MEDYO napaaga ang dating ni Izaiah sa airport. Nakipag-usap pa kasi siya kay Kier Montefalco na malapit lang din sa nasabing lugar. Napatingin siya sa kanyang pambisig na relo, dalawang oras pa halos ang kanyang hihintayin. Kung kaya’t pumasok muna siya sa isang café na nasa airport lang din mismo. Naalala na naman niya ang café nina Camille. Tuluyan na nga itong nagsara mula noong nasunog at hindi na muling nagbukas. Kasunod niyon ay ang paglabo din ng kanilang relasyon. Umupo siya sa bakanteng mesa at nag-order ng maiinom, pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang laptop upang tingnan ang mga monthly report ng kompanya. Agaw pansin ang kanyang cellphone na nasa bulsa nang mag-ring ito. Nakita niyang si Jethro ang tumatawag. “Napatawag ka?” “Kuya, Camille is here and she wa

