Diyes

1525 Words
“Bakit mo itinayo ang Sphere?” tanong ko ulit. “Para mabigyan ng tsansa ang mga kagaya mo. Ang mga babaeng tulad natin na may pinagdaraanan.” Lumapit siya sa akin, mas malumanay na ang boses. “Ayoko kayong ibenta. Ayoko kayong abusuhin. Gusto ko lang kayong tulungan makatawid. Kung may talento ka sa sayaw, bakit hindi mo gamitin? Kung may ganda ka, bakit hindi mo pagkakitaan — sa paraang kontrolado mo. Hindi 'yung ginagahasa ka ng sistema.” Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o ngingiti. “Mayaman ako, oo. May pangalan ako. Pero hindi ako palaging ganito.” Seryoso na ang mukha niya ngayon. “Kaya binuo ko ang Sphere para magkaroon kayo ng ligtas na lugar. Oo, sensual. Oo, mapang-akit. Pero walang sapilitan. Walang kahihiyan. Dito, babae ka — at babae kang may lakas.” Hindi ako agad nakasagot. Para akong nalunod sa bawat salitang binitiwan niya. “Ang laki ng respeto ko sa’yo, Katrina,” bulong ko. Ngumiti siya. “At mas lalo kitang nirerespeto ngayon, Chas. Dahil kahit natatakot ka, sumubok ka. At hindi mo lang ‘to ginagawa para sa sarili mo, kundi para sa pamilya mo. Sa ama mong may sakit. That’s the kind of woman I want here.” Tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan. “Tandaan mo 'to, Chas,” dagdag pa niya habang pinapahid ko ang luha ko. “Sa mundong ito, hindi ka palaging mamumulot ng respeto — minsan, ikaw mismo ang gagawa ng dahilan para igalang ka nila. At mukhang sinimulan mo na 'yon ngayong gabi.” Tahimik lang ako, pero sa puso ko — parang may apoy na biglang nabuhay. Matapos ang lalim ng aming pag-uusap, tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Mabigat man ang loob ko na iwan si Katrina sa sandaling iyon, alam kong kailangan ko na ring bumalik sa quarters para makapagpahinga. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, bitbit pa rin sa dibdib ko ang bigat ng lahat ng narinig ko. Tumayo rin siya, bahagyang nakaawang ang kanyang labi, para bang may gusto pa siyang idagdag pero pinili niyang huwag na lang. “Katrina…” mahina kong tawag. “Hmm?” tugon niya habang pinagmamasdan ako. “Salamat. Hindi ko inakala na ang lugar na 'to, na akala ko’y ikakahiya ko, ay magiging sandalan ko. Salamat kasi… hindi mo lang ako tinanggap — pinaniwala mo akong may halaga pa ako.” Napangiti siya, 'yung tipong bihira niyang ipakita — hindi ng maldita, kundi ng isang babae ring pagod pero matatag. “Ang halaga mo, Chas, hindi kailanman nawala. Naligaw lang. Pero ngayon… unti-unti mo nang hinahanap pabalik.” Tumango ako. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang niyakap. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa likod ko, parang yakap ng isang ate na matagal ko nang hindi naramdaman. “Aalis na ako. Magpapahinga na muna.” “Go. Deserve mo 'yan. And Chas…” tinawag niya muli habang palabas na ako ng pintuan. Napalingon ako. “Welcome to Sphere.” Ngumiti ako — isang ngiti ng pasasalamat, ng panibagong simula, at ng tahimik na pangakong… lalaban pa ako. Pagharap ko sa pasilyo ng backstage, tahimik na ang paligid. Pero sa puso ko, may bagong sigaw — Hindi pa ako tapos. Tahimik akong naglakad sa kahabaan ng hallway, bitbit ang pagod at ang mga salitang binitiwan ni Katrina. Nang makalampas ako sa dressing room, huminto ako sa isang bahagi ng lugar na may mahahabang salamin—isang salaming makailang ulit ko nang nasilayan pero ngayon ko lang muling tiningnan ng buong buo ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit. Nakaharap ako ngayon sa isang babaeng nakasuot ng makintab at mapang-akit na two-piece, may maskara sa mukha, at buhok na nakaponytail—isang mukhang hindi ko na halos makilala. Ngunit sa kabila ng lahat ng make-up, sa likod ng pulang lipstick at matatalim na mata, nandoon pa rin ang dating ako. Si Chasandria Paclita. Tinapunan ko ng tingin ang sarili kong repleksyon mula ulo hanggang paa. Ang katawan kong pinagpapawisan, ang mga matang may bahid ng lungkot pero may ningning na rin ng tapang. At sa puntong iyon, hindi ko napigilang tanungin ang sarili ko. "Ito ba talaga ako ngayon?" Marahang nilapat ko ang palad ko sa malamig na salamin. Para bang sinusubukang aluin ang repleksyon ng babaeng nasa loob niyon. "Kaya ba ako laging napagsasamantalahan sa eroplano, kasi maganda ako?" bulong ko, halos hindi ko na marinig ang sarili. "Kasi ‘di nila matanggap na may flight attendant na ganito kaganda kaya gusto nila akong