Nuybe

1446 Words
Kinabukasan, habang sumisikat pa lang ang araw, nakatingala ako sa kisame ng inuupahan kong maliit na kwarto. Tahimik lang ang paligid, pero sa dibdib ko, ramdam ko ang kakaibang t***k ng puso—halo ng kaba, takot, pero higit sa lahat, determinasyon. Hindi ko na ito panaginip. Dancer na ako. Hindi lang basta dancer—isa akong performer sa harap ng mga taong naghahanap ng aliw, ng pantasya, ng pahinga mula sa tunay na mundo. Pagdating ng hapon, pumunta na ako sa bar nang mas maaga. Pinagmasdan ko ang paligid habang binabagtas ang mahabang hallway papunta sa backstage—ang mga ilaw na umiilaw ng mapusyaw na pula, ang mga waiter na nag-aayos ng mga mesa, ang mga lalaking gwardyang laging nakakunot ang noo, at ang mabigat na amoy ng alak at perfume na parang naging parte na ng hangin sa lugar na ito. Pagdating ko sa backstage, naroon na sina Arya, Yllah, at ang iba pang dancers. "Ready ka na, queen?" bati ni Arya habang naglalagay ng shimmer sa kanyang balikat. Ngumiti ako at tumango. "Kailangan. Hindi na ako pwedeng umatras." Habang minamake-up-an ako ng artist, ramdam ko ang init ng mga ilaw at lamig ng aircon na sumasalubong sa balat ko. Ang aking buhok ay tinirintas pabalik at tinali ng mahigpit sa ponytail, pero may mga wispy strands na sinadyang paluwagin upang magmukhang natural at seksi. Ang make-up ko ay smoky—itim at ginto sa mata, pulang-pula ang labi na may gloss. Suot ko naman ang bagong costume ko: isang deep red na two-piece na kumikislap sa bawat galaw—may burda ng gold sequins sa gilid, at manipis na telang see-through sa balakang. At syempre, hindi mawawala ang aking mask—isang eleganteng pulang lace mask na may kaunting feathers sa gilid. Sakto lang ang takip—enough para hindi nila ako makilala, pero sapat para sabihing, “May itinatago siya, at gusto ko siyang makilala.” Pagpasok ko sa stage, ibang klaseng confidence na ang dala ko. Hindi na ako tulad ng kagabi na nanginginig at halos hindi makagalaw. Ngayon, kontrolado ko na ang entablado. Nang tumutok sa akin ang stage light, ngumiti ako sa ilalim ng mask. Dahan-dahan akong naglakad sa gitna ng stage, ang takong ko’y tumutunog kasabay ng beat ng sensual na musika. Nagsimula akong gumiling, umaayon sa bawat bagsak ng beat—minsan mabilis, minsan mabagal, pero laging may tikas, laging may lambing. Tila ako sining sa harap ng mga matang gutom sa aliw. Naririnig ko na naman ang sigawan. "Yun na naman si Mask Girl!" "Lupit ng galaw!" "Parang gusto ko siyang iuwi!" "Sobrang sarap panoorin, grabe!" Habang nagsasayaw ako, naisip ko—ito na ba talaga ang buhay ko ngayon? Hindi ito ang pinangarap ko… pero sa ngayon, ito ang bumubuhay sa akin. At habang hindi pa ako muling nakakalipad sa ulap, sasayawin ko muna ang gabing ito—na parang ito na ang huli. At sa bawat pag-indayog ko, tila lumalapit ako sa panibagong pag-asa. Sa gitna ng hiyawan, sa gitna ng ilaw—ako ang reyna ng gabi. Pagkatapos ng isang malakas na beat drop, dahan-dahan akong bumaba mula sa entablado. Ang takong ko’y tila tumutugtog ng sarili nitong musika sa bawat hakbang ko pababa. Nang muling tumama ang spotlight sa akin, napalakas ang sigawan ng mga lalaki. “Woooooo! Angas ni Mask Girl!” “Putangina ang galing mo!” “Dito ka na lang sa kandungan ko!” “Pakasal na tayo ngayon din!” Parang mga gutom na hayop silang lumapit. May iba’y may hawak pang bote ng mamahaling alak, ang ilan ay nakasandal sa kanilang upuan habang nakangisi, at may ilan din na mabilis na tumayo at nilapitan ako, sabay abot ng pera. Isang lalaking nakasuot ng branded na polo ang marahang humimas sa pisngi ko, tila sinisigurado kung totoo ba ako. “Ang ganda mo, baby. Parang panaginip ka,” bulong niya, habang isinisiksik ang isang tig-500 peso bill sa kamay ko. Hindi ako gumalaw. Hindi ako tumanggi. Hinayaan ko sila. Isa pa, sumunod, at nilagay naman ang pera sa pagitan ng daliri ko. “Galing mo sumayaw, Mask Girl. Ang sarap mong panoorin.” May isa pa, tila mas may edad, ang dahan-dahang hinawakan ang braso ko at tumitig sa mga mata ko sa ilalim ng mask. “Ganyan