingnan. Hindi na ako makapaghintay. May pagkakataon tayo, ayusin na lang natin." Saka siya ngumisi at nagtulungan pa ang iba. "Tapos kung manalo ako, baka may pabor naman d'yan," sabi niya, tumawa pa ng malakas na parang ako ang pinaka-inaasahan nilang manalo. "300 thousand!" sumigaw ang isa pa, medyo pilyo at may pagka-biro sa tono. "Chas, baka ikaw na ang sagot sa lahat ng pag-aalala namin." Tumingin siya kay Zillman na parang ‘Wala nang tataas pa, malupit na tayo dito.’ "Wala ng tataas pa sa 500 thousand," sabay tawa nila ng malakas. Ako naman, nakatayo lang at hinihiling ko na sana ay magtulungan na lang sila at wag na akong gawing bida. Pero sa halip, parang ako lang ang nakakatawa sa kanila—at sila, mukhang enjoy na enjoy sa mga biro nila. "500 thousand!" huling pusta na inilabas ng isa pa, ang mukha niya ay seryoso, ngunit ang mga mata niya ay kumikislap. “Chas, 500 thousand na ‘yan! Laban na to. Kung manalo ako, ikaw ang susunod na magiging ‘misis’ ko, okay?" Ang mga mata niya ay kumikislap ng may lihim na kasiyahan. Ang mga kasama niya ay hindi na makapagpigil at nag-ibay ang tawanan. "Wala nang tataas pa, okay?" Hinanap ko lang sila ng matalim na tingin at sinabi ko sa sarili ko, ‘Huwag na kayong maglokohan, mga loko.’ Pero sumang-ayon lang ako sa biro at nag-isa pa. "Ayos lang, boys, basta’t wala na kayong ibang taya, bahala kayo d'yan." Pagkatapos ng lahat ng biro at tawa, nagsimula nang magbago ang lahat ng ito. Nagsimula silang magseryosohan, at si Zillman na nga ang nagpataas ng huling taya. "2 million," sabi niya, at tumahimik ang buong grupo. Ang mga lalaki ay nagtakpan ng bibig at nagkatinginan, parang nagtataka kung saan siya kukuha ng ganoong kalaking halaga. Pero si Zillman, seryoso sa mga mata, nagmukhang may mas malalim na plano kaysa sa lahat. Sa kabila ng lahat ng biro at tawanan, si Zillman pa rin ang nagwagi. At ako? Well, "Wala na. Masyado na yata akong naging taya sa lahat ng ito." "Akin pa rin siya ngayong gabi." Saad ni Zillman
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD