“NINONG, bakit po sweetheart tawag mo kay Mommy?” tanong ni Cyd. Natawa si Izaiah sa hindi inaasahang tanong ni Cyd. “Napakatalas talaga ng pandinig mo, baby. Narinig mo pa ‘yon?” tanong ng lalaki “Ibig sabihin po ba nun ay p’wede na kita maging daddy?” Nagkatinginan sina Izaiah at Camille sa tanong ng bata. “Ikaw talaga napakadaldal mong bata ka. Umupo ka na nga lang at mamaya ka na maglaro ulit, okay?” “Yes, Mommy.” Nakita ni Izaiah ang kulay asul na picnic carpet na dala ni Camille kaya inilatag iyon sa pinong damuhan sa ilalim ng malilim na puno. Pagkatapos ay nilagay na rin nito ang basket na may lamang mga pagkain. Natutuwang pinagmasdan ni Camille ang dalawa habang tinutulungan ni Cyd si Izaiah sa pag-aayos ng kanilang mga pagkain. “Mommy, halika na po rito!” tawag na sa kan