ang klase ng babae na handa kong ibigay ang ATM ko,” sabay tawa ng malalim. Sunod-sunod ang himas, abot ng pera, at titig na parang gusto nilang matunaw ang mask na suot ko. Ang bawat perang isinisiksik sa kamay ko ay parang nagsusumigaw ng "Isa ka sa pinaka-magaling, pinaka-magandang babae sa gabing ito." At sa gitna ng mga palad, mga mata, at mga bulong—nakatayo ako. Tahimik, pero buo. Ginawa ko itong performance, hindi kahihiyan. At kahit may bahid ng pandidiri sa loob ko, tiniis ko—para sa aking ama, para sa sarili kong kinabukasan. Hindi ito ang gusto kong mundo… Pero sa gabing ito, ako ang sentro. At habang sumisigaw ang buong bar sa pangalan ng isang babaeng hindi nila kilala, mas lalo akong nagiging matatag sa likod ng maskarang ito. Pagkababa ko mula sa entablado, ramdam ko pa rin ang init ng ilaw sa aking balat, ang lagkit ng pawis sa likod ko, at ang bigat ng bawat tingin ng mga lalaking nanood. Pero sa wakas, tapos na. Nakabalik na ako sa backstage. Hinila ko pababa ang suot kong mask at agad na huminga ng malalim. Tila ngayon lang ako muling nakalanghap ng hangin na akin talaga. Paglingon ko, nakatayo na doon si Katrina—nakasandal sa isang pader, may hawak na glass ng alak, at nakangiti ng pilya habang nakatitig sa akin. “You did great,” sabi niya sabay baba ng baso sa isang table. Lumapit siya sa akin, bahagyang tumango at tumawa. “Laway na laway sayo ang mga lalaki. Halos mag-agawan sila sa’yo kanina.” Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya sa sinabi niya. Ang totoo niyan, kanina habang nasa gitna ako ng entablado, hindi ko na halos narinig ang musika—ang tanging maririnig mo ay ang hiyawan, ang sigawan, ang mga tawag nila sa akin na parang ako’y isang bagay na kailangang angkinin. “Puro bigatin pa yung mga yun ha, mga VIP—’pag nakuha mo pa ang loob nila, mas lalakas ka sa bar na ‘to,” dagdag ni Katrina habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. “At sa galing mong sumayaw? Tangina, baka ma-promote ka pa agad.” Ngumiti siya, pero hindi iyon basta ngiti. May laman. May ibig sabihin. Tila ba sinasabi ng mga mata niya: “Welcome to the game.” “Magpahinga ka muna, maskara ng linggo ka ngayon.” Tumalikod na siya, iniwan akong tulala, hawak pa rin ang mask sa aking kamay, habang naghahalo sa puso ko ang takot, tagumpay, at isang bagay na hindi ko pa rin kayang pangalanan. Oo, nagawa ko. Pero sa anong kapalit? Tahimik akong lumapit kay Katrina habang abala siya sa pag-check ng tablet sa mesa ng backstage office. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang blazer niyang mamahalin at kahit pawisan pa siya mula sa pag-ikot sa VIP, hindi pa rin kumukupas ang kanyang aura — matapang, elegante, mapang-akit. “Katrina, may tanong ako,” sabay tingin ko sa kanya habang nakatayo ako sa pintuan. Tumingin siya sa akin, medyo itinaas ang isang kilay. “Ano yun, Mask Girl?” tanong niya, may bahid ng ngiti sa labi habang isinara ang tablet niya. “Paano ka naging may-ari ng bar na ito? At... bakit mo siya ginawa?” Napahinto siya sandali. Para bang hindi niya inasahan ang tanong na 'yon mula sa isang katulad kong baguhan. Pero sa halip na umiwas o ipagkibit-balikat, tumango siya at naupo sa leather couch. Tinapik niya ang tabi niya, hudyat na maupo rin ako. Umupo ako. Nakatingin siya sa kawalan. “Alam mo, marami ang hindi nakakaalam n'yan, Chas, pero hindi ko ikinakahiya.” Tumitig siya sa akin. “Artista ako sa araw, socialite sa gabi. Pero ang totoo? Isa akong babae na alam kung gaano kahirap mabuhay sa mundong ito kapag wala kang armas.” “Armas?” tanong ko, bahagyang naguguluhan. “Oo. Armas. Hindi baril, hindi suntok. Armas nating mga babae — kagandahan, talento, at diskarte.” Ngumiti siya, pero may lungkot sa likod ng kanyang mga mata. “Dati akong dancer. Hindi ganitong klaseng bar, pero pareho ang eksena. Umiilaw ang stage, may maskara ring suot minsan. Tapos nauuwi sa isang maliit na kuwartong puro luha ang laman.” Napayuko ako. Parang may tinamaan sa puso ko. A b a n g an...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD