HINDI natuloy ang pag-alis ni Izaiah papuntang Singapore. Sa halip ay si Julius na lang ang pinag-iisipan niyang ipadala roon upang mangasiwa para sa panibago nilang proyekto. Tila ganoon lang kadali na nakalimutan nila ang sama ng loob sa isa’t-isa. Hindi na inusisa pa ni Izaiah si Camille patungkol kay Ivan. Gusto pa sanang ipaliwanag ni Camille ang lahat ng mga nangyari pero hindi na raw mahalaga iyon. Ang mahalaga raw ay pumayag na siyang magpakasal dito. Masayang-masaya siya dahil alam niya sa ngayon na sigurado na talaga siyang magpakasal sa lalaking mahal na mahal niya na pinaghintay niya ng mahabang panahon. “Saan mo gustong kumain?” malambing na tanong ni Izaiah sa kanya habang magkahawak sila ng kamay na naglalakad. Pagkagaling nila sa airport ay naisipan nilang dumeretso sa oc

