“SUNDAN mo si siya, Camille,” ang sabi ni Ivan habang namimilipit sa sakit at nagpupunas ng duguang ilong. Tila nagtaka si Cassandra sa narinig kay Ivan na pinasusundan nito kay Camille si Izaiah. “My goodness, Ivan! Ano ‘to, nagpapakamartir ka nang dahil sa pagmamahal mo sa babaeng ‘yan? L*tse, ka talagang babae ka!” susugurin na naman sana siya ni Cassandra ngunit pinigilan ito ni Ivan. “Puwede ba Cassandra, tumigil ka na! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ‘to, ‘di ba? Kinaladkad mo si Izaiah dito para siraan si Camille sa kanya!” “Bakit? Totoo naman, ‘di ba?!” sumbat ni Cassandra. “Maling-mali ang impormasyong nakuha mo kung sino man ‘yang binayaran mo para sundan ako!” giit ni Ivan. Nagulat si Cassandra kung papaano nalaman ni Ivan na pinasusundan niya ito palagi. Tu