angkinin, lapastanganin, sirain?" Muling pumatak ang luha ko. Mabagal. Mainit. "At itong ganda bang ‘to… para lang ba talaga ito sa bar?" Tanong ko sa sarili ko, puno ng sakit at paghahanap ng kasagutan. "Para lang ba ako sa entabladong sinasayawan habang nilalawayan ng mga lalaking ‘di ko kilala?" Gusto kong sumagot. Gusto kong kontrahin ang mga tanong ko, pero wala akong boses. Wala akong lakas. Ang alam ko lang, napagod na ako. Napagod akong patunayan sa mundo na hindi ako basta ganda lang. Na may isip ako. May puso ako. May pangarap din ako noon. Ngunit ngayon… Narito ako. Sa isang bar. Nakatayo sa harap ng salamin. Nakasuot ng maskara, pero ang tunay kong mukha… hindi ko na alam kung saan na. Tumigil ako sandali. Huminga ng malalim. At bago ako lumayo sa salamin, isang bulong lang ang binitawan ko. "Sana, kahit dito… kahit papano… makita ko ulit kung sino talaga ako." At sa katahimikan ng backstage, tanging pintig lang ng puso ko ang saksi sa panibagong tanong ng aking kaluluwa. Nakaupo ako sa isang sulok ng backstage, pinapahid ang pawis sa aking leeg gamit ang maliit na tuwalya. Ramdam ko pa rin ang init mula sa mga ilaw ng entablado at ang bigat ng bawat kilos kanina habang sumasayaw. Pagod na ang katawan ko, pero mas pagod ang isip. Lumapit si Trois—pawisan, pero may ngiti sa labi. Katatapos lang niya sa set niya, at gaya ng dati, natural ang kilos niya, parang sanay na sanay sa mundong ito. “So bakit ka nagtrabaho dito?” tanong niya, habang umupo sa tabi ko at sumandal sa pader, parang casual lang ang lahat. Napatingin ako sa sahig. Hindi agad ako sumagot. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko, pilit nilulunok ang emosyon na gustong sumabog. “Kailangan ko ng pera,” mahinang sagot ko. Tumingin siya sa akin, seryoso na ang mga mata. “Para sa papa kong nasa ospital,” dagdag ko. “May sakit siya… at kailangang-kailangan na ng operasyon. Wala kaming ganung kalaking pera. Nung na-fire ako sa airline, parang gumuho na rin lahat ng plano ko.” Nilingon ko si Trois. Tahimik lang siyang nakikinig, walang kahit anong panghuhusga sa mukha niya—at doon pa lang, gumaan na ng kaunti ang pakiramdam ko. “Malaki ang sahod dito,” patuloy ko, medyo napapait na ang ngiti. “Kaya why not, ‘di ba? Kahit isang parte sa’kin, sobrang nalilito pa rin kung tama ‘tong pinasok ko. Pero kung ito lang ang paraan para madugtungan ang buhay ng papa ko… tatanggapin ko kahit ilang beses pa akong mapagod, mapawisan, o mapanghusgahan.” Natahimik kami saglit. Pagkatapos, marahan siyang tumango at ngumiti ng konti. “Alam mo, Chas… hindi madali ang pinasok mo. Pero ‘yung rason mo, totoo. Malinis. At kung para sa taong mahal mo, kahit anong dilim kaya mong pasukin.” Napatingin ako sa kanya. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitawan niya. Hindi niya ako pinayuhan. Hindi niya ako kinuwestiyon. Pinakinggan lang niya ako bilang tao. At sa mundong ‘to, minsan ‘yun lang talaga ang kailangan natin. “Salamat, Trois,” mahina kong sabi, at sa unang pagkakataon ngayong gabi… ngumiti ako, nang totoo. Tahimik kaming dalawa ni Trois habang nakaupo sa sulok ng backstage. Ramdam ko pa rin ang init ng spotlight sa balat ko kahit wala na ako sa entablado. Umuugong pa rin sa tenga ko ang hiyawan ng mga lalaki, pero sa loob ko… tahimik. Pagod. Naputol ang katahimikan nang muling magsalita si Trois. "Bakit ka nga pala natanggal sa airline niyo?" tanong niya habang nakasandal pa rin sa pader, nakatingin sa akin na parang hinihintay ang buong kwento ko, hindi lang basta kasagutan. Napalunok ako. Tumigil ako sa pagpupunas ng pawis at napatingin sa kawalan, parang biglang bumalik ang lahat—yung araw na ‘yon, yung galit na galit na sigaw ni Captain Zillman, at ang sakit na parang tinapon ka lang sa basurahan. “May pasaherong lalaki,” panimula ko, mahina lang ang boses ko. “Binastos ako habang nasa flight kami. Hinawakan ang balakang ko habang nag-aabot ako ng tubig. Sinabihan pa ako ng kung anu-anong bastos.” Nakita kong kumunot ang noo ni Trois. Tahimik lang siya pero halata ang inis sa mukha. “Pinagsabihan ko siya. Hindi ko napigilang sigawan. Nahiya siya sa mga pasahero, pero ako… ako ang nasisi sa huli. Delay daw ang flight dahil sa gulong ginawa ko. Hindi raw ako marunong mag-control ng sitwasyon.” Pumikit ako sandali, pilit nilulunok ang pait ng alaala. A b a n g a n...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD