SAGLIT na nag-isip si Izaiah kung bakit naniwala siya kay Cassandra. Hindi magagawa ni Camille na lokohin siya. Ang alam niya ay mahal na mahal siya ni Camille. Pero bakit narito siya? Sa kabilang banda ng kanyang isip ay may gusto lang siyang tiyakin. Gusto niyang mabigyang linaw, kung totoo nga ba ang pinagsasabi ni Cassandra tungkol kay Camille at Ivan? Napatingin siya sa kanyang pambisig na relo, alas-sais na. Kung nasa party lang sila, tiyak kanina pa dapat nag-umpisa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Divina. “Divina, ituloy niyo lang ang party kahit wala si Cyd, tutal nandyan naman lahat ng bisita. Ikaw na ang bahalang mag-isip ng dahilan, okay?” “Bakit po, Sir? Ano’ng nangyari kay Cyd? Hindi ba po ba sila makararating?” tarantang tanong ni Divina sa kabilang

